Sa mga sumunod na training sessions ay palagi na kaming nag-uusap ni Cede. Minsan ay magkalapit kami ng upuan kaya napapasulyap ako sa kanya madalas. Naging ka-close ko na rin ang mga ka-school niya na madalas kong makalaban sa mga quiz bee.

"Hello Gabriella!" bati ni Hanes ng makita ako.

"Hello! Mamaya may ipapasagot ako sayo ah! Bawal kang tumanggi!" sabi ko sa kanya.

"Kahit ano. Basta ba ili-libre mo ako!" sinimangutan ko siya.

"Hoy Ian ikaw din sasagutan mo 'yon! Huwag kang magtago diyan" napakamot sa ulo niya si Ian dahil sa sinabi ko. 

"I-libre mo muna kami bago namin sasagutin. Ano ba kasi 'yon? Baka mamaya magla-life check ka lang kay Jack!" pang-aasar ni Ian.

"Feel ko din. Aminin mo na kasi na crush mo siya!" pang-aasar pa ni Hanes. 

"Hindi kaya!" sagot ko sa kanila. May sasabihin pa sana ako nang biglang dumating si Cede. Natahimik tuloy ako.

"Bat ka namumula?" bulong sa akin ni Hanes. Tinignan ko siya ng masama! Ano ba naman 'yan. Buti pang hindi ko nalang kaagad sinabi! Pagdating ni Cede ay umalis na muna ako at pumasok na sa loob. Tinatawag pa nila akong dalawa pero hindi na ako pinansin. 

Umupo ako sa tapat ng aircon. Paano kasi kapag nasa loob na ang lahat ay hindi na malamig! Crowded na masyado. Binasa ko nalang ang mga notes ko. Baka mamaya ay magkaroon na naman ng biglaang recitation! Pero hindi naman ako natatawag sa mga ganoon pero mas mabuti ng handa ako. 

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng biglang may tumabi sa akin. Amoy na amoy ko ang pabango niya kaya alam ko na kaagad kung sino iyon.

"Hi Maggy! Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Cede na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.

"Nagbabasa ng notes..." sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang notes ko at inilagay sa gitna para parehas naming mabasang dalawa.

"Wala ka bang notes?" suplada kong tanong sa kanya.

"Meron pero yours are better than mine" sagot naman niya.

"Patingin nga" sabi ko. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbabasa sa notes ko. "Huy! Patingin na kasi!" sabi ko ulit sa kanya. Parang wala siyang narinig. Tumayo ako ng wala sa oras at sinubukang buksan ang bag niya na nakalapag sa lamesa. Kaagad naman niya akong napigilan dahil siya na mismo ang kumuha ng notes niya. Ibinigay niya iyon sa akin kaya bumalik na ako sa upuan ko. Tinignan ko ang notes niya at maayos naman ang mga ito. 

"Maayos naman yung notes mo eh!" sabi ko sa kanya. Akmang babawiin ko na ang akin ng makitang mayroon siyang sinusulat sa mga notes ko. 

"Pinagbaligtad mo yung definition ng dalawang terms inayos ko lang baka malito ka. Hindi ka yata nakikinig ng maayos" sabi niya sa akin nang ibalik niya ang notes ko. Tinignan ko ang sinulat niya. Tama ba 'to?

"Sigurado ka bang napagbaligtad ko?" 

"Gusto mo i-check mo pa sa libro 'yan eh" naku! napakayabang talaga nito! Sinimangutan ko siya at supladang ibinalik ang notes niya.

"Kapag mali ito kasalanan mo!" tinawanan lang ako! Hindi ko na siya pinansin dahil dumating na ang guest doctor na magiging speaker sa araw na ito. Ang topic daw ay tungkol sa Dengue. Tahimik lang akong nakinig sa discussion. Ang mga iba naming kasama sa training ay todo participate. Nagsusulat ako ng notes ng biglang may kumalabit sa akin sa likod. Hindi ko nalang pinansin dahil baka mamaya ay ilipat na sa next slide ang presentation!

"Ano ba!?" pagalit kong sabi kay Cede.

"Ayaw mo bang picturan nalang kaysa sa nagsusulat ka pa?" tanong niya sa akin.

"Wala akong sariling cellphone!" sabi ko sa kanya. Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat. Bago matapos ang session ay mayroon na namang activity. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng isang representative para ilahad ang iba pang pwedeng maging rekomendasyon para maiwasan ang magkaroon ng Dengue bukod sa mga nabanggit sa presentation.

"Ang hirap namang mag-isip!" reklamo ni Jeia.

"Halos nasabi na lahat ni Doc sa presentation! Ano pa bang idadagdag natin?" sabi pa ni Lars. 

"Si Gabriella daw ang magp-present!" sabi ni Cede. Aba't sinusubukan ako ng lalaking 'to!

"Huwag niyo siyang pakinggan! Siya talaga ang gustong mag-present. Actually may idea na nga siya eh!" natawa siya sa sinabi ko. 

"Sa kanya galing yung idea! Nahihiya lang talaga siya!" natatawang sabi niya. 

"Sa kanya talaga! Gusto niya lang kayong pagurin sa pag-iisip!" banat ko pa. Nakatingin lang sila sa amin habang nagtuturuan kaming dalawa kung sino ang magp-present!

"Alam niyo...parang kayo yung Nanay at Tatay ng pamilyang ito tapos kami ang mga anak" sabi ni Jimwel.

"Oo nga. Palagi kayong away bati" dagdag pa ni Ron. 

"Simula ngayon ang itatawag natin kay Gabriella ay Mommy. Tapos kay Jack naman ay Daddy" malokong sabi ni Henaiah.

"Grabe naman! Basta siya yung magp-present final na 'yon!" sabi ko sa kanila at padabog na umupo. Tumatawa pa rin si Cede. Inabala ko nalang ang sarili ko sa mga notes. Tumigil lang ako noong nagpresent na siya sa harapan. 

Dire-diretso lang siyang nagsasalita. Nang matapos siya ay napabilib pa ang doctor sa kanya. Pumalakpak naman ang mga ka-grupo namin.

"Ang galing mo!" pagpuri ni Ron sa kanya.

"Oo nga! Bakit hindi namin naisip 'yon?" dagdag pa ni Talia.

"Syempre inspired siya!" at nagtawanan sila. Natapos ang training na hindi ko siya pinapansin. Nabigay ko na kay Hanes iyong pinapasagutan ko. Sa katunayan ay slambook iyon. Uso kasi ngayon. Atsaka para na rin may remembrance ako nila kapag natapos ang training. 

"Maggy..." napahinto ako sa paglalakad ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at iniabot niya ang notes niya. "You can copy my notes. Baka mayroon kang hindi na-kopya kanina" 

"Okay. Thank you" sabi ko at kinuha nalang ang notes niya. 

"See you next week!" ngumiti siya sa akin bago umalis. Kahit naiinis ako sa kanya ay nagawa ko pa ding kumaway. 

After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon