As fast as how the wind passes, natapos ang unang semester namin..
It was so fulfilling to be able to survive yet there's still a long way for us to go..
Time check, 6:45am.
Nasa kwarto ako ngayon, packing my things and such because I'll be leaving this house in an hour.
Dad confiscated my phone and only allowed me to carry one single camera to document everything, mabuti nalang at nasabi ko kay Nate ang tungkol dito.. sakto namang may project ang company nila kaya busy siya sa mga araw na nandoon ako.
I bid my goodbye to Manang Fely and ate Ruby and as I stepped towards the front door, I saw ate Lalaine with her crossed arms.
"What?" pag tataray niya sa akin.
"I'll be gone for 2 weeks, you should be happy." Sabi ko.
She rolled her eyes and walked passed me.
"No one's gonna be happy when their toy is not around for weeks." Rinig kong bulong niya sa sarili bago maka layo.
Dumeretso na ako sa kotse at ang sampung minutong byahe ay sobrang bilis para sa akin, manong Gary helped me with my things as several nuns came to welcome me.
"Miss Amari, mabuti at naka rating ka.. Tara at ihahatid kita sa tutuluyan mo." Kung hindi ako nagkakamali, siya ang namamahala ng ampunan.
"Ay sige po, salamat." Sabi ko nalang saka sumunod.
Sa pag lalakad namin ay binigyan niya ako ng konting kaalaman sa lugar, maliit lang ito pero napaka laki ng ginagampanan nito bilang bahay ng tatlumpung bata.
"Doon sa katapat na gusali tutuloy ang ilan sa mga volunteers, pasensya na't ito lang ang pinaka maayos na kwarto na maibibigay namin sa'yo." Ani mother Vivian saka binuksan ang lock ng isang pinto.
"Hindi na po dapat kayo nag abala pa, natutulog naman po ako kahit saan.." sabi ko pero nginitian lang niya ako.
Pinapaboran nila ako dahil sa katayuan ko sa buhay.. I don't want that.
"Mother Vivian, sa kwarto nalang po ako ng volunteers matutulog.." I said.
"Puno na sila doon, hayaan mo na.. 'wag mo na kaming tanggihan." Sabi nito.
"O'sya mamaya ay may announcement sa labas, heto ang mga damit na susuotin.." sabay abot niya ng isang paper bag at umalis.
Saglit akong natigilan bago nilibot ang mata sa kwarto, walang pintura ang pader at sakto lang ang isang higaan para sa isang tao.
I breathe in and out before proceeding to set my things at the wooden old closet they prepared for me, though it creeps me a bit for I have seen this somewhere on a horror movie.
Nag palit ako ng damit saka tinignan ang sarili sa salamin na nakadikit sa aparador.
I was wearing a green tshirt that has a 'volunteer' written at the back and the front has my Dad's election patch at the upper left side, napag desisyunan kong mag pants nalang and paired it with my white sneakers.
Lumabas ako at nakisali sa kumpol ng mga volunteers, I don't know but I felt genuinely grateful nang makita ko si Alexus.
"Amari?! Amari!!" Sabay lakad niya papalapit sa akin, nag tinginan naman ang taong naka paligid sa amin.
"Ano ba, 'wag ka ngang magulo." Saway ko sa kaniya nang makalapit.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Nag volunteer ako, hindi naman siguro masama?" With a smile on his face he said.
"Nga pala, I have your name tag.. Akala ko namalikmata lang ako habang nag di-distribute." Dagdag pa niya saka inabot sa akin ang isang name pin.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Teen FictionHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...