13
AUGUST
"Sino iyang kasama mo, anak?" tanong sa kanya ng kanyang inay nang pagbuksan sila nito ng gate nila na gawa sa kawayan.
Panandalian siyang natigilan. Hindi niya iyon napaghandaan. Hindi pa siya handa na ipaalam sa mga ito ang pagbubuntis niya. Ayaw niyang mag alala ang mga ito sa kanya lalo na ang kanyang itay na may alta presyon.
"Ummm…"
"I am courting your son po, eh-nay." pagsingit ng damuho na ikinabigla niya. Namula ang mukha niya sa inusal nitong nililigawan daw siya. "Should I do the 'mano', babe?" tanong nito sa kanya.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ah inay, si Chris nga ho pala. Kaibigan ko. Siya ang tumulong sa akin kaya nakauwi kaagad ako."
"No po," pagsingit muli ng damuho. Gusto na niya itong kurutin dahil doon. "I am courting your son to be my boyfriend. How do I say this. Ah. Ligaw ko po is August." anito at parang nagbuhol pa ang dila sa pagtatagalog.
Naguluhan naman ang kanyang inay. "Nililigawan mo ang anak ko na si Gusta?" paglilinaw nito.
Umiling ang damuho. "No po, it's August." anito at sinubukan pang itinama ang kanyang inay.
"Nickname ko iyon, Chris." aniya bago muling bumaling sa kanyang inay. "Pagod lang talaga sa biyahe si Chris, inay kaya naman kung ano ang pinagsasabi. Hindi rin po siya marunong magsalita ng tagalog pero nakakaintindi naman po."
Tumango naman ang kanyang inay. "Ah. Ang gwapong lalaki naman ng kaibigan mo, anak. Sige na, pasok kayo. Nasa loob ang iyong itay." anito at nilakihan ang pagkakabukas ng kawayang gate.
"Mauna na kayo, inay. Kukunin po muna namin ang aming mga dala." aniya at hinawakan sa braso ang damuho patungo sa nakaparada nitong sasakyan.
"Bilisan niyo, mga anak." anito bago pumasok sa kanilang munting bahay.
Nang marating nila ang likod ng sasakyan nito ay binuksan iyon ni Chris. "Babe, why are you not telling them that I got you pregnant?" tanong nito.
"Gusto mo bang atakihin sa puso ang inay at itay ko?" tanong niya dito. Tinulungan niya itong ilabas ang ilang plastic bag ng grocery. "Ayaw kong mag alala sila. Hindi rin ako handa na malaman nila ang pagbubuntis ko."
"But, soon. You can no longer hide that from them." anito.
"Bakit, alam na rin ba ng mga magulang mo na nabuntis mo ako?" balik niyang tanong dito. Saglit itong natigilan bago umiling. "Parehas lamang tayo. Siguro panatilihin muna natin itong sikreto. Parehas tayong hindi handa sa biyayang ito kaya habang wala pa tayong lakas ng loob na ipaalam ito sa ating mga pamilya, itago na lamang muna natin."
Tumango ito. "I agree with you, babe."
"Mabuti naman. Atsaka ano iyong sinabi mong manliligaw kita?" tanong niya dito bago ito kinurot sa braso.
Napangiti naman ang damuho. Nailabas na nila ang lahat ng pinamili mula sa likod ng sasakyan nito. "I am courting you."
Napakunot ang noo niya. "Para sa kaalaman mo. Walang manliligaw na nabuntis at nakitira na sa nililigawan nito. Damuho ka talaga."
"Well, I court differently." anito at kinindatan siya. "Plus, I didn't know I would be getting you pregnant, babe."
"Pero andito na tayo." aniya. "Umayos ka na lang sa harap nila inay at itay. Hindi sila nakaiintindi ng Ingles ng klaro kaya mas mabuting huwag kang singit ng singit."
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]
RomanceONE NIGHT STAND [MPREG] Nagising na lamang isang araw si Chris na may kumakatok sa kanyang private office. Masakit pa ang kanyang ulo mula sa magdamag na party at maging ang ulo ng alaga nya ay masakit rin sa walang tigil na pakikipagtalik. Pag buka...
![ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/267560964-64-k182359.jpg)