"Can I stay? Kahit isang araw lang....o kahit tatlo?"
Pangungulit ko, hindi ko na kasi alam kung saan ako tutuloy ngayong umalis na ako ng mansion. Nag alok si Manang Fely na sa bahay ng anak nalang daw muna niya ako pero tinanggihan ko iyon.
"Maliit ang bahay namin, baka di mo magustuhan." natahimik ako sa sinabi niya.
"Hindi naman ako mapili at maarte." yumuko ako at nagsimulang paglaruan ang kamay ko.
"Walang shower, walang bath tub, aircon o kung ano-ano pang gamit pang mayaman na katulad ng meron sa iyo." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"You know, Alexus. Sabihin mo lang kung ayaw mo. Pwede naman akong humingi ng tulong sa iba." hindi ko maiwasang hindi mainis.
"Hindi naman sa ganon. Sinasabihan lang kita. Mainit doon at baka hindi ka sanay sa ganon." ngumuso ako
"I promise, hindi ako mag iinarte kapag nandoon na tayo." itinaas ko pa ang right hand ko, tanda na nangangako ako.
"Tsk. Bahala ka. Isa pa, baka kung ano pang sabihin sa akin nila Mama pag dinala kita doon."
"Sus, edi sabihin mo crush mo ako." natawa naman ako sa sinabi ko.
Really, Amari? Tumaas na yata ang confidence sa sarili mo.
Sa huli ay pumayag narin siya. May klase pa ako ng hapon at siya ay half day lang kaya iintayin nalang daw niya ako sa labas.
Hindi naman siya nagtanong kung bakit ako umalis sa amin. Kung magtatanong din siya ay baka hindi ko rin masabi sa kanya ang dahilan.
Hindi ko nga alam kung bakit siya ang unang taong pumasok sa isip ko. Well, he's my only friend. Ayoko namang humingi ng tulong kay Nate, isa pa matagal narin kaming hindi naguusap at nakikita. Maybe he's busy.
Hours past, natapos ang klase namin. Medyo nagtagal pa nga ng kaunti dahil ang daming sinabi ng professor sa amin. Sabagay, kakagaling lang namin sa bakasyon kaya nalang ganon.
"Sorry, ang dami kasing sinasabi nung prof namin." hinihingal na sabi ko dahil nagmamadali talaga akong lumabas dahil baka magbago ang isip niya at iwan ako.
"Okay lang," tumayo siya at kinuha yung bag ko ng may mga damit. Iniwan ko nga pala sa kanya iyon.
"Pinapatawag ako ni coach sa gym, pupuntahan ko lang saglit tapos aalis na tayo." paalam niya.
"Sama na ako, wala naman akong gagawin dito."
Nakasunod lang ako sa likod niya habang naglalakad kami. Ang dalawang kamay ko ay nasa likod ko habang inililibot ang tingin.
Nang makarating kami ay hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya. Right! Bakit nga ba hindi ko naisip iyon kanina. Lagi kaming tinutukso ng teammates niya dahil lagi kaming magkasama. Ngayon ay baka kung ano na naman ang isipin nila.
"Kaya pala ang tagal, may iniintay pala! Anong gagawin natin dyan coach?" kung hindi ako nagkakamali siya si Luke, yung laging maingay sa kanila. "Hello, Amari." bati nito sa akin.
"Hi," bati ko pabalik, naramdaman ko naman tumingin sa akin si Alexus, per tinaasan ko lang ito ng kilay. Yung ibang players naman ay binati din ako pati narin si coach.
Nakakahiya nga dahil sinama pa nila ako sa meeting nila kahit di naman ako dapat nandito. Isa pa yung mga tingin ng cheerleader sa akin ay kala mo ang laki laki ng kasalanan ko.
"Hanz, ayos na ba ang injury mo? Kaya mo na bang maglaro?" tanong sa kanya ni Coach Fred.
"Ayos na, Coach. Kaya na." sagot ni Alexus. Ako naman ay tahimik na nakaupo lang sa gilid.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Novela JuvenilHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...