"Lola, Lolo sinali po ako sa training ng principal po namin" pagku-kwento ko habang kumakain kami ng hapunan. Nagkatinginan silang dalawa bago ngumiti sa akin.

"Aba! Tungkol saan naman itong training na ito?" tanong ni Lolo.

"Under sa Medical Society daw po Lolo. Magt-training kami under sa mga doctor at nurses" ngumiti ako sa kanila.

"Magandang opportunity iyan apo! Mabuti nalang at hindi ka nagdalawang isip na sumali!" si Lola iyon. 

"Nagdalawang isip nga po ako noong una Lola. Pero sa huli po ay tinanggap ko na rin. Baka dito ko po mahanap yung gusto kong maging trabaho paglaki ko" napangiti silang dalawa sa akin.

"Matagal pa naman iyon apo. Marami pang panahon para mag-isip. Pero kung diyan ka magiging masaya nakasuporta lang kami ng Lolo mo sa iyo"

"Tama iyon apo. Basta huwag mong papabayaan ang pag-aaral mo habang nagt-training ha? At huwag mo ring kakalimutan na mag-enjoy. Panigurado ay may makikilala ka na magiging kaibigan mo rin kalaunan"

"Opo" nagpatuloy na kaming kumain. Mabuti nalang at napakasuportado nilang dalawa sa akin. Ni minsan ay hindi pa ako nakarinig ng pagtutol nila sa mga gusto kong gawin. Malaking bagay iyon para sa akin. 

Naging mabilis lang ang takbo ng mga araw. Dumating na ang unang araw ng training. Ang sabi sa amin ni Ma'am Rowena ay orientation lamang daw ang mangyayari sa araw na ito. Mayroon kaming service papunta sa isang malaking paaralan na pagdadausan ng training. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga kasama ko. Ang alam ko ay mga honor student din sila. Ang isang ka-grade ko ay sa kabilang section. Habang ang tatlo naman naming kasama ay Grade 5 pa lamang. Medyo mahihirapan ako dahil halos magkakakilala na sila. Hindi kasi ako ganoon ka-friendly sa school. 

Pagdating namin sa school na pagdadausan ng training ay pinaupo kami sa isang gilid. Tahimik lang ako sa gilid habang ang mga kasama ko ay abala sa pag-uusap. Naghintay pa kami dahil iilan pa lang ang nandoon. Luminga linga ako sa paligid at nakita ang mga pamilyar na mukha. Halos ako sinasabak sa mga contest sa school mapa ano pa mang subject iyon. Kaya madalas ay sila sila rin ang mga nakakalaban ko. 

Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang orientation. Nagkaroon muna ng prayer at pag-awit ng Pilipinas Kong Mahal bago nagsimula ito. Tahimik lang kaming nakinig sa speaker na isang doctor. I-diniscuss niya ang guidelines ng training. 

Ang duration ng training ay tatlong buwan lamang. Dalawang beses sa isang linggo kami magkikita-kita. Every week, mayroong iba't ibang speakers na magtuturo sa amin patungkol sa partikular na topic. Magkakaroon din kami ng hospital tour sa malapit na ospital. Ang last two weeks ay nakalaan para sa final examination at graduation day. Ang examination ay susukatin kung mayroon ba kaming natutunan sa duration ng training. At ang tatlong young health workers na mayroong pinakamataas na marka ang ipapadala para sa National Quiz Bee. 

"Welcome Young Health Workers! May you learn from us throughout this training and may you use what you have learned to help other people in your own little way" nagpalakpakan ang lahat nang matapos magsalita ang doctor. Isa siyang pediatrician. 

"And now, we will have a roll call" sabi noong speaker. Each school ay tinawag gayon din ang mga pangalan namin. Medyo natagalan dahil nine schools all in all. Pagkatapos ay 5-6 students pa ang kasali. Matapos ang roll call ay nag-proceed na sa election of officers.

"I-nominate niyo ang isa't isa. Mas maganda kung officers kayong lahat" sabi ni Ma'am Rowena sa amin. Sa President ay apat ang nominees. Mayroon pang speech kung bakit deserving ka sa position! Lalaki ang naging president. Gwapo kasi kaya halos binoto siya! Sumunod naman ang Vice President.

"I nominate Maeve Gabriella Valderrama for Vice President" halos mahimatay ako nang sabihin ng kasama namin ang pangalan ko! Ano ba yan? Hindi ko ata kaya!

"Sige na Gabriella umakyat ka na sa stage" sabi ni Ma'am Rowena sa akin. Wala naman akong choice kung hindi ang sumunod. Pagtapak ko sa stage ay kinakabahan ako. Nanlalabo ang paningin ko! Ano naman bang sasabihin ko sa reason kung bakit deserving ako? Maggy! Pull yourself together. Hindi pwedeng wala kang masabi. For God's sake honor student ka! 

Nagsalita na ang mga kasama kong nominees. Ang dalawang nauna sa akin ay parang mga fan favorites! Ano namang panama ko sa kanila? Mga nakalaban ko pa naman sa contest ang mga iyon at parehas na lalaki. Natigilan ako sa pag-iisip nang ibigay na nila sa akin ang microphone. I cleared my throat first before speaking.

"Good Afternoon! I am Maeve Gabriella Valderrama from Bright Future Elementary School. I aim for the position of Vice President because I want to lead as an example to my co-health workers. I want to boost their confidence in a way that will help them to not hesitate to take action whenever there is an emergency. For the main goal of Medical Society is to be of service to people who are in need. Thank you" pagkatapos ay ibinigay ko na ang microphone sa last nominee. Pumalakpak naman ang mga kasama ko sa naging sagot ko. Siguro naman ay ayos na iyon?

Nagsimula na ang botohan at hindi naman ako nabigla na hindi ganoon karami ang naging boto ko. Nakakalungkot lang dahil once na na-nominate ka na ay hindi ka na pwedeng ma-nominate ulit. Kinamayan ko ang nanalong  Vice President.

"Congratulations!" bati ko sa kanya.

"Thank you. It's been a while!" sabi niya sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya. Bumalik na ako sa upuan pagkatapos at inabala nalang ang sarili. Ang isa naming kasama ay na-pwesto bilang Treasurer. Okay na rin dahil may isa kaming representative na kasama sa Officers. 

"Young Health Workers, meet your officers!" sabi ng speaker. Umakyat sila sa stage at pinalakpakan namin sila. Nagkaroon pa sila ng pledge bilang tanda ng kanilang responsibilidad. Matapos ang election ay nagkaroon muna ng break sandali. Alas tres na din iyon. Sila na mismo ang nag-provide ng snacks sa amin. Spaghetti at juice mula sa isang kilalang fastfood chain ang merienda namin. 

Pagkatapos kumain ay mayroong pinamigay na hands-out sa amin. Nandoon ang mga kanta na dapat kabisaduhin maging ang pledge namin bilang Young Health Worker. Ang sabi sa amin ay kailangang kabisaduhin namin ito. Ang huling parte ng orientation ay ang groupings.

"For the last part of the orientation, you will be grouped into six. Ang mga ka-grupo niyo ay ang mga makakasama niyo throughout the training" kinabahan ako sa narinig. Ang akala ko pa naman ay by school ang groupings ngayon pala ay halo-halo! Sana naman maging maayos ang mga ka-group ko. Nagsimula ng magbilang ang speaker. Number one ako dahil ako ang nasa harapan. Hindi na ako lumingon sa likod dahil sa kaba. Nagdadasal na sana ay maging maayos ang mga ka-group ko!

"Since mayroon na kayong mga ka-group lahat ng group 1 ay dito..." ininstruct niya kung saan uupo ang bawat members. "Okay now, go to your respective groups" naging maingay dahil sabay-sabay silang nagsitayuan. Nag-kanya kanyang punta sila sa mga groups nila. Ngumiti ako sa mga ka-group ko. Dalawang babae at halos mga lalaki na sila. Binasa ko ang mga pangalan nila na nasa name tag. Ngumiti din sila sa akin. 

Natigil ako ng makita ang isang pamilyar na mukha. Lumapit siya sa amin at naupo sa upuan na siyang natitirang hindi okupado. Mas lalo akong kinabahan ng nagtama ang aming mga mata.

Naaalala pa kaya niya ako?

After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon