Nakatanga ako habang naka hawak sa aking labi, hindi ko alam kung bakit , kahit ilang lingo na ang nakalilipas ay malinaw pa din sa akin ang ginawa ni Drake. Pakiramdam ko hanggang ngayong nangangapal ang labi ko. I want to confront him and ask why he do that. Pero para akong pinutulan ng dila. Hindi ako makapag salita. Kahit katabi ko lang siya.
Nung araw na hinalikan niya ako. nakatulala lang ako at hindi makatingin sa kanya. Dapat sinampal ko siya dahil ni nakaw niya ang una kong halik. Ngunit hanggang sa makarating kami sa apartment ko, Hindi ko pa din maibuka ang bibig ko.
"Ready your power point we start after 3mins." Napakurap ako at napabalik sa katinuan ang aking diwa ng marinig ko ang boses ng isa sa mga panel namin. It's our defense day.
"You okey?" Nakalapit na pala sa akin si Evie. Tumango lang ako.
Nag start na ang defense. mabuti nalang at nairaos namin ni Evie. Mabuti nalang at nagbasa basa kami. Kaya ang Ilan sa mga tinanong sa amin ng panel ay masagot naman namin ng maayos.
"Grabe ilang linggo nalang graduate na tayo jhass." Nag-aayos kami ni Evie ngayong ng mga ginamit namin sa defense. Napalingon ako sa kanya.
Napa-isip ako. Oo nga ilang linggo nalang graduate na kami. May balak na akong gawin after graduation. Gusto ko talagang maging journalist--- na ang fini-feature ay mga likas na yaman dito sa pilipinas. May target na din akong company.
"Ikaw? Anong balak mo?" tanong ko kay Evie.
"Ako?" Excited ito kung ibabase sa mukha nito ngayon. May kutob na ako kung anong gusto ni Evie. Nasabi na nito sa akin noon na gusto nito ng adventurous na trabaho.
"Maging Isang sikat na journalist. Gusto ko yung madaming adventure. Like...... Journalist na mag fe-feature sa mga drug syndicate. Or mga sindikatong walang ginawa kundi ang pahirapan ang mga nakakababang tao sa lipunan." Diterminado nitong sagot.
I know she can do that. Matalino Ito at may paninindigan. Alam kong gagawin nito ang lahat para makamit ang pangarap na career. Ganun din ako.
Wala na kaming class after ng defense. Even sa mga susunod na araw wala na ding pasok dahil puro practice nalang sa graduation.
Kumain lang kami ni Evie dahil tanghali na. After naming kumain ako na ang unang nag paalam. Para kasing bumigat ang pakiramdam ko. Gusto kong mahiga.
Nang makarating ako sa apartment. Patapon kong inihiga ang katawan ko sa kama, ni hindi ko na inabalang ayusin ang sarili ko. Tumulala ako, nakatanga lang sa kisame.
Hindi ako makatulog kahit ang bigat ng pakiramdam ko. Agad akong napabalikwas ng bangon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla akong napangiti ng si Drake ang pumasok sa isip ko.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon ng hindi tinitignan ang nasa caller.
Ilang Segundo na ang lumipas ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Inalis ko ito sa pgkakadikit sa tenga ko upang tignan kung sino ang nasa caller. Ngunit unknown namber ang nakalagay.
"Hello? sino ho sila?" tanong ko ng muli kong idikit ang cellphone mko sa aking tenga. Ngunit walang nag sasalita sa. Akmang ibababa ko ang tawag ng magsalita ang nasa kabilayan linya.
"K-kumusta ka na?" Unang salita palang ng nasa kabilang linya para ng tumigil ang pag hinga ko. Hindi ko maibuka ang labi ko. Para itong naka glue.
"A-anak. K-kumusta kana." Pag-uulit tanong ng nasa kabilang linya. Biglang nag-init ang magkabila kong mata. Parang biglang namigat ang mga iyon. Parang gusto kong umiyak. Ilang taon ko na bang hindi naririnig ang boses na to? 13? 14? Tama. Labing apat na taon ko ng hindi naririnig ang boses na to. Ang pag tawag niya sa akin ng anak. Miss na miss ko na iyon.
BINABASA MO ANG
Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)
Romance"Every man are capable of hurting us." - jhass "It is much better to avoid affection of love to not getting hurt." - jhass "If I need to pretend just to be with you, I will fuckingly glad to pretend." -Drake Pretending is the only way for him to ent...