Twenty

36 3 2
                                    

Pisces's POV

" Rivera maiwan ka" napahinto ako sa paglalakad ng sinabi yun ni Coach.

" Po?" Lumingon ako sa kanya.

Tumaas agad ang kilay niya." Late ka diba? Maiwan ka't maglinis"

Bumagsak agad ang balikat ko at nanlumo. " Coach, 5 minutes  lang naman akong late, kase late ang dismiss samin." Padadahilan ko pa.

" So? Ang rule ay rule kesyo 1 minute ka pang late, maiiwan ka't maglilinis ng court" sabi niya.

" Bye Pi!" Kaway pa sakin nila Jamie at Sheila. Sinamaan ko lang sila ng tingin habang papalabas sila ng court.

" Rivera, wag kang mag-alala kasama mo naman si Mendez dahil late din yan" habol pa ni coach.

"Oooy!" Katyaw sa kanya ng mga kaibigan niya. " Hinatid pa daw niya yung Girlfriend niya sir, baka daw kase mawala" sabi naman ni Nick.

Natawa kame, tapos si kaps mahinang binatukan si Nick na tawa pa rin ng tawa.

" Oh yung uuwi, umuwi na, tapos yung maiiwan simulan niyo ng magligpit" sabi naman ni Coach tapos nanguna ng lumabas ng court.

Nilapag ko na lang yung bag ko sa bench at sinimulang pulitin ang mga bolang nakakalat at ilagay yung sa lagayan ng mga bola.

" May part time pa ako eh, bubungangaan na naman ako ni kape" bulong ko pa. Lumingon naman ako kay Kaps na hanggang ngayon nakatayo lang at may inaayos sa bag niya.

" Ano ba? Ang bagal mo na man, simulan mo ng Magmop ng sahig" utos ko pa sa kanya.

Tumaas ang kanang kilay niya. " Inuutusan mo ko?"

" Aba'y hindi, Sinasabi ko lang" sarkastikong sabi ko tapos inirapan siya.

" Mahinhin ka pa sakin, ang bagal bagal" bulong ko pa.

" May sinasabi ka?" Tanong niya pa habang kinukuha niya yung balde at mop.

" WALA! NAG-OORASYON AKO DITO!" sigaw ko. Tsk!

Oo, Medyo okay na kame nitong kapre na 'to, ilang linggo din naman ang lumipas at unting-unti ko ng natatanggap ang katotohanang hanggang kaibigan lang ako, Hindi ko sinabi kay Shai, kase baka mailang siya sakin at nagpapasalamt naman akong tikom din ang bibig ng Kapre to dahil ako ang kikitil sa buhay niya. Okay na kame dahil nakakasama ko din sila sa lunch dahil yun ang gusto ni Shai at Oo tanggap ko na sila. May magagawa pa ba ako?

"Tsk! Bat ako lang magmomop? Ang laki ng court" reklamo niya.

Bumuntong hininga ako. " Kita mong nagpupulot ako ng bola?" Tumayo ako ng tuwid at nakapamewang na humarap sa kanya.

"Tsk!" Singhal niya, tapos bigla niyang hinubad yung t-shirt niya.

" Hoy! Bat naghuhubad ka!?" Nanlalaking matang tanong ko tapos iniwas ko ang tingin sa kanya.

" Madudumihan at pagpapawisan ang damit ko" sabi niya. Tapos sinimulan niya ng magmop ng sahig

Napairap na lang ako at tinuloy ang pagpupulot ng bola nung natapos ako tumayo lang ako at hinahabol ang hininga ko dahil napagod ako sa pagpupulot, pinagpawisan tuloy ako, tumingin naman ako kay kaps at nakakalahati niya na ang pagmomop ng sahig ng court. Kaya kumuha din ako ng mop at niloblon yun sa balde at sinimulan ng tulungan siyang magmop pero napatigil din ako at tumayo ng tuwid, Napasulyao naman sakin si kaps.

Kunwari huhubarin ko din ang t-shirt ko.

" Ano gagawin mo?!" Napaayos siya ng tayo at nabitawan niya yung mop na hawak niya.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon