Chapter 12- Beast Mode

184 9 1
                                    

"Wag kang mawawala sa graduation ko." May pagbabanta kong sabi kay Drake.

Kanina nang tumawag si papa. Hindi niya ako iniwan. Sinamahan niya ako hanggang sa makatulog ako. Kakagising ko lang ngayon. Nadatnan ko si Drake na nagluluto.

Hindi siya sumagot sa pagbabanta ko sa kanya kaya humaba ang nguso ko. "Drake! pag-ikaw talaga hindi pumunta ng graduation ko? Mag kalimutan na tayo." Ungot ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa ginagawa niyang pag hahalo ng niluluto niyang sinigang. Nangasim tuloy ako. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko.

"of course. Hindi---"

"Hep! anong hindi?" Pagalit kong ani.

"Patapusin mo nga muna ako. Of course. hindi ako mawawala. Graduation kaya yun ng baby ko." Sabay gulo niya sa buhok ko.

Bigla akong nangamatis sa kilig. Dahil sa sinabi niya. Kung minsan hindi ko talaga maiwasang bigyan ng pakahulugan ang mga ginagawa niya sa akin. Biglang bumalik sa ala-ala ko yung ginawa niyang pag halik. Nag dadalawang isip ako kung uungkatin ko ba yun. Hindi ko magawang ibuka ang labi ko at kausapin siya ng tungkol sa bagay na yun.

Ngunit bigla ding naglaho sa isip ko yun ng maalala ko nanaman si Thalia. ' sino ba talaga si Thalia sa buhay ni Drake? totoo kaya ang sinabi nitong fiancé ito ni Drake?

Akmang tatalikod na si Drake ng biglang kusang kumawala sa labi ko ang pangalang Thalia.

"Drake, may kilala ka bang Thalia?" Kapag kuwan ay tanong ko. Bigla siyang natigilan at napaharap muli sa akin.

'Bakit ganoon? Parang may kakaiba kay Drake? So totoo nga? fiancé siya yung Thalia na yun?

"Yeah, I know her. she's my secretary and a childhood friend of mine? Bakit mo natanong? Do you know her to?" balik tanong ni Drake sa akin.

"Oo ehh-- kasi last time I met her. papasok ako sa university noon tapos may humintong sasakyan sa tapat ko tapos yun. Yung Thalia yung sakay. Alam mo she said that she is your fiancé." Pagkasabi ko noon ay bumalik sa harapan ko si Drake. Naupo siya sa katapat kong bangko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesita.

"she's just only my friend back then when I was in states. don't believe her. she will never be my fiancé. ni hindi ko nga siya pinangarap na maging girlfriend." Pagpapaliwanag niya. Pero mas nag mukha siyang defensive.

Bakit ganun? Parang bigla akong nainis? He never told me that he has another girl friend. Nakakainis! Mas nakadagdag pa sa inis ko na secretary pa siya ni Drake. That means, palagi silang nagkikita sa office. I know she had feelings towards Drake. Kasi kung hindi bakit naman niya sasabihin na finance niya si Drake ng walang dahilan?

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. " Naisip ko na din yun ehh. na pwedeng nagsisinungaling lang siya. Kasi pano ka naman niya magiging fiance if you are...." Hindi ko na tinuloy. Alam ko naman na alam niya ang sasabihin ko. Dumilim ang mukha niya at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. Pero wala siyang sinabi.

"But in the first place. Alam mo ba? nainis ako sayo, di pala. nagalit ako sayo. kasi inisip ko na nagsisinungaling ka sa akin. na may tinatago ka sa akin. katulad nalang nung kay Thalia. You never tell me about her. " May pagtatampo kong turan. Kasi ako, wala akong nilihim sa kanya kahit na ano. Maliban nalang sa nararamdaman ko tuwing malapit siya sa akin. Katulad nalang ngayon.

"Kaya nga ako nun sumama kay Ken, kasi naiinis ako sayo that time. I thought you have a secret na hindi mo sinasabi sa akin. Di ba. We promised na walang secret?" Nakanguso kong turan. habang si Drake ay nakatingin lang sa akin at paminsan-minsang pinipisil ang aking kamay.

Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon