chapter 4- Avoid

180 12 3
                                    

N/A; this chapter was dedicated to Ameliafulgencio. Thanks po.

******

Busy ngayon para sa final defence, malapit na kasi ang graduation. Nandito ako ngayon sa apartment ni Evie, siya kasi ang partner ko sa Thesis. Kaya heto kami gumagawa ng thesis.

"Bakit ba nandito ka nanaman Amelia? Baka hinahanap kana nila tito! Sige na umuwi ka na!" Iiling iling na sabi ni Evie sa pinsan nitong si Amelia. Medyo close ako kay Amelia dahil madalas namin itong nakakasama sa lunch kapag nasa University kami. Nagtataka nga ako nitong mga nakaraang araw hindin ko na ito nakikita.

Speaking of University. Three days na pala ang nakalilipas simula nung nangyari ang pagsundo sa akin ni Drake. At mula noon medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahihiya ako sa ginawa kong pag-iwas o may iba pang dahilan.

"Sige na ate Evie, kahit 1 week lang dito muna ako sayo titira. Ayaw ko kasing umuwi." Kita ko ang lungkot sa mukha Amelia at ang takot sa boses nito.

"Ano bang problema mong bata ka? Hoy Amelia! 17 ka palang nagagawa mo ng magrebelde? Di porket malapit na ang debut mo ehh magbabago na din yang ugali mo!" Pangaral ni Evie sa pinsan na kita ko ang pagkairita sa mukha nito. I salute Evie for being matured minsan. Sa aming dalawa siya talaga ang mas matured ng mag-isip, though we're in the same age. Yun ngalang madalas din itong may saltik, wag ka ngalang makikipag talo dyan about sex, sure di ka mananalo. May propaganda pa nga ata yan na idagdag Ang sex education sa mga subject sa eskwelahan.

"1 week lang naman ate Evie. Tapos aalis din ako. Ayaw ko lang talagang umuwi ngayon." Malungkot na sabi ni Amelia.

"Ikaw ha Amelia! Magsabi ka nga ng totoo! Ano bang problema mo? May problema ka ba? Kasi parang bigla kang nagbago. Hindi ka naman dating ganto. Alam kong pasaway ka pero ngayon ka lang naging ganto. May tinatago ka ba?" Inis na sabi ni Evie sa pinsan na halos umusok na ang ilong.

Nakita kong nanahimik si Amelia at hindi makatingin sa mata ni Evie. Bigla tuloy akong naawa dito. Para kasing may mabigat itong iniisip at hindi nito kayang sabihin kanino man.

Nakaka touch ang magpinsang Ito. Kasi kahit na sobrang layo na ng pagiging magkamag-anak nila palagi pa ding nagtutulungan. Evie is like an older sister to Amelia.

"Bayaan mo na Evie. Baka may problema lang si Amelia at hindi niya pa kayang sabihin. Right Amelia?" Tanong ko dito. Hindi ko na kasi kayang makitang malungkot si Amelia. Wala akong kapatid na pinapangarap ko. Kaya ng makilala ko ito naging palagay agad ang loob ko sa kanya.

"Sige na Evie, 1 week lang naman daw siya titira sayo. Pagbigyan mo na." Sulsul ko kay Evie pero tinaasan ako nito ng kilay bago pabalang na naupo sa gilid ng kama nito.

"Ok Lang naman sa akin siya matulog kung ayaw mo. Wala naman akong kasama sa apartment ko." Suggestion ko pa.

"Hindi pwede! Hahanapin yan sa akin ni Tito at tita Melita. Alam mo naman ang mga yun." Agad na tutol ni Evie sa suggestion ko.

"Oh edi payagan mo na. 1 week Lang naman." Pilit ko dito.

"Alam mo jhass! Hindi ko alam kung sino ang kaibigan mo dito ehh! Talagang sa kanya kapa kumakampi?" Di makapaniwalang Sabi ni Evie. Napakamot lang ako sa ulo.

Siguro kasi may bagay na gustong pag-isipan si Amelia at hindi nito iyon magagawa kapag nasa kanila Ito. Kahit ako siguro ang nasakalagayan nito na may gustong linawin at isipin ay hindi mapapalagay kapag nasa paligid ko ang katulad na magulang ni Amelia. Kita ko kung pano ng mga Ito kontrolin ang desisyon at ang mga  ginagawa ni Amelia. Even sa course na kinuha nito ay Wala itong layang pumili.

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon