Pisces's POVNakakapagod ang araw na to, at isa pa si kape sa mga nagpapapagod ng utak ko, ngawa siya ng ngawa at hindi ko maintindihan yung binulong niya sakin dun sa may canteen kanina.
tsk! parang may pake naman ako dun?
Gusto ko ng umuwi kaso may trabaho pa kame ni kape at papunta na akong parking para dun siya hintayin may kailangan pa siyang gawin sa library, magtransfer ba naman sa kalagitnaan ng grading ewan ko na lang.
habang naghihintay nanigarilyo muna ako, nakasandal sa motor ko na nakayuko at nakatingin lang sa lupa.
" pwede ba tayong mag-usap?"
Nakita ko ang paglapit ng isang pares ng sapatos, kahit naman na hindi ako tumingin sa kanya ay kilala ko na ang kanyang boses.
" ano na naman to kaps?" Walang gana kong tanong at walang gana ko din siyang tinignan na sa ekspresyon niya ngayon hindi ko mawari kung seryoso ba siya o galit na.
Sa totoo lang, wala naman na dapat kaming pag-usapan na dalawa, para saan pa? sila na.
" Ah " biglang sabi ko ng may marealise ako. " gusto mo bang icongratulate kita?" sarkastiko kong tanong. " ay sorry, belated congratulations" tapos inirapan ko siya.
huhuhu masakit pa rin kase, maiiyak na naman tuloy ako. T.T
" hindi yun" seryosong sabi niya.
Napataas ang kilay ko. " Ah hindi ba? eh ano?" Seryoso na ang tono at ekspresyon ng mukha ko, tinapon ko na din ang sigarilyo ko at inapakan yun at tuwid na tumayo. Habang ginagawa ko yun nakatingin lang siya sakin.
" Ano?" Tanong ko ulit. " Bilis bilisan mo dahil wala akong oras sayo"
" Bakit hindi mo sinabing may girlfriend ka na pala?" Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
Napangisi ako sa walang kwenta niyang tanong. " Ah yun ba?"
" Sagutin mo ang tanong ko!" Napasigaw na siya kaya medyo nagugulat ako sa reaksyon niya ngayon.
" hindi ko alam na kailangan mo pa pala yun malaman! " singhal ko.
" BAKIT NGA HINDI MO SINABI!" sumigaw na siya at kita mong galit na galit na siya.
Mapakla akong natawa. " hoy, kaps wag mo nga akong pinagloloko, kung may girlfriend ako, wala ka na ron" pinanlakihan ko siya ng mata.
" May girlfriend ka na pala, pero ginugulo mo lahat ng nanliligaw kay shairie? and....and you said na may gusto ka sa kanya? ano to? niloloko mo ang girlfriend mo?"
Bumontong hininga ako at Mapakla akong natawa ulit. " hindi ko talaga makita ang point sa mga sinasabi mo kaps" napatabingi pa ang ulo ko habang deretchong nakatingin sa kanya, kitang kita kong medyo nagulat siya sa ginawa ko.
Umiwas siya ng tingin" ang point ko--"
Hindi ko siya pinatapos at masamang tumitigtig sa kanya. " anong saysay ng mga sinasabi mo ngayon, eh kayo na nga di ba? nanalo ka na, ano? kailangan mo pa bang ipamukha sakin!?" nagagalit ko na ring sabi.
Nagulat siya sa pagsigaw ko. " hindi naman yun ang ibig kong sabihin." Mas lalong hindi na siya makatingin sakin.
" Eh ano? May gusto ka sakin?" Parang naghahamong tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko yun.
Lumaki ang singkit niyang mata sa narinig. Nakabuka lang ang kanyang bibig, hindi makahanap ng sasabihin.
"Huh!" nakapamewang na ako at malalim na ang paghinga ko. " ang lakas ng apog mong magpakita tapos sasabihin mo yan sakin?! nagparayat na ko't lahat, parang tingin mo ako pa may mali?!" Mas hindi siya nakapagsalita, tsaka napayuko.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!