He didn't answer my question. He just looked at me in shock. He tried his best to say some words but he didn't. Parang umayon pa ang tadhana dahil bigla siyang nakita ng kasama niya sa duty. Kaya nagpaalam nalang ako na uuwi na ako bago pa makalapit iyon at tuksuhin kami.
My thoughts were puzzled because of that. The whole night, I couldn't sleep because I can't help but think about it. Is it that bad? Mukha bang may hidden agenda ako? Baka mamaya isipin niya na gumagawa ako ng paraan dahil lang sa sinabi niya five years ago na mahal niya ako. Pero matagal na yun. Imposible naman na ako pa rin hindi ba? What if may girlfriend pala siya kaya ganoon ang naging reaksiyon niya? Dapat nagtanong ka muna Maggy! Paano nga kung meron? Ano nalang ang iisipin ng girlfriend niya? Kapag nag-break yung dalawa baka mamaya ikaw pa ang third party!
Kung makikita ko man si Cede sa ospital. I'll just pretend that it didn't happen. It's for the best right? Para kunwari nadala lang ako ng pagod kaya bigla ko lang natanong iyon. O kaya naman maybe I felt so lonely for the first time ever since Tito Mau came back to the Philippines. Hindi lang siguro ako sanay? But this is what I want naman din. It's for my own personal growth. I can't always rely on other people. I need to stand on my own too.
Pero paano kung naiisip niya pa rin iyon? Paano kung bigla siyang magtanong ulit sa akin? But to be honest, siguro hindi naman niya gagawin iyon. Lalo na kung may girlfriend siya. Sigurado naman ako na loyal si Cede.
Dahil hindi ako makatulog, I just used my time to transfer the photos on my laptop. Maybe I'll edit some to post on my social media accounts. It's time to have my social media life back. Tapos na ang socmeds break no. Masyado ng matagal.
I woke up when my alarm rang. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko ang pagta-transfer ng pictures. Nagmadali akong mag-ayos para pumasok na sa ospital. Naglakad nalang ako dahil maaga naman akong lalabas mamaya.
I went straight to the cafeteria. Sakto naman na nandoon din si Cede na kaka-order lang ng breakfast. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako. I just stared at him before ordering my food. I just ordered two pieces of pancake and a cup of coffee. When Cede saw me, kaagad niya akong pinuntahan.
"Ako na.." sabi niya sa akin. Kinuha niya ang tray na dala ko. Tahimik lang ako na sumunod sa kanya. Magkaharap kami. I glanced at his food which is a French Toast, Sunny Side Up Egg and Bacon. He just settled for a juice instead of a hot drink. "Puyat ka?"
"Late na akong nakatulog. Akala ko nga maaga dahil napagod ako kahapon"
"Bawiin mo nalang ang tulog mo mamaya"
"Patapos na ang shift mo?" tanong ko sa kanya. It's almost six in the morning.
"Oo. I just ate my breakfast here before leaving. The food in the hotel where I am staying is expensive kaya dito nalang ako kumain"
"Where do you eat your meals then?"
"Sa mga fast food. Mayroon namang malapit doon kaya it's not really a problem" we continued eating our food. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa kanya para pumasok.
"I'll go ahead" sabi ko sa kanya.
"Okay. Have a great day!" dumiretso na ako sa locker room para mag-iwan ng mga gamit. Pagkatapos ay pumunta na ako sa nurse station.
"Good Morning Maeve!" bati sa akin ni Nerizza.
"Good Morning! Are you done with your shift?" tanong ko sa kanya.
"Yes. I just waited for you to hand you the paper works. And to discuss the doctor's order for some patients" I nodded. I listened to her very well. Nang matapos siya ay nagpaalam na siya sa akin. I started doing the paper works. Then, I accompanied some doctors who had their rounds. Dahil busy ako sa nurse station, ang mga kasama ko nalang ang umattend sa mga emergency patients.
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...