N/A; here I am again. Sorry for late UD. Malapit na tayo ilang tambling nalang. Thank you for supporting me guys. Kahit medyo madaming errors.
Enjoy reading 😘
********
Nagising ako sa ingay mula sa labas ng bahay. Agad akong bumangon para tignan kung ano yun.
Nadatnan ko si mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa.
Isang linggo na akong nakauwi ng bahay. Pati yung project namin na dito sa bicol gaganapin na postpone dahil sa mga nangyari sa akin.
"Ma bakit ang ingay sa labas?" Tanong ko habang kinukusot ang mata. Ngumiti lang si mama at hindi ako sinagot. Dahil sa sobrang curious ko sa nangyayari sa labas lumabas na ako kahit hindi pa nakakapag hilamos ng mukha.
Halos mapanganga ako sa nabungaran ko. Titig na titig ang mga kapitbahay namin kay Drake na busy sa pag iigib sa bomba.
Tiliin ng mga dalaga ang naririnig ko. Maging ang bulungan ng mga may edad na ay nakikisali.
"Ang gwapo." Rinig kong bulong ng anak ni aling Mirna.
May nag lakas ng loob na lumapit kay Drake at nagtanong.
"Kuya may asawa ka na?" Tanong nito na nginitian lang ni Drake.
"Sabi ko sayo wala pa ehh!" Kinikilig na bumalik Ito sa mga kasamahan nito.
"Actually I have." Agad akong napatingin kay Drake dahil sa sinabi nito.
Nakaramdam ako ng inis. May asawa na siya? Kailan pa? Di ako na inform.
"Ayy, sayang!" Sabay-sabay namang Sabi ng mga kababaihang nakapalibot dito.
Ilang araw nang pabalik balik si Drake sa bahay. Talagang pinanindigan niya ang sinabing liligawan niya ako ulit.
"Baby." Bigla akong natulos sa kinatatayuan ko ng tumama ang tingin ni Drake sa akin. Tinuro ko pa talaga ang sarili ko. Para akong baliw na nag sisigurado kung ako ba talaga ang tinatawag niya.
Lumapit siya sa akin. Habang ako ay nakasunod lang sa bawat galaw ng katawan niya palapit.
"Gising ka na pala. Malapit na ako matapos mag igib. Gusto mo na ba maligo? Puno na yung dram sa banyo pwede mo nang gamitin." Nakatanga lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.
Napatingin ako sa likod ng marinig ko ang malalim na buntong hininga mula doon. Isa-isang nag alisan ang mga kababaihan, bagsak ang mga balikat ng mga ito na tila natalo sa Isang laro.
"Pasok ka na sa loob. Tapusin ko lang ito. Dalawang timba nalang naman." Paalam nito bago muling bumalik sa pag-iigib.
Habang ako ay di makapaniwalang nakatingin lang sa kawalan habang naglalakad papasok ng bahay.
"Hay naku yang si Drake! Di nag paawat. Biruin mo ba naman. Kaninang madaming araw pa yan nag iigib. pinuno niya talaga lahat ng lagayan sa loob ng banyo. Para daw pag gising mo di ka na mahirapan. Siya nga din namili ng mga grocery, para di ka na daw lumabas labas ng bahay" nangingiting paliwanag ni mama.
Ilang segundo lang ay pumasok si Drake, bitbit ang dalawang timba na puno ng tubig. Dumiretso Ito sa banyo para siguro ilagay sa loob ang mga inigib.
"Tita puno na po yung mga dram." Ani ni Drake habang lumalapit sa akin.
"Ligo ka na. Nahanda ko na din pamalit mo." Nakatingin lang ako kay Drake habang nag pupunas ng pawis.
Bakit ganun. Parang yung pawis niya ang gandang pagmasadan habang bumabagsak sa mukha nito at sa damit nitong basa na din ng pawis.
BINABASA MO ANG
Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)
Storie d'amore"Every man are capable of hurting us." - jhass "It is much better to avoid affection of love to not getting hurt." - jhass "If I need to pretend just to be with you, I will fuckingly glad to pretend." -Drake Pretending is the only way for him to ent...