Chapter 10- Jealous

190 11 0
                                    

A/N: Sorry for late update, Hope you like this chapter guys. Please comment and vote. Thank you.

*******************************************************

Para akong timang na nag aantay pa din dito sa labas ng university. Bakit ba ako nan dito? anong ginagawa ko dito? dapat umalis na ako ee. Pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Para akong tanga na umaasang susunduin ako ni Drake. 15 mins na ang nakalilipas nakatayo pa din ako at umaasa. Gusto ko sanang I-text or tawagan si Drake kung susunduin niya pa din ba ako o hindi. Ang kaso ano namang sasabihin ko sa kanya? sasabihin kong paasa siya? pa fall siya? Ang gaga ko naman kasi, sabi nga friends lang ehh! pero ako ito ang tanga! Hindi ko naiwasang sumusobra na pala ako.

5 mins. 5 mins, pa. pag di siya dumating within 5 mins. aalis na talaga ako. kaso lumipas na ang 5 mins walang Dreak na dumating. for the first time. he broke his promise.

Inayos ko na ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat. tumalikod na ako at handa na akong mag lakad ng may biglang humawak sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong na excite. parang tumalon ang puso ko. Paglinon ko biglang nawala ang ngiti sa labi ko. nakangiting mukha ni Ken ang nabungaran ko. Bakit ba kasi umaasa pa ako?

"K-Ken" tawag ko sa pangalan nito. Ngumiti ang binata sa akin.

" hi! " ani nito habang kumakamot sa batok na tila nahihiya. Ang sama ko na ba? kung sasabihin ko na si Drake ang nakikita ko kapag nakakakita ako ng kumakamot sa ulo dahil sa nahihiya?

"kanina pa kasi kita nakikita dito sa labas ng gate. may hinihintay ka ba?" tanong nito habang kumakamot pa din sa batok.

"meron. kaso mukhang nakalimutan nitong susunduin niya ako ngayon." may pait kong sa tinig kong sagot.

" so..... uuwi ka na?" biglang tanong nito. tumango ako bilang sagot.

ewan ko ba. dati naman ilag ako sa iba, kahit nga si Ken bihira kong kausapin. pero ngayon, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Parang ang gaan ng pakiramdam ko habang kausap ko si ken.

"uhmm.. wala ka nang gagawin ngayon?" kapag kuwan ay tanong nito, tumango ako, wala naman na talaga akong gagawin ngayon. maaga pa para sa oras ng pasok ko sa Café.

"P-pwede ba kita ayain? Mall lang tayo. p-pero kung ayaw mo okey lang." tanong nito na tila nahihiya. nag-aantay ito ng magiging sagot ko. May nakikita akong umaasa sa mata nito.

Wala naman akong gagawin sa Bahay ngayon. kesa naman ma buryo lang ako kakaisip kung bakit di ako sinundo ni drake, at mas worse pa ay na aalala ko si Thalia. di naman kaya kasama ni Drake si thalia ngayon? I shook my head to erase that thought. ayokong mag-isip ng kung ano-ano. nakakabaliw.

tumingin ako kay Ken at ngumiti. "sige. maaga pa naman." pag sang-ayon ko sa paanyaya nito. Kita ko ang malaking pagkakangiti sa labi nito.

I roamed my eyes inside of Ken's car. Hindi ako makapaniwala na may ganitong sasakyan itong pag mamay-ari. Parang katulad ito ng sasakyan ni Drake. "wag mo kong tignan ng ganyan," nangingiting sabi ni Ken. Hindikasi ako makapaniwalang nakatingin dito.

"sayo to?" parang tangang tanong ko.

"yes." sagot nito habang tumatango.

Pero di ba barista si Ken? Hindi naman kalakihan ang sahod ng isang barista. pano kaya siya nakabili ng ganitong sasakyan? Kung titignan kasi ang sasakyan nito ay mukha talagang mamahalin.

"it's a gift from my mom." kapag kuwan ay sagot nito habang nakatingin sa daan. gano ba kayaman ang mama nito at nakabili ng ganitong kamahal ng sasakyan.

mag tatanong pa sana ako kaso nakarating na kami sa mall. ipinarada na ni ken ang sasakyan. pagkatapos ay bumaba na ito at pinagbuksan ako.

Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad. inalalayan ako nito na makababa ng sasakyan.

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon