After the Sunset, walang nagbago. Ganon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Cede. Hindi namin pinag-usapan kung anong susunod na mangyayari pagkatapos naming umamin sa isa't isa. Parehas lang kami ng gusto na mag-focus muna sa pag-aaral. We're both fine with that.
During the second semester, hindi ko pa rin kaklase si Cede. Ganon pa din ang schedule ko. Hindi naman din siya nagre-reklamo sa set up namin. Pa-minsan minsan ay hindi niya na ako napupuntahan dahil sa sobrang daming ginagawa.
Third Year na kami nang maging mag-kaklase kami ulit. Full schedule na kami kaya nag-rent na rin si Cede ng apartment. Noong una ay gusto sana ni Tita Elisha na magkasama nalang kami. Ngunit ayaw ni Mama. Naintindihan naman iyon ni Tita Elisha lalo na't babae ako. Kaya yung katabing apartment nalang ang kinuha ni Cede. Sakto naman na bakante iyon nang naghahanap siya ng apartment na malapit sa tinutuluyan ko.
Madalas na nasa apartment ko siya sa tuwing may mga assignments kami. Kapag may quizzes at exams sabay din kaming nagre-review. Halos nasa apartment ko nga palagi si Cede. Umaalis lang siya kapag matutulog at maliligo. Pakiramdam ko tuloy sayang lang ang binabayad ni Tita Elisha sa apartment na kinuha para kay Cede.
Tuwing Friday kami umuuwi. Nagco-commute nalang kami dahil mas tipid. Dati kasi ay dala-dala ni Cede ang sasakyan nila. Pero kung dadalhin niya wala ng gagamitin si Tita Elisha kapag may mga lakad siya sa siyudad. Wala din namang parking lot malapit sa apartment na tinutuluyan namin. Baka mapano pa ang sasakyan nila kung mags-stay lang din dito. Bumabalik lang kami sa apartment tuwing Linggo ng hapon o di kaya'y Lunes ng umaga.
Mabilis lang na lumipas ang panahon. Fourth year na kami at last semester na namin. Ang OJT namin ay sa ospital na katabi ng University. Hindi nga lang kami magkasama ni Cede dahil sa public hospital siya natanggap.
"Maggy nagluto ka ba? Pauwi na ako" kausap ko si Cede sa phone.
"Magluluto pa lang ako Cede. May gusto ka bang ulam?"
"Huwag ka ng magluto Maggy. Bibili nalang ako para hindi ka na mapagod"
"Ganon ba? O sige. Huwag ka ng bumili ng kanin magsasaing nalang ako. Mag-ingat ka"
"Sige Maggy..." pinatay ko na ang tawag pagkatapos. Naligo nalang muna ako habang hinihintay si Cede. Sakto naman na luto na ang kanin pagkatapos kong maligo. Habang naghihintay ay nagligpit na muna ako ng kalat. Hindi na halos kami nags-stay dito dahil sa dami ng ginagawa. Kadalasan kapag wala kaming pasok ay nasa coffee shop kami o di kaya naman ay nakatambay sa library ng University. Umiikot nalang ang mundo namin sa pag-aaral. Pero ayos lang din naman. Konting tiis nalang at ga-graduate na kami.
Pagdating ni Cede ay sinalubong ko siya kaagad. Kinuha ko ang dala niyang ulam at inilagay na sa mangkok. Kumuha na din ako ng plato para makakain na kami. Inilapag muna ni Cede ang mga gamit niya bago naghugas ng kamay. Kumain na kami pagkatapos.
"Maaga ka ngayon" sabi ko sa kanya. Kadalasan kasi ay nago-overtime siya dahil sa dami ng mga pasyente. Kulang din kasi sa mga nurse sa ospital kung saan siya nago-ojt.
"Inagahan ko talaga ang pag-out dahil may quiz pa tayo bukas. Hindi pa ako nakakapag-aral kaya ayun. Nagpaalam naman ako"
"Pakiramdam ko mas nakakapagod ang ojt niyo kaysa sa amin. Araw-araw ang dami niyong pasyente na nakakasalamuha. Puro pa mga severe cases. Feeling ko nga mas may edge kayo kumpara sa amin" sa totoo lang parang mas gusto ko na ang ojt ni Cede kumpara sa experience ko. Sila kasi ang daming patient interactions. Kami kasi more on paper works.
"May mga pasyente din naman kayong nakakasalamuha. Hindi nga lang kasing dami ng sa amin. Pero I'm sure that you are in good hands Maggy. No need to compare. Just enjoy it" tama naman siya. Hindi naman talaga dapat kinukumpara. Dahil sa propesyon na tinatahak namin hindi mahalaga kung gaano karami ang pasyente na nakakasalamuha namin. Ang pinakaimportante sa lahat ay ang gumaling ang mga pasyente.
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...