After our graduation as Young Health Workers, kumain kami sa labas kasama sina Tita Elisha. Nahihiyang tumanggi ang Lolo at Lola kaya sumama nalang kami. Si Tita Elisha ang sumagot sa pagkain namin. Si Lola sana ang magbabayad. Nagtalo pa silang dalawa dahil doon. Kaya ang hiningi nalang ni Tita Elisha ay bumisita nalang sa kanila kapag hindi na busy. My grandparents agreed to that. Before going home, my Lola bought some food. Pinabaunan din sina Tita Elisha bilang pasasalamat na rin.
Ang sumunod na araw ay ang graduation ko naman sa elementary. Ang alam ko ay magkasabay ang sa amin ni Cede. Ang balita ko ay siya rin ang Class Valedictorian. We were invited again to be there but Lola wanted to celebrate my graduation with just us three. Nangako na lamang si Lola na bibisita kami doon.
My grandparents were crying out of joy when I ran towards them after the graduation ceremony. Sinabitan ko nga mga medalya ang Lola habang si Lolo naman ay pinagsuot ko ng aking graduation cap. Nagpapicture kami na ganoon ang ayos nila. Mayroon pa nga ay iyong hinahalikan nila akong dalawa sa pisngi.
I graduated as the class valedictorian. I even earned almost all the "Best In" awards. Isama pa ang mga medalyang napanalunan ko sa iilang kompetisyon sa school year na iyon. We had our meal on my favorite restaurant on a nearby city. Dahil gabi na iyon, hindi na kami nakapamasyal pa sa mall. Kaya sa ibang araw nalang kami namasyal.
The following days were spent outside the house. We had so many activities dahil sinulit nila ang mga panahon na kasama ako bago ako tuluyang sumabak ng puspusan sa pagre-review para sa National Quiz Bee. Hindi na rin muna kami natuloy na mag out of town dahil doon. Ang sabi pa nila ay pagkatapos nalang ng kompetisyon.
April came. Most of my classmates are already on vacation. While here I am with Hanes and Cede inside the conference room of a hospital for our review. Maghapon kami dito at araw araw ang pagre-review. Every week, iba-iba ang mga doctors na kasama namin.
"That's it for our session this week. Enjoy the weekend! See you on Monday!" sabi ng doctor. Nagpa-thank you kami sa kanya. Pagod na pagod kaming lumabas ng ospital bitbit ang mga materials na kailangang aralin.
"Kaya pa ba?" tanong ni Hanes sa amin. Nasa entrance kami ng ospital at kasalukuyang hinihintay ang shuttle bus service. Tatlo lang kami pero iyon ang ginagamit para ihatid kami sa mga bahay-bahay namin.
"Gusto ko nalang matapos. Pakiramdam ko nauubos na mga brain cells ko!" pagrereklamo ko.
"Malapit nalang naman yung Quiz Bee. Konting tiis nalang.." tumango na lamang ako kay Cede. Sumakay na kami sa shuttle bus service. Hindi na kami nagtabi-tabi dahil napakaraming upuan na kailangang i-occupy!
"Mag-rereview ba tayo this weekend?" tanong ko sa kanila. Pa-minsan minsan kasi ay nagg-group review kami. Last weekend ay kina Hanes kami.
"Huwag na muna. Kapag malapit nalang talaga!" sabi ni Hanes.
"Pahinga muna tayo" sabi naman ni Cede. Tumango na lamang ako. Nagpaalam ako sa kanila nang maihatid na ako sa bahay. Ako palagi ang nauunang ihatid. Pinakahuli naman si Hanes. Pagkatapos naming maghapunan ay hindi ko na muna nakausap sina Lola. Pagod na pagod ako at maaga akong dinalaw ng antok. Sa weekend na iyon ay nag-review lang din ako. Hindi na nga lang ako iniistorbo nina Lola dahil alam nila kung gaano ka-importante sa akin iyon.
"Malapit na ang National Quiz Bee pero hindi niyo pa pala naiintindihan ang basics! Ano? Kailangan ba nating balikan?" galit na sabi ni Doctor Martinez. Sa totoo lang, alam naman namin ang mga iyon. Sadyang nakakalimot lang talaga dahil sa dami ng information na kailangang isaulo.
"Doc Martinez" si Doctor Mercado. Lumabas si Doctor Martinez at padabog na sinarado ang pinto. Tahimik lang kaming tatlo.
"Pagpasensyahan niyo na si Doctor Martinez. Marami lang siyang problema. Anyway, mag-lunch na muna tayo? Saan niyo gusto?" tanong ni Doc Mercado.
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...