Today is September 2. It's Cede's birthday. I wore the dress he gave me years ago. Medyo maluwang nga lang dahil pumayat ako ng kaunti. Dahil na rin siguro sa stress. Hindi ko sinabi kay Mama na may regalo na ako kay Cede kaya bumili pa siya ng cake. As usual kami lang ni Mama ang pupunta. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan ni Papa.
Lunch ng pumunta kami sa bahay ng grandparents ni Cede. Doon kasi ang handaan. Hindi naman din tumanggi si Tita Elisha dahil mas presko naman doon. Pagdating namin ni Mama ay sinalubong kami ni Tita Elisha. Nagmano ako sa kanya atsaka sa grandparents ni Cede.
"Nasa taas si Jack, Maggy. Puntahan mo nalang" sabi ni Tita Elisha.
"Sige po" pumunta ako sa taas at hindi nakita si Cede sa mga kwarto. Kaya dumiretso na ako sa veranda. Nandoon nga siya pero may kausap.
"Thank you Dad. I miss you" sabi ni Cede. Si Tito Jon siguro ang kausap niya.
"May mga bisita ka ba na pupunta?"
"Sila Tita Marielle lang, Dad"
"Kamusta na kayo ni Maggy? Kayo na ba?"
"Dad alam mo namang torpe 'yang anak mo" si Ate Ria ang nagsalita.
"Bilis bilisan mo naman anak. Hindi na kami bumabata ng Mama mo" tumawa si Tito Jon.
"Saka nalang Dad. I'll see you soon..."
"Huwag kang pupunta dito ng hindi nagiging kayo ni Maggy!" dagdag pa ni Tito Jon.
"Dad!" puro tawanan lang sila sa kabilang linya. Nagpaalam na si Tito Jon at Ate Ria. Pinatay na niya ang tawag pagkatapos. Saka ko lang siya linapitan.
"Happy Birthday!" bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at lumapit siya para yakapin ako.
"Thank you, beautiful" pakiramdam ko kasing pula ako ng kamatis dahil doon.
"Pwede ka ng bumitaw hindi na ako makahinga!" paano kasi nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit! Tinawanan niya ako saka siya kumalas sa yakap.
"Dapat pala araw-araw birthday ko para nag-aayos ka" pagbibiro niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Binobola mo lang ako!"
"Hindi ah. You're really beautiful. Medyo boyish ka nga lang manamit kaya naninibago ako kapag naka-dress ka" bumaba na kami pagkatapos. Sa labas naka-set up ang dining table. Dahil konti lang kami ay halos nagpaluto nalang sila ng pagkain. Ayaw din naman ni Tita Elisha na magluto ng mag-isa. Mas nakakapagod pa iyon.
Before eating, we sang a happy birthday song first for Cede. Dalawa ang cake niya. Iyong binili ni Mama at isang customized cake na pinaggawa ni Tita Elisha.
Happy Birthday to you
Happy Birthday to you
BINABASA MO ANG
After The Sunset
RomanceElementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She was always the second best while He was always the first. From being classmates in kindergarten to being groupmates in a particular competi...