16

29.9K 1.4K 339
                                    

16

AUGUST

Gusto niyang maiyak sa hiya. Kasalukuyan silang kumakain ngayon ng hapunan at hindi talaga siya makatingin ng diretso sa kanyang inay. Hindi niya mawari ang dapat gawin. Nahuli siya sa akto ng kanyang kinikilalang inay na pinapaligaya ang damuho gamit ang kanyang bibig.

Ang damuho naman sa kanyang tabi ay parang hindi apektado. Tuwang-tuwa pa rin itong nakikipag usap sa kanyang inay at itay habang siya sa tabi ay halok nahihirapan nang lumunok ng pagkain sa kakaisip sa nakakahiyang tagpo kanina.

"Hindi ka ata ganadong kumain, Gusta?" utag ng kanyang inay. Nginitian siya nito. Isang makahulugang ngiti.

"Baka busog na si Gusta, labs." pag singit ng kanyang itay. Mabilis siyang pinamulahan ng mukha. Wala na talaga siyang mukhang maiharap sa mga ito.

Tumawa naman ang damuho sa kanyang tabi. "Opo, inay and itay. Busog po is August because of me." anito at pasimple niya itong kinurot sa gilid. Napadaing naman ito.

Tumawa ang dalawang matanda. "Naku, manugang na siguro ang dapat naming itawag sa iyo, Chris." ani ng kanyang inay na pabor na pabor sa damuho.

"What's manugang?" tanong ng damuho. "Is that son-in-law? Yeah. I'm your manugang now. Damuhong manugang."

Napakunot ang noo ng kanyang inay. "Bakit naman may damuho pa? Manugang lang."

"Oo nga. Inom tayo mamaya, manugang." anyaya ng kanyang itay.

Umiling naman ang damuho bago siya nilingon. "No. I won't be drinking po tonight, itay or else, lagot po ako to August." anito.

Tumawa na naman ang dalawang matanda sa pagsusumbong ng hilaw na bisita nila. "Naku mukhang ander de saya ka pa ata ni Gusta ah." natatawang usal ng kanyang itay.

"No po. I'm the man in our relationship." buong kompyansa nitong usal.

"Under ka pa rin." pang aasar pa ng kanyang itay sa damuho na tumawa lang. Kahit siya ay palihim na lamang ring natawa.

Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Naisip niyang mukhang wala lang rin naman iyon sa kanyang inay at itay, parang pabor pa nga ang mga ito na may nangyayari sa kanilang pagitan ni Chris.

"Are you under too, itay?" tanong nito sa kanyang itay.

"Oo," tugon ng kanyang itay at muli silang nagtawanan. "Pero mas malala ka. Hindi pa kayo mag asawa ni Gusta eh takot ka nang uminom dahil sa banta nito."

Napaungot ang damuho na ikinatawa nila.

Nang matapos silang maghapunan ay siya na lamang ang nagpresentang maghugas ng kanilang pinagkainan. Nauna nang umakyat ang kanyang mga magulang sa kwarto ng mga ito habang sila naman ni Chris ay naiwan sa hapag.

Inililigpit niya ang mga plato at kutsara habang ito naman ay umiinom sa bote ng distilled water. "Babe, are we going to continue what we are doing earlier?"

Napataas ang kanyang kilay. "Tulungan mo muna ako dito. Kakatapos lamang natin kumain at iyon kaagad ang nasa isip mong damuho ka."

Ibinaba nito ang bote at kinuha ang mga plato na ipinagpatong-patong niya at dinala sa kanilang lababo. "So, it means yes?" muli nitong usal sa kanyang tabi.

"Kuhain mo ang basahan. Basain mo muna at pigain bago ibigay sa akin." utos niya muli dito. Mabilis naman itong tumalima sa kanyang utos at iniabot sa kanya ang basang basahan.

"Babe, is it a yes? I need your answer." pangungulit nito.

Pinunasan niya ang kahoy na lamesa at inipon sa palad ang mga nalaglag na butil ng kanin at tinik ng isda. Inilagay niya iyon sa basurahan bago hinarap ang mga nakatambak na hugasin.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon