I woke up around 6AM because of the noise outside. Alexus isn't here either, maybe he woke up earlier. Bumangon at inayos ko ang pinaghigaan ko.
I went out to wash my face because there was no comfort room in Alexus' room.
"Good morning po!" Bati ko ng maautan ko ang mag asawa sa kusina nila. "Si Alexus po?" tanong ko ng mapansin kong wala siya dito.
"Pumasok, alam mo namang hindi niya pwedeng pabayaan ang pag aaral niya dahil scholar ang batang iyon." sagot ni Tita Alexa sa akin habang naghihiwa ng garlic. Si Tito Holland naman ay lumabas saglit para ipagpatuloy ang ginagawa sa labas.
"Ano pong iluluto ninyo? Can I help?" sabik na sabi ko.
I wanted to really experience cooking but I was not allowed because once I helped, I was cut with a knife in my hand. Simula non ay hindi na ako pinayagang tumulong pagdating sa kusina.
"Tinola ang iluluto. Marunong ka bang maghiwa, iha?" tanong nito sa akin.
"Hindi po...pero susubukan ko po." diterminadong sabi ko na ikinangiti ni Tita Alexa.
"O'sya. Ito nalang ang gawin mo..." kinuha nito yung mga dahon ng malunggay saka ibinigay sa akin. "...himayin mo lang yung mga dahon tapos lagay mo dito." tumango tango ako bago simulan gawin iyon.
Nagkukwento naman si Tita Alexa sa akin tungkol kay Alexus.
"Alam mo bang ngayon lang nagdala ng babae iyang si Alexus dito? Sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo?" napatigil naman ako sa ginagawa ko.
"Wala po, Tita. Magkaibigan lang po talaga kami." nakangiting sagot ko. "Actually, hindi ko po talaga inaasahang magiging kaibigan ko si Alexus." natatawang sagot ko nang maalala kung paano kami unang nagkakilala.
"Hindi kasi malapit sa mga babae iyang si Alexus, siya ang nilalapitan." tumatawang kwento nito. "Naaalala ko tuloy noon, yung kabitbahay naming si Melay ka edad lang ni Alexus. Naku, iyong batang iyon ay patay na patay sa anak ko. Umiyak pa nga sa akin dahil sinabihan daw siya ni Alexus na hindi siya nito gusto." natawa ako sa kwento ni Tita.
Knowing, Alexus. Napaka straight to the point. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga.
"Nasaan na po si Melay?" I asked.
"Dalawang bahay lang ang pagitan ng bahay namin sa kanila. Kaya nga nagtatakha ako kung bakit hindi pumunta ngayon dito ang batang iyon." sagot nito.
"Ah, lagi pong nandito?" tanong ko ulit.
"Oo, kaya nga sinasabi ko kay Alexus na ligawan na ang batang iyon." tila nasamid ako sa sinabi ni Tita kaya napaubo ako. "Ayos ka lang ba? Teka ikukuha kita ng tubig." nagmamadaling sabi nito bago kumuha ng isang basong tubig sa inabot sa akin.
"Thank you po." I said. "Niligawan po ba ni Alexus?" tanong ko ng makabawi ako sa pagkakasamid.
"Ayaw daw niya kay Melay dahil masyadong maingay. Maganda at mabait naman ang batang iyon." sagot nito habang hinahalo ang niluluto.
"Ayaw ligawan si Melay, kaya ang sabi ko ikaw nalang."
Lalo akong nasamid sa sinabi ni Tita kaya dali dali akong uminom ng tubig.
Si Tita napaka supportive!
"Gusto ka ng anak ko, hindi man niya sabihin sa akin ay alam ko na. Iba tumingin sayo ang anak ko." natahimik ako at hindi nakapagsalita.
"Kaya kung sana lang, wala sanang mangyari sa anak ko. Lalo na at malaki ang galit ng Daddy mo sa mga Salvatorre."
"Galit po? Dahil po ba ito sa Heartbeat project?" kuryosong tanong ko, ngunit umiling lang si Tita sa akin saka tumayo.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Teen FictionHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...