Cede and I spent the rest of the remaining days of vacation together. Madalas sinasamahan niya akong mag-jogging. Sa hapon naman ay tumatambay kami sa kubo sa may bukid. Minsan ay naglilibot din kami kung saan-saan. Minsan naman ay pumupunta ako sa kanila dahil nagpapatulong si Tita Elisha sa gardening. Tuwing linggo madalas naman kaming sabay na nagsisimba. Paminsan-minsan ay kasama ko si Tita Elisha dahil nagse-serve si Cede. Hindi naman nagrereklamo si Mama at Papa sa madalas na pag-alis ko sa bahay. Wala din naman silang magagawa. Hindi ko naman din sila tinatanong kung ano ang madalas na inaasikaso nila ni Papa.
"Hello po Lola, Lolo. Kamusta po kayo?" iyon ang bungad ko sa kanila. Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng oras para makatawag. Naging abala sila sa pagta-travel.
"Hello apo! Mabuti naman. Nandito kami ngayon sa Hawaii. Sana'y nandito ka. Kayo? Kamusta kayo? Miss na miss ka na namin!" sabi ni Lola.
"Asikasuhin mo na ang passport mo apo. Para naman maisama ka na namin dito!" sabi pa ni Lolo. Natawa naman ako.
"Maayos naman po kami. Miss na miss ko na rin po kayo! Sayang naman at hindi ako nakasama diyan sa Hawaii! Di bale Lolo, Lola sa susunod makakasama niyo ako diyan. Ifa-flaunt ko ang magandang hubog ng katawan ko!" natawa sila sa sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka. Apo ka nga ng Lola mo!" sabi ni Lolo.
"Ang Mama at Papa mo kamusta?" tanong sa akin ni Lola.
"Okay naman po siguro sila?" patanong kong sabi. I rarely talk to them. Wala namang nagbago sa pakikitungo ko sa kanila. Hangga't kaya umiiwas ako sa kanila. I don't want to pretend that I am happy with them. Ayokong magpaka-plastic. After that iniba na nila ang topic. They even toured me around the place. Everything is so peaceful there. How I wish I was there with them.
"Pagka-graduate mo sumunod ka kaagad sa amin. Kahit mag-aral ka pa ulit dito ayos lang basta't makasama ka lang namin" sabi ni Lola.
"Opo Lola. Sa bakasyon po aasikasuhin ko na ang passport ko para hindi na mahirapan pagdating ng araw"
"Mabuti naman. Alam namin na kayang-kaya mo ang kurso mong 'yan. Nandito lang kami ng Lolo mo kapag may problema. Tawagan mo kami kaagad ha?"
"Opo Lola. Sige na po. Ingat po kayo diyan! I miss you both..." kumaway na ako at ngumiti bago pinatay ang video call.
The summer ended quickly. Just like that, it's time to go back to school. Ngayong araw na ito ang first day namin ni Cede as a college student. Maaga akong nagising dahil nakakahiya naman sa kanya. Baka mamaya ay ma-late kami! Dahil first day, hindi naman required na magsuot na ng uniform. Kaya naka-casual wear lang kaming dalawa. Ang balita namin ay sa first week hindi pumapasok ang mga professor. Pumasok na ako sa sasakyan. Bumungad sa akin si Cede na inaantok pa.
"Good Morning!" bati ko sa kanya.
"Morning..."
"Hindi ka yata kaagad natulog kagabi?" sabi ko sa kanya. Halata kasing puyat siya.
"Nahirapan lang.."
"Excited ka no?" pang-aasar ko.
"Not really..." mabuti nalang at maaga kaming umalis. Hindi kami masyadong na-traffic. Halos dalawang oras ang naging biyahe papuntang school. Pagkapark ng sasakyan ay bumaba na kami. Ang daming students na nagkalat. Kita mo sa kanila ang excitement. Naglakad na kami ni Cede patungo sa building ng College of Nursing.
"Ang daming students!" sabi ko sa kanya. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga building na nadadaanan namin. Malinis at matayog ang mga ito. Nang makarating kami sa building ng College of Nursing ay kaagad kaming naglakad-lakad para makita ang mga rooms na papasukan namin kapag may klase na. The rooms are big enough to accommodate up to fifty students per class. Nang maging familiar na kami sa mga rooms ay pumunta na kami sa room na designated para sa first subject namin.
Bumungad sa amin ang mga students which I believe na magiging kaklase namin for the whole semester. Sumunod lang ako kay Cede. We sat at the two empty chairs on the left corner. Hindi maalis ang titig ng mga taong nasa loob sa aming dalawa. Halos hindi rin sila naka-uniform.
We waited for an hour only to hear the announcement that everyone is expected to be at the gymnasium for the program. Some approached Cede para makipag-usap. He answered their questions politely. I am not really sociable so I just stayed silent most of the time. How I wish nandito si Blair. Sana tinulungan ko nalang pala siyang pilitin si Tita na sundin ang gusto niya. Baka sakaling magkaklasi pa sana kami kahit sa mga minor subjects lang.
Cede grabbed my hand. We went to the gymnasium together. Magkakasama ang per department. Nasa may bandang unahan ang College of Nursing kaya mabilis kaming pumunta doon. Luckily, nakaupo naman kaming dalawa. Dahil medyo mainit linabas ko ang pamaypay mula sa bag ko. Kaagad naman itong kinuha ni Cede at siya na ang nagpaypay.
The program started on time. The opening remarks was given by the University President. He was in his 50's I think. Marami pang nagbigay ng messages bago ang mga performances per department. That was how we spend our morning.
"Do you want to go to the cafeteria or fast food nalang?" tanong sa akin ni Cede habang palabas kami ng gymansium.
"Tignan natin kung anong pwedeng kainin sa cafeteria" he nodded. Medyo naligaw pa kaming dalawa kaya hindi namin kaagad ito nakita. Pagdating sa cafeteria ay marami pang tao. Kakaunti nalang din ang ulam kaya nag-decide kami na sa fast food nalang kumain. Cede ordered for us habang ako naman ay humanap na ng pwesto naming dalawa. Mabilis lang siyang naka-order kaya kaagad din kaming nakakain.
"Anong gagawin natin mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam. Should we check the library?"
"Pwede rin. Ganito pala ang kalakaran. Pwede bang next week nalang tayo pumasok?" I joked.
"Kung pwede lang. Pero mahirap na baka kasi biglang may pumasok na professor. Let's just get to know our classmates.." he said. I just nodded. After eating pumunta kami sa library. Dahil bago kami, nag-register na kami para magkaroon ng library card. Ang sabi ay baka bukas lang ay lalabas na ang mga iyon.
Bumalik kami sa College of Nursing Building at dumiretso sa room. Halos ang mga nakita namin kanina ang siyang bumungad sa amin. Some approached us but hindi naman nagtatagal ang pag-uusap. Nang may mag-announce na pwede ng umalis dahil wala namang papasok na professor ay umalis na kami. Natuwa naman ang mga kaklase namin. Nagpaalam pa ang ilan kaya ngumiti nalang kami sa isa't isa. Maaga naman kaming nakauwi ni Cede dahil doon.
"See you tomorrow!" sabi ko sa kanya bago bumaba ng sasakyan. I waited for him to leave before I went inside our house.
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...