chapter 5- awkward

185 11 2
                                    


Kanina pa namamawis ang aking kamay. Hindi naman halatang kinakabahan ako no?

Halos gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni Drake hindi ako makatingin ng diretso sa mata nito. Ewan ko, siguro dahil nakaramdam ako ng guilty. Guilty dahil sa pag-iwas ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Kanina, napag isip-isip ko na di tama ang ginawa ko.

Sa ilang minuto naming byahe walang nagsalita sa aming dalawa kaya bigla akong napapitlag ng magsalita si Drake.

"You okey? Are you cold?" Tanong nito habang nasa harapan pa din ang atensyon. Napahawak ako sa noo ko para kapain ito. May pawis nga akong nakapa at ang lamig nun. Pinag papawisan ako ng malamig.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Hinarap ko si Drake para sumagot. Laking pasalamat ko at nasa kalsada ang paningin nito. He can't see my fake smile.

"Ayos lang ako. Medyo malamig nga lang." Sagot ko. Bakit parang biglang bumigat yung pakiramdam ko. Hindi ako kumportable. Parang ilang segundo lang ay maiihi na ako, parang sinisilihan din ang pwet ko dahil kanina ko pang gustong umalis sa pagkakaupo dito sa loob ng kotse ni Drake.

Agad namang pinahinaan ni Drake ang AC " how about this? Okey lang ba yung gantong lamig?"

"Ahh! Oo. Okay na yan." Sagot ko habang tumatango na tila maamong tuta.

"Baby, tell me if you need something. Okay?" Yan nanaman yung puso ko. Yung pagtawag niya akin ng 'baby. Parang iba yung intindi ng utak ko.

Noon pa man baby na ang tawag sa aking Drake. Because, he said that I'm his baby, like baby little sister. Yun lang ang ibig sabihin nun. Pero ngayon nabibigyan ko na Ito ng ibang kahulugan.

Ang awkward ng pakiramdam ko. Pag ang pinapakita ni Drake na hitsura sa akin ay katulad ng hitsura nito ngayon, feeling ko lalaking lalaki talaga siya. Malayo sa nakatatak sa isip ko. Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko kung bakit inaya ko siya maging kaibigan. Maybe because I was disparate to have a friend that time. No one wants to be friends of me. Kaya ng ipagtanggol ako ni Drake noon kina Kikay, nakita ko sa kanya yung isang taong kaya akong ipagtanggol. Yung taong katulad ni Mimi Judy ko na di iniwan si mama. I feel safe. Yung bang pakiramdam na hindi niya ako iiwan hindi niya ako sasaktan. Yun bang nakakita ako ng kakampi. Kahit dalawang beses ko pa lang siyang nakikita noon at hindi pa lubusang nakikila.

"Drake. Di mo ba ako tatanungin kung bakit ako umiiwas sayo?" Lakas loob kong tanong dito. Nagtataka kasi ako kung bakit ni hindi niya ako tinanong tungkol sa ginawa ko. Alam ko namang gusto niyang magtanong, Kita ko yun sa mga mata niya.

Hindi Ito umimik hanggang sa makarating kami sa Perfect Cafe. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng bigla niya akong hinigit. Para akong natigilan ng maramdaman kong pinulupot ni Drake ang mga braso nito sa aking leeg. Ang ulo nito ay nakapatong sa aking balikat. Hindi ako makagalaw. Ang tibok ng puso ko parang nakikipag karera sa bilis.

"If I'll ask you.." tumigil Ito at muling nagsalita. "sasagutin mo ba ko?" Ramdam ko ang eagerness ni Drake sa tanong nito. Pero bigla din akong napatanong sa isip ko.

Oo nga. Kaya ko nga ba siyang sagutin? Kaya ko bang sabihin ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanya? Parang Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko kayang sabihin na kaya ako umiiwas dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Na kaya ako umiiwas dahil hindi ako makapag-isip ng maayos kapag malapit o nasa paligid ko Lang siya.

Parang gusto ko nalang bumalik sa dating kami. Sa dating meron kami, Yung bang walang iwasang nangyayari. Tawanan at kulitan lang. Pero iba na ngayon. I feel awkward. Kung papapiliin ako. Ibabalik ko ang dating nararamdaman ko para sa kanya. Like His my Friend, my saviour, and my hero.

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon