Pisces's POV
"uy! anong ginagawa mo dyan! kanina ka pa tinatawag ni komandrona, ang daming gagawin sa loob"
Tinapos ko ang paghithit ng sigarilyo.
" ano na naman yan?" tanong niya, nakapameywang pa siya.
Hindi ako sumagot, bumuntong hininga na lang ako.
" base sa buntong hininga mo, bigat ng dinadala natin ah?" sabi niya.
Nakatingin lang ako sa kanya, sinusukat ko kung sasabihin ko ba o hindi kung anong bumabagabag sakin.
" spill it"
Bumuntong hininga ulit ako.
" he's persistent" maikling sabi ko na nagpakunot noo sa kanya.
pero kalaunan nagets naman niya kung anong ibig kong sabihin
" sabi ko na nga ba" iiling iling pa siya. " wala kang pag-asa dyan"Bumuntong hininga ulit ako.
" wala agad pag-asa? wala pa akong ginagawa, wala na agad pag-asa?" sabi ko.
bumuntong hininga ulit siya.
" you've done enough, mars, pero hindi mo makokontrol ang feelings niya, it will never happen, I will tell you, hindi talaga."
napapikit ako.
" anong gagawin ko?" tanong ko.
" bakit ako tinatanong mo? kung sasabihin ko ba, susundin mo?"
natahimik ako.
" see, wala na tayong magagawa"
"meron pa"
" mapilit ka talaga eh no?"
" ganyan talaga paggusto mo na"
" tsk! right, I feel you"
lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat ko.
" sige, ipagpilitan mo yan, pero kung alam mo ng wala ng pag-asa, tumigil ka na ha?ikaw lang masasaktan dito, sinasabi ko sayo"
napatango na lang ako.
she sigh " eh, yung mga ganong lalake, hindi madadaan sa salita yun, lalo na kapag porsigido at INLOVE!" sinigaw niya ang huling salita.
"tsk! in love niya mukha niya" inis na bulong ko.
" ano ka ba naman march! hayaan mo na sila sa buhay nila"
" alam mo ba yang pinagsasabi mo?" seryoso ko ng tanong sa kanya." ah eh" utal na sabi niya sabay na iniwas ng tingin niya kalaunan ay bumuntong hininga. " march naman, hindi ka pa ba tapos jan, sa unrequited love mo para jan kay shairie? utang na loob! gumising ka na!" singhal niya.
humithit ulit ako ng sigarilyo at binuga ko yun sa harap niya.
"uy! ano ba!" winawasiwas niya ang kamay sa ere para malayo ang usok sa kanya.
" eh kung kaya ko ba naman, eh hahantong pa ba ako sa ganito? alam mo naman ang sitwasyon ko, oo, pinigilan ko--"
"pinigilan mo nga ba?" pagputol niya sa sinasabi ko.
napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"yan tayo eh" napasulyap pa ako sa kanya na iiling iling na ngayon.
natahimik ako.
" kung pinigilan mo talaga yang nararamdaman mo, ngayon wala na yan eh, kaso nagpatianod ka sa bugso ng dadamin! juice ko! ang pag-ibig nga naman, hahamakin ang lahat maging masaya ka lamang at bandang huli masasaktan.....ikaw march pagikaw naguumiyak na lumapit sakin, imbis na yakap eh sampal ang aabutin mo sakin." pagbabanta niya pa.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!