"You need to top the board exam Maggy" paulit-ulit na parang sirang plaka na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Mama. Kailan ba siya titigil? Nakakapagod na. 

"Maggy kanina ka pa tulala diyan" napatingin ako kay Cede na may dalang pagkain. Kakagaling niya lang sa labas. Nasa Manila kami ngayon at malapit na ang board exam. Magkasama kami sa apartment na may dalawang kwarto. Sa pagkakataong ito ay hindi na tumanggi si Mama kay Tita Elisha lalo na't wala akong kakilala sa Manila. Si Melody kasi ay hindi muna daw magbo-board exam. Habang si Brent ay ang pagpasok naman sa medical school ang pinaghahandaan. 

"Huh? Hindi naman ah!" tinawanan lang niya ako. Siya na mismo ang nag-ayos ng lamesa para makakain na kami. Pagkatapos niya akong halikan ay hindi na naulit pa iyon. Parang wala lang nangyari. Ang awkward naman kasi kung kakausapin ko siya tungkol doon. Siguro nadala lang siya noon kaya ganon. Wala namang nagbago sa samahan naming dalawa. Napapadalas nga lang ang pag-alis niya. Hindi ko naman siya tinatanong kung anong linalakad niya. 

Simula nang dumating kami sa Manila ay hindi na muna ako umuwi sa probinsya. Kung uuwi ako every week, mababawasan ang allowance ko. Kaya mas pinili ko nalang na manatili nalang muna dito at mag-focus sa pagre-review. Palagi ko namang minemessage si Mama sa kung ano ang nangyayari sa akin at ginagawa ko. Minsan nga ay hindi naman siya nagre-reply. 

Hindi nila alam na linalakad ko na ang Visa ko. Na-approve na kasi ang petition nina Lolo at Lola na dalhin ako sa California. Iyon nalang ang kulang at makakaalis na ako. Kahit si Cede ay hindi ko sinabihan patungkol dito. Si Blair lang ang may alam. 

Linigpit ko na ang mga reviewers ko dahil wala namang pumapasok sa isip ko sa tuwing may babasahin ako. Kailangan ko din namang magpahinga. Hindi naman puro aral lang dapat. Monday-Friday ay nasa review center kami ni Cede. May mga nakilala rin kami na taga-ibang school na kasama namin sa review center kaya minsan ay may mga group study kami. Tuwing Saturday naman ay naglilinis kami ng apartment at naglalaba ng mga damit. Tuwing Sunday ay nagsisimba kami at naglilibot sa kung saan-saan. Minsan naman ay umuuwi si Cede sa probinsya. Nag-aalangan siyang iwan akong mag-isa dito kaya kaagad din siyang lumuluwas pabalik.

"Busog nako Cede di ko na kaya" sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at kinuha ang kutsara't tinidor na ginamit ko. Lininis ko nalang ang mga ito.

"Hindi ka man nga kumakain ng maayos. Manghihina ka niyan Maggy"

"Ayos lang ako Cede" pagkatapos kong linisin ang mga iyon ay kinuha ko na ang mga reviewers na niligpit ko kanina. "Matutulog nako" he just nodded. Pagod na pagod ako sa araw na iyon. Nagising ako nang tunog ng tunog ang cellphone ko. Ayaw ko sanang sagutin ngunit walang tigil sa pag-ring kaya kinuha ko nalang. 

"Hello..." 

"M-maggy" bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga nang marinig ang basag na boses ni Mama.

"Ma? Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako dahil sa biglang pagtawag niya sa akin. Hatinggabi na.

"P-pwede ka bang umuwi dito?" nanginginig ang kanyang boses.

"Anong nangyari Ma?" 

"K-kailangan mo lang umuwi bukas. Please anak..." nagmamakaawa si Mama. Ano ba kasing nangyari doon?

"Ma kumalma po kayo. Bukas na bukas uuwi ako ng maaga. Mag-uusap po tayo pag-uwi ko. Uminom po kayo ng tubig baka ma-dehydrate kayo" I heard her sobs. Ano ba kasing nangyari at bakit umiiyak siya? 

"O-oo. P-pasensya ka na at tinawagan kita ng ganitong oras. Hihintayin kita Maggy..." pinatay na ni Mama ang tawag pagkatapos. Ang ginawa ko ay mabilis lang akong nag-empake ng damit dahil uuwi ako bukas pagkatapos ang ilang buwan. Hindi na ako nakatulog dahil doon. Alas tres nang maligo ako. Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili.

After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon