Chapter 2 - His back

319 17 3
                                    


His Back

ilang taon na ang nakalilipas simula ng unang araw na tinanggap ni kuya Drake ang pakikipag kaibigan ko. Halos tatlong taon na din yun. Matapos ng nangyari sa akin noon, palagi ko nang nakikita si Kuya Drake sa labas ng gate ng school. Inaantay nya ako palagi at sinasabayan sa paglalakad hanggang sa makauwi ako ng maayos sa bahay. Katulad ngayon tanaw ko na si kuya Drake na nakaabang sa labas ng gate ng school, nakasandal siya sa pader habang nasa buksa ang mga kamay. Nung gabing hinarang ako nila Kikay ay hinatid ako ni kuya Drake hanggang sa bahay. Nalaman ko din na siya yung lalaking sinipa ko sa may bukid... Hindi ko kasi siya agad namukhaan dahil sa kapal ng make up niya nung gabing iyon, at sa hitsura ng damit niya. Tinanong ko nga siya kung bakit ganun yung damit niya kaso hindi niya ako sinagot, malay ko ba! baka trip niya yung mga ganung damit . Sinabi niya din sa akin na kaya niya ako sinundan dahil gusto niya daw mag sorry sa akin... Dahil baka natakot niya daw ako nang tumabi siya ng upo sa akin sa ilalim ng puno ng walang paalam.

Ibang-iba na si kuya Drake simula nung araw na pinagtanggol niya ako kina Kikay. Siguro kung Hindi ko Lang Alam na beki siya, mapagkakamalan ko siyang model. Katulad ngayon. Para siyang model na nag p-pictorial sa dingding ng school.

Sa lumipas na tatllong taon palagi nang dumitiretso si kuya Drake dito sa school namin para sabayan ako sa pag-uwi. Minsan nga sinabihan ko na siyang kaya kong umuwi mag-isa, biruin ba naman ang layo kaya ng school nya sa school ko. Natatawa na ngalang ako kapag may mga tumitingin sa kanya na madaming babae, hindi naman kasi nila alam na beki si kuya Drake... Pag-inaasar ko nga siya sa mga magagandang babae sa school para siyang nandidiri at hindi maipinta ang mukha tapos kapag naiinis na siya doon para namang nakakapanglambot ng tuhod... Para siyang nagiging monster.

"Jhass!" Sigaw ni kuya Drake habang kumakaway-kaway pa sa akin. Ang laki ng pagkangiti niya. Kita hanggang dito sa kinatatayuan ko Ang puti ng ngipin niya.

"Kuya Drake.." bigkas ko sa pangalan nito sa sobrang hinang boses habang naglalakad ako patungo sa kanya ng nakayuko. Nag-iingat lang ako, kasi simula ng palagi na akong sinusundo ni kuya Drake ang daming mga estudyante ang palaging ako ang pinag-uusapan. Kadalasan tinatarayan ako kahit hindi ko naman sila inaano. Meron din namang mga estudyante ang lumalapit sa akin dahil gusto nilang makilala si kuya Drake lalo na ang mga high school student na mga babae, kahit nga mga lalaki gusto din siyang makilala.

Nang makalapit ako sa kanya agad kong hinila sa braso si kuya Drake halos kaladkarin ko na siya makaalis lang sa mga mata ng iba't-ibang studyante na kanina pa kami pinagtitinginan, kaso ang bigat ng katawan ni kuya Drake kaya hindi ko siya mahila ng mabilis. Mukhang nasisiyahan pa ito sa inaakto ko dahil rinig na rinig ko ang paghagikgik nito sa aking likuran.

"Wooh! S-stop, jhass. W-what happened?" Takang tanong ni kuya Drake habang nagpapaubaya pa din sa paghila ko. Nang mapansin kong nakalayo layo na kami sa mga estudyante tyaka ko lang siya binitiwan at humarap ako sa kanya ng nakanguso.

"Hahahahahahahaha!" Tawa ni kuya Drake ng malakas.

Maslalong humaba ang nguso ko dahil sa tawa niya na tila nasisiyahan pa sa pagkainis ko. "Kuya Drake!" Nagpapapadyak ako habang nakahalukipkip. Nakakainis naman kasi talaga siya! Nakita nang na-iinis ako pinagtatawanan niya pa ako. Pero kahit anong gawin kong pagnguso at pagdadabog hindi siya tumigil sa pagtawa. Kaya ng may naisip akong pwedeng ipang asar sa kanya agad ko siyang inasar.

"Ate Drake!." Kala mo ha! unang bigkas ko palang sa ate natigil na siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin. Naalala ko kasi noong unang beses ko siyang tinawag na ate nagtampo at nagalit talaga siya sa akin at hindi niya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa bahay.

Ako naman yung natawa sa mukha niya mukha siyang toro na umuusok ang ilong. Sige, akala niya ha! Mabuti na ngalang at may pang-asar din ako sa kanya.... Hindi ko nga alam kung bakit naasar siya pagtinatawag siyang ate Drake... Dapat nga matuwa pa siya kasi diba gusto yun ng mga beki? Pag tinatawag silang ate? Katulad ni mimi na masaya pag tinatawag ko siyang mimi... Nakakababae daw kasi. Inisip ko nalang na siguro dahil ayaw niya na may nakakaalam na beki siya. Kaya simula nun hindi ko na siya tinawag na ate. Pero dahil inaasar niya ako, bahala siya!

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon