Tumatakbo kaming dalawa ni Cede patungo sa College of Nursing Building. Pagod na pagod na ako sa pagtakbo pero hindi ko pa rin magawang tumigil. Nagmamadali kaming umakyat ni Cede papuntang third floor kung saan ang classroom namin. Paano ba naman kasi na-traffic kami! 

Hingal na hingal kaming pumasok ni Cede sa loob ng classroom. Mabuti nalang at wala pa ang professor. Major subject pa naman ang unang subject namin ngayong umaga.

"Good Morning Gabriella, Jack!" bati ni Melody sa amin. 

"Good Morning!" sagot ko naman. Tumango lamang si Cede.

"Mabuti at wala pa ang professor. Bakit nga pala kayo na-late?" tanong naman ni Brent.

"Traffic kasi. Ang aga na nga naming umalis ng bahay" sabi naman ni Cede. 

"Inuumpisahan na ba ang paggawa ng daan?"

"Oo halos isang oras kami doon. Hindi umuusad ang mga sasakyan"

"Mag shortcut nalang kayo kung sakali. Para hindi kayo nata-traffic" sabi pa ni Brent. Natigil sila sa pag-uusap ng pumasok ang isang matandang professor. Mukha pa namang terror ang isang ito. 

"Good Morning everyone. I am Howell Losarito a Registered Nurse and I will be your professor for Anatomy and Physiology both in lecture and lab" his awra is intense and intimidating. Kapag sinuswerte ka nga naman siya pa talaga ang sa dalawa. Sana lang ay maayos siyang magbigay ng grades. Pagkatapos niyang magpakilala ay sinabi niya ang mga class rules niya. Pagkatapos non ay ibinigay na niya ang introduction ng subject. 

Kinuha ko ang notebook at ballpen ko at nagsimula ng magsulat ng mga sinasabi niya. Hindi raw siya nagbibigay ng hands out. Pwera nalang daw kapag kailangan talaga. Mukhang pangit ka-bonding 'tong si prof.

Tatlong oras ang Lecture sa Anaphy kaya nakikinig lang ako ng mabuti. Interesado naman ako kaso nakakatamad lang talagang makinig minsan. Pakiramdam ko hindi kaya ng utak ko na i-digest lahat ng pinagsasabi niya. Mabuti nalang talaga at hindi pa siya makakapagtawag dahil wala pa kaming binibigay na index cards. Wala din naman kaming mga name tag. Ano kami mga bata? 

Napatingin ako kay Cede na seryoso lang nakikinig. Parang inaantok na siya pero ginagawa niya ang best niya para hindi makatulog. Mamaya ma-bad shot pa 'to. First day na first day! Mabilis lang na lumipas ang oras at lunch break na. 

"See you this afternoon" sabi ni Prof Losarito bago lumabas ng classroom. Tumayo ako para mag-stretch. Ang sakit ng katawan ko tatlong oras ka ba namang nakaupo!

"Saan kayo Gabriella?" tanong ni Brent sa akin.

"Hindi ko alam eh. Kayo ba?" 

"Sa Cafeteria lang kami. Baka gusto niyong sumama ni Jack" sabi niya. Napatingin ako kay Cede na nakatayo na ngayon.

"Sige" sabi naman ni Cede. Kinuha ko na ang bag ko at sumunod sa kanila ni Melody. Ang alam ko ay mag-jowa ang dalawang ito since high school. Hindi nga lang sila legal both sides. May pagka-strict kasi ang parents nila. Paano kaya sila nakakapag-date kung ganon?

"Masarap ang sisig nila dito" sabay turo ni Melody sa isang kainan. Doon sila umorder kaya doon nalang din kami bumili. Syempre ako ang nagbayad gaya ng napagkasunduan namin ni Cede. Mabuti nalang at may bakanteng table sa malapit. Doon kami pumwesto.

"Nakakatamad naman ang Lunes natin. Palaging Anaphy!" pagrereklamo ni Melody.

"Hindi ka man lang maka-ubo sa kanya. Nakakatakot yung awra niya" dagdag pa ni Brent.

"Di ko alam kung matutuwa ako o hindi sa kanya. Sana naman bumait pa siya" sabi ko naman. Si Cede naman ay no comment. Kumain na kami dahil thirty minutes nalang at matatapos na ang lunch break. Mas matagal pa ang paglalakad namin papunta dito kaysa sa pag-order at kumain. 

"Nag-notes ka kanina Gabriella? Baka naman pwedeng pa-picture nalang" sabi ni Melody.

"Ah..oo. Ang sabi niya kasi hindi siya magbibigay ng hands out. Naninigurado na ako" sagot ko naman. Puro reklamo lang silang dalawa tungkol kay Prof Losarito habang kumakain. Nanatili lang tahimik si Cede habang nakikinig sa usapan. Matapos kumain ay nag-banyo muna kami ni Melody. Pinauna na namin ang dalawa sa classroom para makakuha ng magandang pwesto. 

"You look so pale. Try mong mag-lipstick girl!" sabi ni Melody sa akin habang nagre-retouch siya.

"Hindi kasi ako sanay" sabi ko naman sa kanya. Naka white uniform na kami at panay na nakapusod. Ayoko namang mag lipstick baka mamaya ay sobrang tingkad sa paningin ng professor. Mamaya pag-initan pa ako. Nagpulbo nalang ako at naglagay ng lip gloss. 

"You should buy a lipstick rin. Kahit yung light lang hindi naman yung very bright. You'll get used to it eventually" sabi pa niya. Si Melody kasi ay yung matitingkad na kulay ang inilalagay sa labi niya. Mabuti nga at hindi siya nasita kanina. Hindi naman bawal ang paglalagay ng make up dito. As long as yung light lang. 

Pagkatapos mag-restroom ay pumunta na kami sa classroom. Maganda naman ang nakuhang pwesto ng dalawa. Umupo ako sa tabi ni Cede at kinuha ang notebook. Ibinigay ko kay Melody para ma-picturan niya ang notes. Binalik niya rin kaagad sa akin dahil dumating na si Prof Losarito para sa Anaphy Lab. 

Gaya ng kanina ay introduction lang din ang ibinigay niya sa amin. Dalawang oras lang kaming nakikinig sa kanya. Hindi siya nagsasawa sa pagsasalita. Tuloy-tuloy lang siya kahit na ang iilan sa mga kaklase namin ay humihikab na. Nagsusulat lang din ako ng mga importanteng detalye na sinasabi niya. 

"Next meeting kindly bring a 1/4 index card. Write your Name, Course and Section then submit it to me. Also, be ready for your first quiz. Good day!" sabi ni Prof. Pag-alis niya ay umingay ang buong klase dahil sa sinabi niya. 

"Grabe naman siya! Quiz kaagad sa second meeting!"

"Ang tindi niya naman!"

"Hindi na nga nagbibigay ng hands out, hindi pa magbibigay ng copy ng presentation niya!"

Nauna ng umalis si Brent at Melody. May dadaanan pa yata. Pumunta na kami sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan ni Cede. Alas tres palang kaya sobrang init. 

"Gusto mo bang kumain bago umuwi?" tanong ni Cede habang nagse-seat belt.

"Hindi na. Busog pa naman ako" 

"Paanong busog ka binigay mo lang sa akin ang tira mo?" here we go again. Parang tatay ko talaga ang isang ito!

"Yun lang ang kaya kong kainin ala namang pilitin ko ang sarili ko?" he just sighed as a sign of defeat. Nag-drive na siya. Sa shortcut na sinasabi ni Brent kami dumaan kaya mas naging mabilis ang biyahe namin. Ang problema lang ay medyo masikip ang daan kaya hirap din si Cede.

"Kung may namiss ka sa lecture or lab I can send you the picture of my notes" sabi ni Cede sa akin.

"Sige sige. Ise-send ko din sayo ang akin"

"How's Anatomy and Physiology?" tanong niya sa akin.

"Interesting. Siguro magugustuhan ko rin kalaunan" he smiled at me. Nag-focus nalang siya sa pagda-drive.

"Everything takes time. You'll learn to love it eventually" I looked at him to see his expression. But I was too late. Bakit parang double meaning? Napatingin siya sa akin. He was confused upon seeing me. "The course itself I mean.." sabi niya kaagad.

"Ahhh..." Ang assuming mo naman Maggy. Hay naku! Syempre ang ibig niyang sabihin ay yung Nursing!

"Madali bang mag-drive?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Nakakangawit lang. Why? Are you going to buy a car?"

"Makalabas nga lang ng bansa hindi ko kaya. Bumili pa kaya ng sasakyan?" iritable kong sabi sa kanya.

"If not, do you want to learn how to drive?"

"Ayoko sana pero mukhang hirap na hirap ka minsan. Tuturuan mo ba ako kung sakali?"

"I'd rather be your driver forever, Maggy. I prefer to see you sitting there as a passenger. I enjoy seeing you smile as we go on a trip while you are looking at the window" His words made my heart flutter. What now, Maggy?

After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon