Money can change people's mind. If you have money you can do whatever you want. If you don't, you can do nothing...but beg.
Too many people spend money they earned..to buy things they don't want..to impress people that they don't like...
Is that the definition to say that they are rich? To impress people?
Money often costs too much.
"Amir, pumayag na ba ang may ari ng bahay-ampunan?" agad na kumunot ang noo ko sa tanong ni Dad sa kanyang kanang kamay na si Amir.
"Hindi pa po, Mayor. Pero kinausap ko na po ang mga madre doon. Bigyan nyo daw sila ng ilang araw para makapag-isip. Hindi daw madali sa kanila ang bagay na iyon." napatingin ako kay Amir na ngayon ay bahagyang nakayuko at hawak ang iPad.
"I understand, basta huwag mong titigilan hanggat hindi pumapayag." sagot nito ni Dad habang kumakain.
Ibinaba ko ang utensils na hawak ko bago pinunasan ng table napkin ang bibig ko. "Bahay-ampunan? Yung sa baranggay Victorian, Dad?" kunot noong tanong ko.
"Yes, Amari. I'm planning to buy their land para maipatayo ko na ang factory."
"What do you mean? Dad?? I thought you're planning for a charity event to that orphanage? Bakit kailangan mo pang bilhin? Hindi ka ba naaawa sa mga bata, Dad!?" hindi ko alam na ganito na pala kawalang kwenta ang Daddy ko.
Ganito na ba nagagawa ng pera sa kanya?
"What? Amari!? Huwag mo akong simulan ngayon." sagot nito na tila nagtitimpi. "Itutuloy ko parin ang charity event, hindi mo ba nakikita? Lubog na ang orphanage na iyon at wala ng nag do-donate, kaya naisipan kong bilhin iyon." sagot nito na tila wala lang sa kanya. Si Amir naman ay tahimik na nakatayo sa gilid nito.
"I don't know you anymore, Dad! Hindi pa ba sapat ang perang nakukuha mo sa taong bayan?! Ngayon naman ay gusto mong tanggalan ng matitiran ang mga batang inabandona?!" nanggagalaiti kong sagot. Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata. "Tao ka pa ba, Dad?" mahinang sambit ko.
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong dumapo ang palad ni Dad sa pisngi ko. Isang sampal ang umalingawngaw sa buong mansyon.
Napahawak ako sa pisnging sinampal nito. Tila namanhid ito sa sakit.
"Hindi kita pinalaking ganyan! Wala kang kwenta!" lalapit pa sana ito sa akin pero pinigilan ito ni Amir. "Bitiwan mo ako, Amir!"
"How can you be so evil, Dad? Hindi na i—" Dad cut me off by slapping my face again.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Hindi na siya ang Daddy ko. Please... Bring back my Dad. Hindi siya ganito...
Lumapit ito sa akin at mairing hinawakan ang panga ko.
"Sa susunod na buwan pagtapos ng semester mo ipapadala kita doon, subukan mong suwayin ako baka tuluyan ko nang hindi bigyan ng bahay ang mga batang nandoon." sagot nito at umalis.
How...how can he be so cruel?
Umakyat ako sa kwarto ko at doon umiyak. I cried harder. Mabuti nalang at wala dito si Ate Lalaine at Mommy. Kundi ay baka pinagtatawanan na nila ako.
Knowing Dad, Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.
He's kind and turned into beast simula ng mamatay ang Mommy ko.
How I wished na sana hindi nalang namatay si Mommy at ako nalang ang nawala baka sakaling hindi maging ganito si Daddy. Kung ako nalang sana ang nawala...
Sa sobrang sakit at bigat ng pakiramdam ko, nakatulog ako ng mabigat ang nararamdam ko.
Please, Mom. Guide us, huwag mong hayaang tuluyang makain ng galit ang puso ni Dad.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Teen FictionHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...