"Bakit naman ganon mo ako pina kilala? I thought you knew how I hate being presented like that." Naiinis kong sabi sa kaniya pagka pasok namin sa isang kwarto.
"Yoon kasi ang lumabas sa bibig ko, ano? Mas gusto mo bang ipakilala kita bilang girlfriend ko?" Pangisi-ngisi pa siya.
Gusto kong itanong kung anong pinag usapan nila, dahil matapos akong ipakilala ni Alexus, inilayo siya sa akin saglit at kinausap ng kaniyang magulang..
Pero ayoko namang mag mukang chismosa.
I sat at the bed inside this small room, which is Alexus's room...kung hindi ako nagkakamali.
Pumayag ang parents niyang makitulog muna ako ng ilang araw, pero dapat daw ay sabihin ko sa kanila ang dahilan.
They seemed worried but I also felt like they don't wanted me here.
"Do.. your parents have issues with my Dad?" Tanong ko saka ko siya tinignan.
He walked towards the only window in the room and looked there before speaking.
"Wala naman.." sabi niya, but I don't believe him.
"Okay ka lang ba dito? Kasama mo naman sina Mr. Kit at Mrs. Kat eh.." sabi niya sabay lingon sa akin.
"Mr. Kit? Mrs. Kat?" Pag uulit ko sa sinabi niya.
Tumingin siya sa kisame at sa paligid bago naka ngiting ibinalik sa akin ang mga titig.
Is he talking about RATS?!
I was about to yell at him nang natatawang itinuro niya ang dalawang stuff toy na bibe sa kama.
"They'll guard you." Sabi niya.
"Awww.. Even a guy your age sleep with stuff toys, how cute!" Sarcastic na sabi ko sa kaniya saka inabot ang isang stuff toy, he just smiled at me.
Saka ko palang nailibot ang mata ko sa kabuoan ng kwarto..
The only word that best describes the decorations and lay-out was Artistic.
Sa pader maayos na naka dikit ang tila hindi pa tapos na architectural plate, several designs and sketches.. there's also plants that gives color to the whole room.
"Tara, bumaba na tayo.. maaga pa tayong lalakad bukas." Aya niya saka tinungo ang pinto.
Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya..
Habang kumakain, they've brought up the topic about why I left home.
I have no choice but to spill the truth.
They listened and just like Alexus, they're not judging my decisions at one point.
I just knew he was raised by loving parents, mahal na mahal siya ng kapalaran.
"Amira ija, hindi ka ba hahanapin sa inyo? Paano na bukas? Hahanapin ka ng Daddy mo sa school ninyo panigurado." Sabi ni tita Alexa, Alexus's mom.
Ngayon lang dumapo sa akin ang tungkol doon.
"Hindi nalang po siguro ako muna papasok." Sabi ko, iniiwasan ang tingin nila, naramdaman ko namang napa iling si tito Holland.
"Ang inaalala ko lang kasi ay baka ipahanap ka sa buong campus ninyo, lalo na't si Alexus ang huli mong kasama doon." Ramdam ko ang pag aalala sa tono nito.
I admit, I don't really know what to do.. ayoko namang madamay si Alexus if ever totoo ngang mangyari ang iniisip ni tita Alexa.
If Alexus can convince his friends that saw us together to keep it a secret, hindi niya makukumbinsi ang CCTV doon na paniguradong nakunan kami.
YOU ARE READING
The La Asuncion's Muse
Novela JuvenilHindi ba masaya sa pakiramdam ang maging isang paboritong anak? You'll get spoiled and have the attention whenever you wanted. Specially when you have the blood.. When you have the brain, the beauty.. And carries the image of your family. But what...