"Ano bang sinasabi mo? Hindi nga ako ang nagsumbong!" iritableng sagot ko dahil sa paratang niya sa akin.
Ako daw ang nagsumbong sa kanya kay Daddy noong umalis siya nung hating-gabi dahil ako mismo ang nakakita sa kanya. Pero I swear, hindi ako ang nagsabi noon kay Dad!
"Alam mo, Amari. Masyado kang pabida sa pamilyang ito! Ano, kaya mo ako isinumbong kasi yung mga ginagawa ko ay hindi mo magawa?" giit nito sa akin.
"I told you, hindi nga ako ang nagsabi. At pwede ba, huwag ko akong igaya sa iyo! Kung pabida pala ako edi sana matagal ko ng ginawa ang mga ginagawa mo!" Hindi ko mapigilang sagot.
"Hindi ba pabida ka naman talaga? Lahat ng atensiyon ni Dad nasa iyo na? Ano pa bang gusto mo? Pati kalayaan ko kukunin mo din?!"
"Why are you so pissed of? Wala akong ginagawa sa iyo. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo sa akin!Sabihin mo nga sa akin, Ate." huminto ako at tinignan siya sa mga mata. "Naiinggit ka ba?"
"So anong gusto mong palabasin? Ingrata ako?! Ganon ba, Amari?!"
Nagtatalo kami sa sala ng dumating si Dad na halata ang galit sa mukha nito. Diretso ang tingin sa aming dalawa—sa Ate ko.
"Omyghad! Dad!" hindi ko maiwasang hindi mapasigaw ng bigla nalang sinampal si Ate nito dahilan kung bakit siya napaupo sa sahig dahil sa lakas ng impak nito.
"Sakit sa ulo! Wala na akong ginawa kundi linisin ang kalat mo!" umalingaw-ngaw sa loob ng mansion ang galit na boses ni Dad. "Ano pa bang ambag mo sa pamilyang ito kundi puro sakit ng ulo! Kung wala ka ng magawang matino sa pamilyang ito!"
"Ferdinand! Nasasaktan ang anak ko!" agad na hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy ngunit tila parang wala lang ito sa kanya at malakas na tinabig nito ang kamay.
Ngayon ay masama ang tingin ni Mommy sa akin.
Right, at the end of the day ako parin ang sisisihin nito sa nangyari.
"Sa basement ka ng isang linggo, walang kain, tubig lang ang maaari mong inumin hanggang hindi ka nagtitino! Sinisira mo ang pangalan ko!" his voice thundered in the whole mansion.
Ate Lalaine rushed in the hospital last night because of the drugs! Ang sabi ay party drugs daw ang ininom nila kaya muntik na itong ma overdose!
"Ferdinand, maawa ka naman kakagaling lang niya sa hospital! Papatayin mo ba ang anak ko?!" Mom begged.
"Kaya lumalaki ang ulo ng batang iyan dahil sayo!" gigil na saad ni Dad bago kami talikuran.
"Ano masaya ka na ba? Nakuha mo na ang gusto mo." umiiyak na wika ni Ate Lalaine sa akin.
"Ate naman! Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na hindi nga ako ang nagsabi kay Dad—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng malakas akong sinampal ni Mommy.
Nanggigilid ang luha ko ng humarap ako sa kanya. Puno ng paghihinagpis ang kanyang mga mata.
"Kaya hindi kita matututunang mahalin, napakasama mong bata ka. Sana sumama ka nalang sa magaling mong nanay!"
Tuluyan na akong napaiyak ng marahas niya akong itinulak at buti nalang hindi ako bumagsak sa sahig.
I started at the sunrise, waiting for the sun to come while sitting on the bench near in the school garden.
Maaga akong pumasok para iwasan ang mga tao sa bahay. That night is nightmare. Mas gugustuhin ko pang nasa loob ako ng paaralan kaysa nasa bahay. I feel suffocated when I'm home.
I deeply sighed when I remember what my Mom said to me.
Kahit na gustuhin ko man na sumama sa totoo kong Mommy ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o patay. Wala naman akong sama ng loob sa mommy ko, may konting tampo lang sa puso ko kung bakit niya ako iniwan.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Teen FictionHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...