"Congratulations! You made it!"
I smiled. Hindi pinansin ang sinabi ni Ate dahil may hinahanap ako. Tinignan ko narin kung yung side kung saan nandoon ang mga Architecture students. Pero wala sila.
Although nakita ko naman siyang nag speech kanina, hindi sabay ang Graduation Ceremony namin. Nauna kami kaya agad akong dumiretso kung saan naroon ang Architecture Department. I'm holding a bouquet of flowers para ibigay sa kaniya iyon.
I felt so guilty, ilang linggo rin kaming hindi nagpansinan or should I say ako lang pala. Kapag nakikita ko siyang lalapit sa akin ay iiwas na ako. Alam ko ring ilang beses narin siyang nagtangkang kausapin ako.
Ayoko lang na pabayaan niya ang pag aaral niya ng dahil sa akin. Kaya ko naman amg sarili ko. Kaya ko pa.
"Ah, hi! Did you see Alexus?" I asked.
"Ah, baka nasa administration office. I heard kasi na pinatawag siya kanina."I smiled and thanked him before leaving.
"Amari! Wow! I didn't know you're also graduating." napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Tita Alexa. "Congrats, anyway." ngumiti ako st yumakap sa kanya.
"Thank you po." nakangiting sagot ko. "Hindi ko rin po ito inaasahan." I honestly said. "Si Alexus po?" tanong ko.
"Ah, pinatawag lang saglit sa office. May kaunting salu-salo kami para kay Alexus, iimbitahin sana kita." dagdag pa nito.
"Sure po!" nakangiting sagot ko.
"Anyway, may progress na ba sa Daddy mo? I heard na hindi pa rin ito nagigising?" nalungkot naman ako ng maalala ko na naman si Dad.
Gusto ko sanang si Dad ang kasama ko sa graduation ko, pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising.
"Hindi pa po." I answered.
"Don't lose hope, Amari. God is with you. I know na hindi ka niya papabayaan." ngumiti ako.
"Ma," tumagos ang tingin ko kay Tita sa likod dito, kung saan nandoon nakatayo si Alexus, pero agad na napawi ang ngiti ko ng makita ko si Cassie sa tabi niya at nakakapit ang braso nito sa kanya.
Kailan pa sila naging close?
Napaatras ako ng bahagya at patagong tinago sa likod ko ang dala kong bouquet of flowers nang makita kong may dala na siya nito. At sigurado akong kay Cassie galing iyon.
Pansin ko rin ang gulat sa mata ni Alexus nang makita ako nito dito.
"Hi, Tita!" kita ko ang saya sa mga mata ni Cassie. Saglit na tumingin ito sa akin bago ibinalik ang tingin kay Alexus. "Alexus and I are getting to know each other na po."
Agad na napaatras ako hindi makapaniwala sa narinig.
"Getting to know each other?" mahinang sabi ko habang nakayuko. "Wow! Really, Alexus?" I sarcastically smiled. Tumingin ako kay Alexus, nakatingin lang ito sa akin ng walang emosyon. Tila kumirot ng sobra ang puso ko nang dahil doon.
Nanunubig na ang mga mata kaya pumikit ako at humingang malalim.
"Congrats!" tinignan ko silang dalawa at mapait na ngumiti. "Tita, Aalis na po ako." paalam ko. Hindi ko na kayang tumagal pa dito.
Hindi ko alam na sa mga oras na nawala ako ay ganon nalang pala silang dalawa ni Cassie naging malapit.
"Pero...hindi ka na ba pupunta sa amin?" tanong nito, tila nag aalala sa akin.
"Hindi na po. Sa susunod nalang." tumalikod na ako bago pa tumulo ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan pero sunod sunod na nagbagsakan lang iyon.
I silently count up to five. Naghihintay na sundan ako ni Alexus. Na baka mali lang ako nang narinig. Na misunderstood lang ang lahat.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Teen FictionHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...