Chapter 24

18 1 0
                                    

We are under investigation because of what happened earlier. We can't go out either.

"Dad are you the one who did that thing?" I asked while walking back and forth.

"What now, Amari? Pinagdududahan mo ba ang Daddy mo?!" my stepmother hissed.

"The election is coming up so that's just normal. The opponent is using it against us."sagot ni Dad habang komportableng nakaupo.

"What do you mean, Dad? Shall we just ignore that thing?!" sagot ni Ate Lalaine na katulad ko ay hindi mapakali sa nakita.

"The police are already investigating, nothing to worry about." tipid na sagot ni Dad bago umalis sa harapan namin.

Nang mangyari ang bagay na iyon ay mabilis na kumalat ang balita. Ang iba ay sinasabi na may pinatay si Dad, ang iba naman ay hindi naniwala.

I also texted Alexus that I can't go to class because of what happened.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Alexus sa kabilang linya. We're having a video call.

"I'm not." I honestly said. Sa totoo lang ay hindi talaga mawala sa isip ko ang nakita ko. Ang masangsang na amoy ay tila dumikit na iyon sa ilong ko.

"Ano daw ang sabi ng pulis?" tanong pa nito.

"Blackmail daw. Malapit na kasi ang eleksiyon." I sighed, naiisip ko na naman ang mga gagawin ko sa darating na halalan. "I missed you." I pouted, narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

"Yeah, me too. Kailan ka papasok?" tanong nito sa akin pagkatapos ay nahiga sa kanyang kama.

"I don't know. Maybe next week? I'm sure na maraming nagdududa ngayon kay Dad at may possibility na madamay ako." kibit na sagot ko sa kanya.

"Kung pwede lang kitang kuhanin at dalhin dito." mahinang sabi nito na narinig ko naman.

Natawa ako. "Sira ka! Pero why not diba?" muli akong natawa sa aking naisip. Kung pwede lang na puntahan ko siya kahit malayo ay gagawin ko.

"LDR muna tayo ngayon, ah?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What's LDR?" I asked.

"Long distance relationship." natatawang sagot nito. Hindi makapaniwalang hindi ko alam ang bagay na iyon.

Ngayon lang ako nagkaroon ng karelasyon, hindi ko rin naman pinagtutuonan ng pansin ang mga ganong klaseng acronym.

Natapos ang video call namin mga 12am narin. Kung hindi ko pa sabihin na i-end na ang call ay hindi niya talaga gagawin. Isa pa ay may pasok pa siya.

"Can we go out now?" tanong ko kay Dad pagkababa ko ng sala.

"No, mainit ang mata sa atin ng mga kalaban ko. At baka pati ikaw ay gamitin nila laban sa akin." sagot ni Dad habang umiinom ng tea.

"I will disguise myself!" napataas pa ang boses ko dahil sa naisip.

"What makes you want to go out?" kunot noong tanong sa akin ni Dad. "Makikipagkita ka na naman sa mga Salvatorre? Hindi pa natin kilala kung sino ang nagpadala ng package na iyon." dagdag pa nito.

"Hindi nila magagawa ang bagay na iyon, Dad. Kung iyan ang iniisip mo." depensa ko. Mali naman ata na magbintang siya agad.

"Bakit hindi? Ang mga Salvatorre ay may kakayahan sa bagay na iyon." kibit na sagot nito sa akin.

"Pinagbibintangan nyo ba sila Dad?" diretsong tanong ko. Hindi ito sumagot. "Hindi naman po sa lahat ng nangyayari sa atin ay ang Salvatorre na agad ang paghihinalaan ninyo. May nagawa ba sila sa inyo, Dad?" kunot noong tanong ko.

The La Asuncion's Muse Where stories live. Discover now