Pagdating sa classroom ay umupo ako doon sa pwesto ko kahapon. Wala pang masyadong bata dahil maaga pa. Tahimik lang akong nagmasid sa paligid habang naghihintay sa pagdating nila. Gusto ko ng makipaglaro sa ibang bata ngunit natatakot ako na baka hindi nila ako magustuhan. O di kaya'y hindi nila ako isali sa mga laro dahil bago lang ako dito.
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may umupo sa kabilang upuan. Iyong batang mukhang prinsipe! Inilapag niya ang bag niya bago siya umupo sa silya. Tinignan ko lang siya sa mga ginagawa niya hanggang sa bigla siyang mapatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hello!" sabi ko sa kanya.
"Hi..." mahinang sabi niya atsaka bumaling na sa paparating na babae. Maputi siya at mas matangkad siguro sa akin. Ngumiti siya sa katabi ko.
"Hello Jack!" masiglang bati niya. Jack pala ang pangalan ng mukhang prinsipe.
"Hi.." sabi naman ni Jack sa kanya. May iniabot na supot ang babae. Ano kayang laman?
"Pinabaon sa akin ni Mama. Hindi ko naman mauubos kaya I wanted to give you some" ngumiti ulit ang babae. Sinulyapan naman ni Jack ang laman ng supot.
"Uh...Thank you but Mama said I should not eat candies for the mean time..." nawala ang ngiti ng babae sa sinabi ni Jack. Ibinalik lang ni Jack ang supot sa kanya.
"If you can't eat candies, you can just give it to your Kuya" atsaka umalis ang babae sa harap niya. Napatingin ulit si Jack sa akin.
"Do you want some?" tanong sa akin ni Jack. Naglaway ako ng makita ang imported candies na bigay sa kanya ng babae. Gusto ko sana pero bigla kong naalala ang bilin ni Mama. Ayaw pa naman niyang kumakain ako ng candies at ayaw ko ding pumunta sa dentist. Ang sabi sa akin ni Mama kapag kumain daw ako ng candies ay dadalhin niya ako sa dentist and ipapabunot niya daw ang ngipin ko. Hindi ko namalayan na nasa table ko na pala ang supot. Kaagad akong tumayo at ibinalik sa kanya ang supot.
"Magagalit ang Mama ko kapag kumain ako ng candies. Ayoko ring pumunta sa dentist baka bunutin niya ang ngipin ko..." malungkot kong sabi sa kanya. "Ako nga pala si Maeve Gabriella G. Valderrama. Four years old" sabi ko sa kanya at ngumiti ako.
"Jack Evander Gonzalez de Silva. I am five years old" sagot naman niya sa akin.
"Ang haba naman ng pangalan mo...." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw din naman mahaba ang pangalan mo" sabi niya.
"P-pwede ba kitang makalaro?" tanong ko sa kanya.
"Okay lang..." mas napangiti ako dahil sa sinabi niya. Magkakaroon na din ako ng kalaro!
"Magandang Umaga mga bata!" bati ni Teacher Emy. Tumayo silang lahat kaya nanatili nalang akong nakatayo sa gilid ni Jack.
"Magandang Umaga Teacher Emy!" sabay-sabay na bati nila. Pagkatapos ay umupo na sila. Bumalik na ako sa upuan ko.
"Ngayong araw ay bibigyan ko kayo ng activity. Magiging by pair ito. At ang magiging kapareha niyo ay ang katabi niyo" sabi ni Teacher Emy. Napabaling ako sa ibang mga bata na tuwang-tuwa sa narinig. Napatingin ako kay Jack na wala namang naging reaksiyon.
"Bibigyan kayo ni Teacher ng isang papel. May mga hugis na nakaguhit doon. Ang gagawin niyo lang ay kukulayan niyo ang mga ito. Okay lang ba iyon sa inyo mga bata?" tanong ni Teacher Emy.
"Opo Teacher!" sabay-sabay na sabi namin.
"Kapag natapos na kayo ay maaari na kayong maglaro.." mas natuwa sila. Maglalaro pagkatapos? Nagsimula ng pumunta si Teacher Emy sa kanya-kanyang table. Tinulungan niya ang mga bata na pagdugtungin ang mga table. Ang iba naman ay magkaharapan nalang para hindi na daw nila pagdikitin ang table. Kaya ganoon nalang din ang ginawa ko. Binitbit ko ang aking upuan at dinala iyon sa tabi ni Jack. Napatingin naman siya kaagad sa akin.
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...