Chapter 9- Thalia

180 10 2
                                    

Matapos kong kainin ang inihanda sa akin ni Drake na breakfast agad akong naghanda para sa Saturday class ko. Habang naliligo ako di ko maiwasang mapangiti. Para nga akong baliw habang naliligo, pakiramdam ko kasi naka dikit pa sa katawan ko ang init ng katawan ni Drake. Ang mahigpit na yakap niya sa akin kagabi, pakiramdam ko napaka halaga ko. Na para bang ayaw akong bitawan nito sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Nang Makita kong nakahanda na ako agad na akong lumabas ng bahay para makapag simula ng maglakad. maaga pa naman at parang trip ko ngayon ang maglakad.

Hindi ko alam kung bakit kahit failed yung plano kong i-seduce si Drake ang saya pa din ng pakiramdam ko. Pakanta kanta pa nga ako habang naglalakad.

Kaso napahinto ako sa pagkanta ng nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay may isang itim na sasakyan ang dumaan sa gilid ko. Napahinto ako para bigyang daan ito. Ngunit bigla itong huminto sa tabi ko,

Kinabahan ako sa isiping baka may masamang tao sa loob ng sasakyan na biglang may gawing masama sa akin. Uso pa naman ngayon ang kuhaan ng mga babae tapos ibebenta. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Handa na akong tumakbo, ng bumaba ang salamin ng sasakyan.

Isang babae ang bumungad sa akin, Mukha itong model. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha nito. Bigla kong napaisip kong nakita ko na ba ito o hindi pa. Mukha kasi itong familiar sa akin. Mahaba ang buhok nito, Ang malalamtik na pilikmata ay mas nakadagdag sa ganda ng kulay abo nitong mga mata. Ang ilong nito na matangos ang mapula nitong labi at ang makinis nitong mukha ay nababagay sa hugis puso nitong mukha.

Nakita ko na ba siya dati? tanong ko sa sarili, Ngumiti ito. Hindi ko alam kung ngingiti din ba ako. Di ko kasi alam kung ako ba ang nginingitian nito, Kaya para makasiguro, lumingon ako sa paligid ko kung may iba pa bang tao maliban sa aming dalawa. Nang matiyak kong walang ibang tao.Bumalik ang paningin ko sa mukha nito. Naituro ko ang sarili ko habang nakatingin ako dito. Guso kong siguraduhin kung sa akin ba talaga ito nakangiti .

Tumango ito. So ako nga ang nginingitian nito. Pilit akong ngumiti bilang tugon. Kilala ko ba siya? tanong ko sa sarili.

"Jhass, right?" tanong nito sa akin. Kilala niya ako? Pano niya nalaman ang pangalan ko?

Bumaba ito ng sasakyan at lumapit sa akin.

"Hi, I'm Thalia." she said and offer her hand to me. May pag-aalinlangan akong tumingin sa kamay nito na nakalahad sa harapan ko. Sa huli ay tinanggap ko din ang pakikipag kamay nito.

"h-Hi" Bati ko dito.

"Kilala mo ko?" Nag-aalinlangan kong tanon habang nakaturo sa aking sarili.

Ngumiti ito at tumango. " yeah, I know you. you're Jhass right?" she said with a smile.

"Pano mo ko nakilala?" nagtataka kong tanong. binawi ko na din ang kamay ko mula sa pag kakahawak niya dito.

"I'm Drake's girlfriend, soon to be fiance," Halos mabingi ako sa pagpapakilala nito. Sino daw siya? girlfriend? Girlfriend ni Drake? Naguguluhan ako habang nakatingin sa kanya. Joke time ba to? Panong magkaka girlfriend si Drake? ehh di ba nga bakla yun? ni hindi nga tumalab doon ang pag-se-seduce ko doon kagabi. tapos ngayon may magpapakilalang girlfriend nito? niloloko ba ko ng babaeng to? Oh di naman kaya..... di lang talaga ako attractive sa paningin ni Drake.

Bakit walang nabanggit si Drake sa akin? Di kaya ibang Drake ang tinutukoy nito? " g-girlfriend ka n-ni Drake? as in Drake Cordova?" kapag kuwan ay tanong ko. may parte sa akin na umaasang hindi si Drake ang tinutukoy nito. Ngunit ang pag-asang yun ay biglang naglaho ng unti-unti itong tumango at ngumiti.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa naging sagot nito. Ang tibok ng puso ko parang tumigil. pati ang paghinga ko parang kinakapos. Bakit ganon? yung puso ko, parang sinasakal? Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko?

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon