N/A; sorry for late UD. Hope you like it guys. Leave comments and vote. Thank you ☺️
.......
Nang makarating ako sa apartment ni Evie, agad akong kumatok. Nanlalabo ang aking mata dahil sa mga luha na kanina pa nag-uunahang tumulo.
"Sandali!" Sigaw ni Evie mula sa loob ng apartment.
"Sino---" hindi na nito natapos ang pagsasalita ng sugudin ko ito ng yakap.
Ramdam ko ang pagkabigla ni Evie dahil sa biglaan kong pag yakap dito. Ang higpit ng yakap ko dito habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mata.
"Shhhh! What happened?" Puno ng pag-aala ang boses nito. Hindi ko maibuka ang aking bibig para magpaliwanag. Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko.
S-sobrang sakit....
Yung sakit na Parang unti-unti akong pinapatay.
Sobrang sakit, dahil yung taong pinagkatiwala mong hindi ka sasaktan. Yun pa ang mas dudurog sayo. Yun pa ang sisira sa kaunting pag-asa na natitira sayo.
Evie guide me inside her apartment. Pinaupo niya ako sa sofa. Nakayakap pa din ako sa kanya.
Hinayaan niya akong umiyak habang hinahagod ang aking likod at pinapakalma ako.
Ilang minuto akong umiyak. Hanggang sa namalayan ko nalang na wala na akong mailuha. I was drain. Drain from everything. Tuyo na ang mata ko dahil kanina pa ako umiiyak. Pati ang isip ko pakiramdam ko tuyong-tuyo na din. Yung puso ko parang pagod na din. Pagod na sa lahat.
I let myself to fell in love. Kahit takot akong ibigay ang puso ko, pinagkatiwala ko pa rin sa kanya. Pero anong napala ko?
"What happened?" Kalaunan ay tanong ni Evie. Puno ng pag-aala ang mukha at tinig nito.
.....
"Gago yun ahh!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Evie matapos kong i-kwento ang mga nangyari.
"Pano yan?" Puno ng pakikisimpatya ang boses ni Evie.
"Pano ang baby niyo? Did you tell him about the baby?" Nag-aalala nitong tanong. Umiling ako.
"Anong balak mo?"
"I-i don't know. Basta ang gusto ko lang ngayon..., lumayo. Ayoko siyang makita Vie. Nakakasukang isipin yung nangyari sa aming dalawa kung totoong magkapatid nga kami." Nangingilid nanaman ang luha sa aking mata.
"But....., Are you sure that you two are siblings? Pwede namang hindi." Napatingin ako kay Evie dahil sa sinabi nito.
"Pero sinabi niyang mistress ni papa si mama. That means. Magkapatid kami." I frustratedly said.
"Yes! You have point. Pero hindi naman porket mistress ni tito Ronald si tita, ehh! Magkapatid na kayo." Naguguluhan ko itong tinignan.
"Pwedeng anak si Drake sa labas. Like sa mga nababasa kong pocket book and teleserye. Malay mo ganun kayo." Conclusion ni Evie. Hindi ko alam kung pinapagaan lang ba ni Evie ang pakiramdam ko, ohh ano. Ngunit, kahit anong explanation ang sabihin niya. Isa lang ang mahalaga sa akin.
He lied! Drake lied again!
"Sabihin na natin na kung totoo yang sinabi mo. The point is nagsinungaling siya. Sabi niya sa akin di niya ako sasaktan. Pero dahil dito sa ginawa niya...., Para niya akong unti-unting pinapatay sa sakit."
"Sige,sige. Tahan na." Pamlubag loob ni Evie. Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago ko ito binasag.
"Vie pwede bang dito muna ako sayo? Ayokong umuwi sa apartment. Alam kong nandoon si Drake ngayon."
BINABASA MO ANG
Bad Guy Series#1 Please Love Me Back (Completed)
Romance"Every man are capable of hurting us." - jhass "It is much better to avoid affection of love to not getting hurt." - jhass "If I need to pretend just to be with you, I will fuckingly glad to pretend." -Drake Pretending is the only way for him to ent...