11

43.9K 1.7K 619
                                        

11

CHRIS

"Heto na ang kape mo, damuho ka." ani August at pabagsak na inilapag ang isang mug ng umuusok na kape. Hindi siya nasasarapan sa itinitimpla nitong kape sa kanya. Nakita niya kasing itinatakal lamang nito iyon mula sa isang maliit na lalagyan at nilalagyan ng mainit na tubig. Pero dahil ito ang naghanda niyon, nagugustuhan niya na lamang.

"Are you mad, babe?" tanong niya rito.

"Oo. Ang dami kong pa-plantsahin dahil sa iyong, damuho ka." anito at nagtungo sa ironing board. Kinuha nito ang isa sa mga long sleeve niya at nagsimulang mamalantsa habang siya ay pinapanood ito.

August looks so sexy without even trying. Oversized shirt at maiksing short lamang ang suot nito pero nagwawala na ang kanyang pagkalalaki sa suot na boxers. He looks like a submissive housewife doing his chores. He  wish he could fuck him from behind while he iron his clothes.

Napamura siya sa naiisip. Inayos niya ang kanyang pagkalalaki at iniba ang iniisip. Ayaw niyang galitin si August ngayon at baka makurot at mahampas na naman siya nito. Maswerte siya dahil hindi ito nagalit nang sabihin dito na titira na siya kasama nito at ayaw niyang pilitin ang swerte niya.

Sumimsim siya sa kape. 

"You look hot, babe." hindi niya napigilang puri dito.

Inirapan siya nito. "Anong hot sa pamamalantsa? Damuho ka talaga. Ang sabihin mo, mukha na akong yaya."

"No, you look like a wife serving his husband." aniya.

Hindi na lamang siya nito pinansin. Mabilis itong kumilos at halatang sanay sa gawaing iyon dahil natapos na nito ang karamihan sa kanyang mga long sleeve. Isinunod nito ang kanyang mga slacks at blazer.

"Bumili ka na kaya ng kakainin natin mamayang gabi para pagkarating mo ay tapos na rin ako dito sa pamamalantsa." utos nito.

Inubos na niya ang itinimplang at tumayo. Nagsuot siya ng short at kinuha ang kanyang wallet at susi ng sasakyan. "What do you want to eat, babe?" tanong niya dito.

"Kahit ano. Hindi ako mapili sa ulam pero huwag mong kalimutan ang ipinabibili kong–"

"Pancake. Yeah, I got you." pagputol niya dito.

"Siguraduhin mo lang, damuho ka." banta nito.

Lumapit siya dito at humalik sa pisngi. "I will be going now, babe." paalam niya. Kinurot naman siya nito at sinamaan ng tingin.

"Alis na. May pa halik-halik ka pang nalalaman." reklamo nito na tinawanan niya lamang.

"Lock the door, babe." habilin pa niya bago lumabas ng kanilang kwarto at lumabas ng gate ng apartment at sumakay sa kanyang nakaparadang sasakyan.

Habang nasa daan ay tumawag na siya sa Steakhouse para maihanda na nang maaga ang kanyang order at dadaanan na lamang niya mamaya. Inuna na niyang bilhin ang pancake na hinihingi ni August. Pinaglilihian siguro nito ang pancake.

Halos isang oras rin siya bago nakabalik. Binilhan niya rin ng pancake mix si August sa isang mall para kapag naghanap ito ay madali itong makapagluluto.

"I'm home, babe." anunsiyo niya. Hawak niya sa kanyang mga braso ang mga pinamili na nakalagay sa mga brown bag. Dumiretso siya sa lamesa at inilapag doon ang mga pinamili. Tapos na ito sa pamamalantsa at maayos na naka sampay ang kanyang mga damit sa damitan nito. Nasa gilid lamang iyon kaya kita niya.

"Hubarin mo iyang sapatos mo. Madudumihan ang sahig natin." pagsaway nito sa kanya.

"Sorry, babe." aniya at mabilis na hinubad ang sapatos at inilagay iyon sa isang tabi. Nakaupo ito at mukhang nagpapahinga. Lumapit siya dito at hinila ang isang upuan palapit dito. "Let me give you a massage."

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon