Days before the training, I had to take my periodical exams early. Napaki-usap na rin kasi iyon ni Ma'am Rowena. Although my test results are not out yet, I know that I did very well. Halos nasagutan ko lahat ng mga questions. Sa Math lang ako nahirapan.

"Kamusta ang exam? Mahirap ba?" tanong ng isa kong kaklase.

"Madali lang naman" sabi ko at tinalikuran ko na siya. Isa siya sa mga running for honor students. Alam na alam ko na ang galawang ganoon. Gusto niya lang malaman ang content ng exam. Syempre hindi ko naman ipagsasabi. Pinaghirapan ko ngang reviewhin lahat tapos malalaman lang nila? Ano sila? Sinuswerte? 

Hindi kaagad ako nakauwi sa araw na iyon. Nagkaroon pa ng meeting regarding sa nalalapit na student council election. Ako kasi ang outgoing President. Naaalala ko pa kung paano ako nahirapan noon dahil dikit na dikit ang laban. Hindi ko nga inasahan na makukuha ko iyon.

Matapos ang meeting ay dumiretso na ako sa bahay. Kami lang ni Lola ang nasa bahay dahil pumuntang Manila si Lolo. May inasikaso daw at hindi naman sinabi kung ano iyon. Baka bukas na raw siya makauwi dahil magpapalipas na siya ng gabi doon. 

Kinabukasan ay araw na naman ng training. Sinigurado ko sa sarili ko na kabisado ko na ang pledge at ilan sa mga kanta na kailangang kabisaduhin. Baka mamaya ay matawag na naman ako! Sana nga lang ay sa pledge nalang ulit. Ayokong kumanta!

Pagdating namin ay dumiretso ako sa mga ka-grupo ko. Nandoon na silang lahat! At ang tanging vacant seat ay ang nasa harapan ni Cede. Nagdadalawang isip pa ako kung ililipat ko iyon sa kabilang banda o hindi. Ngunit wala na rin naman akong nagawa. 

Medyo na-delay ang umpisa ng training dahil wala pa ang doctor na speaker sa araw na ito. Nauna pa tuloy ang merienda kaysa sa training. Saktong alas tres naman ng dumating na ang speaker. Ang araw na ito ay intended para sa review. Susukatin nila kung hanggang saan or ano na ang alam namin tungkol sa mga body systems.

"Before we start our lesson proper we will have a short review. Each group will be given a picture. You have to identify the system of the human body and name its parts. You will have five minutes to do that" sabi ng guest speaker na doctor. Nagsimula ng mag-distribute ng mga papel per group. 

"Woah! Circulatory System!" sabi ni Angel. Napatingin ako sa papel at tama nga siya.

"Okay mayroon na bang papel ang lahat?" tanong ng speaker. Sumagot naman kaming lahat ng opo. "Your five minutes starts now!" sabi pa niya. Inilapag nila sa gitna ang papel para makita ng lahat.

"Sinong magsusulat?" tanong ni Jeia.

"Ako nalang!" sabi naman ni Ron. 

"Ilagay mo sa pinakataas Circulatory System" sabi ni Jimwel. 

"This is the heart" sabi ni Ron. 

"Kailangan pa bang i-identify yung left or right side?" tanong ni Lars.

"Hindi na siguro since ang focus ay i-identify ang parts ng body system at hindi ang organs" sabi naman ni  Talia. Sila halos ang sumagot. Tahimik lang kami ni Cede.

"Ano 'to?" tanong naman nila. Black and white ang picture kaya hindi kami sigurado kung ano iyon.

"I think arteries" sabi ko sa kanila.

"No..veins siya" napalingon naman ako sa nagsalita. 

"Hindi arteries 'yan sigurado ako!" sabi ko ulit sa kanya. Kinuha ko ang papel at pinakita sa kanya. "Tignan mo naman kasi oh!" 

"Hindi ang tinuturo mong 'yan ang veins. Hindi 'yan ang arteries..." 

"Gusto mo magpustahan pa tayo eh!" pagalit kong sabi. Kalmado lang siyang tinitignan ako. 

"Gabriella, Jack huwag na kayong mag-away. Akin na ang papel kami nalang ang magde-decide kung anong ilalagay" sabi naman ni Ron. Umupo nalang ako sa upuan at hinayaan sila. Aba't inaway pa ako!

Kinuha na ang mga papel at ang unang chineck ay ang sa amin. Naka-ngiti naman ang speaker habang tinitignan ang mga papel ng mga grupo. Pagkatapos gawin iyon ay inannounce niya ang mga scores.

"I would like to congratulate Groups 1 and 5. Na-perfect nila! Let's give them a round of applause!" Tuwang-tuwa ang mga ka-grupo ko. Ano kaya ang pinili nilang veins at arteries? Yung sa akin ba o yung kay Cede? Ibinalik muna ang mga papel para sulatan ng mga pangalan namin. Para daw mabigyan kami ng grade for the pre-test. Bahagya akong sumilip sa papel at napagtanto na ang sinabi ni Cede ang siyang tama! Hiyang-hiya tuloy ako. Parang gusto ko nalang mawala! Hindi na ako lumingon sa banda ni Cede dahil baka mahalata niya pa lalo na't nasa harapan niya lang ako.

Kung palang ipinagpilitan ko ang sa akin, hindi namin na-perfect ang first activity. Tulala tuloy ako buong training. Nabalik lang sa huwisyo ng bigla akong tawagin sa harap para kantahin ang hymn ng Young Health Workers.

Napatingin ako sa lahat. Natatakot na baka mamaya ay maulit na naman ang dati. Hindi ko alam kung bakit tuwing kumakanta ako sa harap ng maraming tao ay bigla nalang akong nanginginig. Hindi ko natatapos ang kanta dahil sa sobrang kaba ko. Minsan ay naiiyak pa ako. Bakit kaya?

Hindi ko namalayan na nagsimula na akong magkanta. Sa puntong ito, hindi ako nakaramdam ng kahit ano pa man. Tuloy-tuloy lang ang pagkanta ko. Napatingin ako kay Cede na ngayon ay nakatingin sa akin. Totoo ba ito? O baka nananaginip lang ako?

Gusto kong matuwa dahil sa unang pagkakataon ay nakatapos ako ng kanta sa harap ng maraming tao. Hindi ako nanginig o hindi naiyak habang kumakanta. Ngumiti sa akin ang doctor at tinapik niya ang balikat ko ng ibalik ko sa kanya ang microphone. Nagsitayuan na ang lahat para umuwi. 

Kumaway ako sa mga ka-grupo namin na umalis na kasama ang mga teacher coaches at ka-school nila. Dumiretso ako sa upuan at nakitang nandoon pa si Cede. Nakatayo siya habang diretso ang titig niya sa akin. Linigpit ko ang mga gamit ko. Akmang aalis na ng bigla niya akong harangan.

"Maggy..." napa-angat ako ng tingin ng banggitin niya ang pangalan ko sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon. "Sorry nga pala kanina..." sabi niya sa akin.

"Okay lang 'yun. Mabuti nga at pinagpilitan mo ang sagot mo. Kung hindi sana ay hindi tayo perfect" sabi ko sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Ang tagal na kitang hindi nakikita..." sabi pa niya.

"Kila Lola na kasi ako nakatira. Umalis din kasi si Mama..."

"Pasensya na kung hindi kita pinapansin sa mga unang araw ng training. Hindi ko kasi alam kung paano. Akala ko din kasi hindi mo na ako naaalala" Akala ko nakalimutan na niya ako. Ngayon pala ay hindi pa. "Mauna na ako. Kapag may oras ka pwede ka namang bumisita sa amin. Welcome na welcome ka pa rin sa bahay. Hayaan mo akong bumawi sa mga taong hindi tayo nagkita. See you next training. Ingat ka!" sabi niya sa akin. Ngumiti siya bago umalis.

Pinanood ko lamang siyang umalis. Hindi maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naaalala niya pa ako! At...gusto niyang bumawi! Napangiti ako ng maalala ang kanyang sinabi. Mayroon din palang magandang pinatunguhan ang nangyari kanina. Atleast...nalaman ko na kilala at naaalala niya pa rin ako.

Sana bumilis na ang oras at dumating na ulit ang araw ng training! Gusto ko pa siyang makita at makasama!



After The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon