"Happy Birthday Maggy! I love you anak" bati sa akin ni Papa. Matapos ang ilang buwan na hindi ko siya nakakausap ay ito na siya! 

"Thank you po Papa! I love you too. Bakit ngayon ka lang tumawag Papa? Miss na miss na kita!" sabi ko sa kanya. Natawa sa kabilang linya si Papa. 

"Pasensya ka na anak. Busy kasi si Papa eh. Hayaan mo kapag nakauwi ako babawi ako sayo" napangiti ako dahil sa narinig.

"Talaga Papa? Kailan ka po uuwi? Miss na po talaga kita eh. Ang dami ko pong gustong i-kwento sayo pero baka po maubos yung load niyo kapag kinwento ko po lahat. Kaya Papa hihintayin nalang po kita dito!" mas lalong natuwa si Papa sa sinabi ko. Gusto ko na siyang makita. Hindi ko pa siya nakakasama sa mismong araw ng birthday ko. Palagi nalang si Mama ang kasama ko na nagce-celebrate.

"Malapit na anak. Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko muna sa Lolo't Lola mo ha? Babatiin ka daw nila" 

"Sige po!" may ingay sa linya ni Papa. Siguro ay naglalakad siya papunta kay Lolo't Lola. Ang alam ko ay gabi ngayon doon. 

"Happy Birthday apo!" si Lolo't Lola na sabay bumati.

"Thank you po Lolo, Lola!" masiglang sabi ko sa kanila.

"Miss na miss na kita apo. Anong gusto mong regalo? Susubukan naming magpadala" sabi ni Lola sa akin. Sa totoo lang ay wala akong maisip na materyal na bagay na gusto ko dahil halos lahat naman ay naibibigay ni Mama. Hindi nga lang lahat dahil dinidisiplina niya rin ako. Ayaw niya akong maging spoiled at mas inuuna niya pa rin ang mga pangangailangan namin.

"Wala po akong maisip Lola. Pero gusto ko lang po kayong makasamang mamasyal!" natawa si Lola sa kabilang linya. Sa totoo lang ay hindi ako masyadong pamilyar sa mga nangyari noong nandito si Lolo at Lola. Pero palaging kinukwento sa akin ni Papa na kapag may itinuturo daw ako noon sa kanila ay parati nila akong pinagbibigyan.

"How about we go to Hong Kong Disneyland? Gusto mo ba iyon apo?" tanong ni Lolo sa akin. Naalala ko ang itsura noon na nakikita ko sa tv. Nandoon ang mga paborito kong cartoon characters at disney princess!

"Opo Lolo! Pwede po ba tayong pumunta doon?" nagningning ang mga mata ko dahil sa tanong na iyon. Pangarap ko ding makapunta sa ibang bansa bukod sa makasama si Lolo at Lola.

"Oo naman! Huwag kang mag-alala. Kapag maayos na ay kakausapin namin ang Mama mo para maasikaso niya ang mga papeles mo. Okay ba iyon sayo apo?" tanong ni Lolo.

"Opo Lolo! Basta po uuwi kayo at sasamahan niyo ako sa Disneyland!" 

"O sige na apo. Baka maubos na ang load ng Papa mo. Mahal na mahal ka namin. See you soon!" si Lolo ang nagsabi noon.

"Kwentuhan mo kami kapag magkasama na tayo Maggy. I love you! Happy Birthday!" si Lola naman iyon.

"Thank you po, Lolo at Lola! Ingat din po kayo lagi. Love you both po!" sabi ko. Ibinalik na kay Papa ang phone. 

"Sige na anak. Ibababa ko na ang tawag. I love you. Happy Birthday anak!" at ibinaba na ni Papa ng tawag. Hindi man lang niya kinausap si Mama. Abala ngayon si Mama sa pag-aayos ng pagkain. Ang sabi niya ay dadalhan niya raw ang mga kaklase ko dahil birthday ko. Nagluto siya ng spaghetti at chicken joy. Kasalukuyan niyang inilalagay ang mga pagkain na nakastyro na sa isang box. Hindi rin pumasok si Mama dahil nga gusto niya akong samahan. Nang matapos si Mama ay sakto namang dumating si Tita Elisha na kasama si Cede. 

"Happy Birthday Maggy!" bati ni Tita Elisha sa akin. Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you po Tita Elisha!"

"Ilang taon ka na?" tanong niya sa akin. 

"Five years old na po ako!" sabi ko sa kanya. Napangiti siya sa akin. 

After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon