chapter 8- mission

169 8 0
                                    

Bakit ba ang tanga ko? Nakakainis! Ako ang pumigil sa kanya na umalis. Ako ang dahilan kung bakit nan dito siya sa apartment ko.

Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yun?

Hindi! Kasalanan pala lahat ito ni Evie. Kung ano-ano ang pinapasok sa isip ko.

Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Bumabalik sa aking isip ang mga sinabi ni Evie. Tama kaya si Evie sa mga sinabi nito na maaaring nag-papanggap lang si Drake?

"Seduce him"

Seduce him"

Seduce him"

Seduce him"

Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip ko ang mga katagang iyon. Pano? Pano ko gagawin yun? At tama ba tong ginagawa ko?

Hindi bat pag ginawa ko yun isa lang ang ibig sabihin nun. Naniniwala akong may tinatago si Drake sa akin. Pero paano kung wala? Pano kung totoo ang iniisip ko sa kanya noon pa na isa Naman talaga itong bakla? What if I seduce him then I found out that I'm wrong? That his a real gay? Baka pag-isipan niya ako ng masama. Baka layuan niya ako. Ang daming 'baka' ang tumatakbo sa isip ko.

"What are you thinking?"

"Ay baka!" Halos tumalon ang puso ko sa pagtatanong ni Drake.

Bumangon Ito at humarap sa akin. Nanginnginig ang buo kong katawan. Hindi ako makatingin ng tuwid sa mga mata ni Drake. Pakiramdam ko pag nakatingin ako sa mata niya, hihigupin ako nito ng buo.

"What? Anong baka?" Kunot noong tanong nito.

"a-ahh.... Hehehe. Wala yun." ani ko habang kumakamot sa ulo.

"S-so....ano....... Uhmm..... Hehehehe....... Tara tulog na tayo." Pag kasabi ko nun agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Yung kaba ko shit! Parang umakyat hanggang sa bunbunan ko.

Wala akong naramdamang kakaiba sa tabi ko. Dahil nakatalukbong ako ng kumot hindi ko nakikita ang mga galaw ni Drake.

Umalis kaya siya? Pero wala naman akong naramdamang tumayo o umalis kaya siguro hindi. Natatakot ako sa pinaggagagawa ko. Ilang segundo kong pinakiramdaman ang paligid ko. Pinapakiramdaman ko ang kilos ni Drake.

Parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko kanina. Parang gusto ko nalang siyang paalisin. Dahil parang di ako makakatulog ng mahimbing ngayon. Bakit ko ba kasi pinatulan yung suggestion ni Evie?

Nang wala akong naramdamang kakaiba at dahil na cu-curious ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang nakatalukbong na kumot sa mukha ko.

Pero parang wrong timing ata. Dahil ang nadatnan ko ay ang pag hubad ni Drake ng pang itaas na damit. Parang slow motion sa paningin ko ang ginagawa nito. Para akong nanonood ng Isang photoshoot ng isa sa mga sikat na men's magazine.

"B-bakit ka nag huhubad?" Kinakabahan kong tanong.

"Mainit!" Sagot nito habang nagpapaypay ng sarili gamit ang kamay.

Wala naman kasi akong aircon dito sa apartment ko. Di ko yun afford. May electric fan naman ako kahit papano.

"Mag damit ka. Di naman m-maiinit. Tapat mo nalang sayo yung electric fan para malamigan ka." Suggestion ko.

"Bakit ba? Nakita mo naman na akong nakahubad dati. Kaya ok lang to. Wag mong sabihing na-iilang ka?" Pag katapos nitong mag salita ay agad itong humiga sa kama. Ang mga braso nito ay ginawa nitong unan. Para itong nag s-sunbathing.

Kinakabahan ako. Halos hindi ko siya matignan ng maayos.

Di ba ginusto ko to? Bakit ako maduduwag? Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili at makapag isip ng maayos.

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon