17

25.9K 1.3K 307
                                    

17

CHRIS


"Chris… Chris… Hoy, damuho."

Nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa pagtawag na iyon mula kay August. Bahagya niyang iminulat ang kanyang mata at agad na bumungad ang maamo nitong mukha. Banayad lang ang ilaw dahil sa gasera pero nagliliwanag ang kanyang paningin kapag ito ang tinitingnan.

Napangiti siya. "What, babe? Do you want another round?" tanong niya dito. Tantiya niya ay parang dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nakailang rounds na naman sila ngayong gabi. Medyo pagod pa siya pero kaya naman niya kapag nag aya pa ito. Mabilis na nabuhay ang kanyang alaga sa ilalim ng manipis na kumot. Hubot hubad pa siya sa ilalim niyon.

Nanlaki ang mata nito at namula ang mukha.

"Ouch." daing niya nang kurutin nito.

"Hindi, damuho ka talaga."

Bahagya siyang bumangon. "Then what is it?" tanong niya dito.

"Ummm… gusto ko ng mangga."

Tuluyan siyang napabangon sa sinabi nito. Nawala na ang lahat ng antok na nadarama sa narinig. Kunot ang noo niya itong tiningnan. "What babe?" pagtatanong niya dito dahil naisip niya na baka nagkamali lamang siya ng dinig dito.

"Gusto ko ng mangga." pag uulit nito. Nag iwas pa ito ng tingin sa kanya na animo'y nahihiya sa nire-request nito.

"But it is already midnight, babe." hinaplos niya ang pisngi nito kaya napatingin itong muli sa kanya. "It's dark outside, it's quite hard to pick mangoes. Wait. Is it okay for you to eat mango at night?"

Napakagat labi ito. "Pero gusto ko talaga ng mangga, Chris." anito at parang maiiyak pa dahil nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata.

Napaungot na lamang siya. "Fine." Hindi niya matiis ang maamo nitong mukha.

Nagliwanag naman ang mukha nito at yumakap sa kanya. "The best ka talaga, damuho." anito at humalik sa kanyang pisngi na nagpangiti sa kanya.

"Let's have sex again." aniya bago gumanti ng halik sa labi nito.

"Mangga muna." nakangiti nitong usal.

Nang pakawalan siya nito mula sa pagkakayakap ay tumayo na siya at dinampot ang nagkalat niyang mga damit. Nang maisuot ang boxers at t-shirt ay tumungo na siya sa pinagsasabitan ng gasera. Lalabas na sana siya nang tumayo rin si August. Kinuha nito ang hoodie jacket niya at isinuot iyon. Malaki iyon para sa maliit nitong katawan na ikinatawa niya.

"Samahan na kita." presenta nito.

"Let's go." aniya.

Siya ang humawak ng gasera at naunang maglakad. Kumapit naman si August sa kanyang braso at sumunod. Halos mapamura siya sa dilim. Hindi sapat ang liwanag mula sa buwan.

"Can you hold this for me, babe?" aniya at inabot ang gasera nang marating nila ang malaking puno ng mangga. Hindi naman ganoon ang layo nito sa bahay nila August kaya nakarating kaagad sila.

Tumango ito at hinawakan ang gasera.

Kinuha niya ang panungkit na gawa sa mahabang bamboo stick at pilit na inaninag kung saan banda sa puno ang may mga bunga.

"Damn, it is so hard to see." reklamo niya at nang may maramdaman na bunga mula sa bamboo stick na hawak ay hinampas niya iyon. Naglaglagan ang mga bunga at natamaan pa siya sa ulo. "Ouch."

"Ayos ka lang, Chris?" tanong nito at lumapit sa kanya.

"I'm fine, babe. Let's get these mangoes and head inside." aniya at dinampot ang mga nahulog na mangga. Lima rin ang kanyang nakuha bago sila bumalik sa loob ng bahay.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon