"Good Luck Young Health Workers!" sabi ni Doc. Ngayong araw na ito ay ang final exam namin after ng ilang buwang training. Medyo nahirapan ako sa pagre-review dahil sumabay pa sa final exam ang mga requirements sa school. Gayundin ang final exam. Hindi na kami napagbigyan sa request ni Ma'am Rowena na mauna ulit mag-exam gaya noong last quarter. Ang sabi pa ng teachers ay nagiging unfair sila sa ibang estudyante. Nakipag-away pa tuloy si Ma'am Rowena.
Sobrang pressured tuloy ako ngayon. Hindi ko alam kung na-digest ba ng utak ko lahat ng rineview ko kagabi. Wala kasi akong oras sa mga nakaraang araw dahil nga busy ako sa mga requirements. Sana lang ay worth it ang pagpupuyat ko kagabi!
Pagkabigay ng test papers ay ini-scan ko ang exam. Medyo kinabahan lang ako dahil habang binabasa ko ang ibang mga tanong ay parang hindi ko maintindihan! Epekto ba ito ng pagpupuyat kagabi? Halos wala na rin akong tulog para lang dito!
Napatingin ako sa paligid. Nakita ko si Cede na seryosong sinasagutan ang test paper. Ang iba naman ay nakakunot ang noo at gusto nalang maiyak. Binaling ko na muli ang atensyon sa papel. Sinagutan ko muna ang mga items na alam ko. Nainis lang ako noong makita na pati ang mga pangalan ng mga nurses na nakasalamuha namin ay kasama sa tanong! Yung iba nga hindi naman nagpakilala noong sa hospital tour! Maging ang mga title ng mga lecture ay kasama rin. Ano ba naman 'to!?
Nang matapos ang oras ay hindi maipinta ang mukha ko dahil sa exam na iyon. Kung mayroon mang makakapagpababa ng score ko, paniguradong ang mga pangalan at titles iyon! Nagligpit na ako ng gamit. Dumiretso ako kay Cede na nakahalukipkip malapit sa main door. Nang mapansin niya ako ay kaagad siyang umayos ng tayo.
"Kamusta?" tanong niya sa akin.
"Bababa yung score ko dun sa mga pangalan at titles! Yung iba nga e hindi naman nagpakilala noong hospital tour!"
"Hayaan mo na. Ang iba nating mga kasama ay wala halos nasagot. Pasalamat ka nalang at mayroon kang nasagot kahit papaano" tumango na lamang ako sa sinabi niya. Kung sabagay tama nga naman siya.
"Babalik pa kayong school?" tanong niya sa akin nang makalabas kami.
"Oo...finals din namin. Hindi mapakiusapan yung mga teachers. Pangit ka-bonding!"
"Sige...mauna na ako baka hinahanap na ako nina Hanes. Ingat ka! Good Luck sa exam. See you sa graduation" ngumiti siya sa akin. Kumaway nalang ako sa kanya. Pagbalik sa school ay nag-lunch muna ako bago nag-review. Sa hapon naman ay nag-take ako ng exam sa Hekasi at MAPEH.
Ang mga sumunod na araw ay puro pagre-review at page-exam lang ang naging ganap sa akin. Napapadalas din ang pagpunta ng Lolo at Lola sa Manila kaya madalas ay mag-isa lang ako sa bahay. Gabi na sila nakakauwi. Hindi nalang ako nagtanong kung ano ba ang sadya nila doon palagi.
Sa sumunod na linggo ay naganap ang Deliberation of Grades sa paaralan kasama ang parents/guardian. Si Lola ang nagpunta. Kabado ako habang isinasagawa iyon dahil pakiramdam ko ay hindi naging sapat ang effort na inilaan ko sa huling dalawang grading period. Kasabay kasi ito ng training. Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ito.
"Congratulations, Gabriella!" bati sa akin ng class adviser ko.
"Thank you po Ma'am!" sagot ko naman. Nagkaroon pa ng picture taking bago kami hinayaang umalis. Pagkatapos ng deliberation ay pumunta kami sa Jollibee ni Lola para mag-celebrate. Sumunod naman kaagad si Lolo na galing sa bayan. Masayang-masaya sila para sa akin.
"Ano? Itutuloy na ba natin ang pangingibang bansa?" tanong ni Lolo habang kumakain kami.
"Oo nga apo. Pumayag ka na. Deserve mo naman iyon!" sabi pa ni Lola.
"Kahit huwag na po tayong umalis ng bansa. Ayos lang naman po ako"
Naging mabilis lang ang takbo ng oras. Dumating na ang araw ng graduation namin bilang Young Health Workers. Isinuot ko ang t-shirt na pinrovide nila para sa amin. Nag pants ako at sandals. Kasama ko si Lolo at Lola sa araw na ito. Kailangan kasi ng parents/guardian. Nakaupo kami sa may left side habang sa right side naman ay ang mga teachers, principals, parents and guardians. Ang mga doctor na nag-train sa amin ay nasa stage. Halos mapuno nga ang stage dahil sa dami nila! Nagkaroon muna ng mga speeches bago kami tuluyang hirangin bilang graduates.
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...