37
August
"What are you doing here?" mabilis niyang hinarang si Chris bago pa ito makalapit sa ama nito. Malamig ang boses nito pero nagbabaga sa galit ang mga mata. "Let me go, babe." mahina nitong usal, bahagyang lumambot ang tingin nito nang mabaling sa kanya.
"Umupo ka muna, hon. Kadarating lang ng papa mo." pagpapakalma niya sa kanyang damuho kahit na medyo kinakabahan rin siya na makita itong galit.
"Listen to August, sit down, and let's talk." kalmadong usal ng ama ni Chris na mas lalong bumwiset sa kanyang damuho.
"Don't tell me what to do." madiin nitong usal at itinuro pa ang ama nito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa damit nito para hindi nito sugurin ang ama. "Not after what happened last night, not after you put my babe and unborn child in danger!"
"Sit down, Chris. I will explain my side." kalmado pa rin ang boses na usal ni Christopher, sanay na siguro ito sa tantrums ng anak nito kaya parang wala lamang rito ang nagpipigil ng galit na si Chris.
"Kumalma ka muna, hon. Pakinggan muna natin ang papa mo bago ka mag react. Okay?" muli niyang pagpapakalma rito. Nakiusap siya rito sa pamamagitan ng kanyang mata. Ilang sandali itong napatitig sa kanya bago tumikhim at tumango. "Maupo ka muna."
Sumunod naman ito sa kanyang utos at tumabi siya rito ng upo. Sa kanilang harap ay si Christopher at may lamesa sa kanilang pagitan. Pansin niya ang mahinang pagtawa ng ama nito habang pinapanood silang dalawa.
"It is a sight for sore eye seeing August knock some sense into your head, my son." natatawa at aliw nitong usal.
"You didn't come here to watch us." pagputol ni Chris sa ama nito. "Explain yourself, why are your men following us in the road and at night?"
Tumikhim muna si Christopher bago nagsalita. "To clarify everything, yes, those are my men that followed you last night. I hired them-"
"Fucke-"
Mabilis niyang pinigil ang kanyang damuho na dambahin ang ama nito. "Hon!"
"But it was not to put you and your family in danger. I hired them to watch the two of you, three, including my grandson. Your mom is on the move and this is my only way of keeping you safe." mabilis na paliwanag ng ama ni Chris. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil sa paliwanag nito at maging ang kanyang damuho ay natigilan. "Last night was a big mistake on the part of the security team I hired, but can you see, they never engaged in an exchange of fire with your own team."
"You could have given me a head's up."
"That's a big lapse on my judgment. I'm sorry, my son, and I also owe an apology to you, August. My intention is clean. I just want you to be safe but Chris is correct. I should have told the two of you." sinserong usal ng ama ni Chris. Lumuwag ang kanyang pagkakakapit sa braso ni Chris, nagiging emosyonal na naman siya. Mabilis na nangilid ang kanyang luha sa mata. Sobrang kaginhawaan ang kanyang naramdaman sa paliwanag na iyon ng ama ni Chris. "I will stop the security I hired as I believe, you already hired a team of your own. Right?"
Tumugon ang kanyang damuho sa pamamagitan nang pag tango.
"Hell hath no fury like a woman scorned. She knew I never loved her and her being removed from our company is another knife onto her back. Your mom is a cunning and evil woman, Chris. She keeps tabs on who she thinks did her wrong. I have been blindsided for a long time. I let her destroy my life and I will be in hell if I let her do it again this time on both of you."
"I will do everything to keep my family safe." seryosong usal ng kanyang damuho at maingat pa nitong hinimas ang kanyang malaking tiyan. Nakita niya ang pagdapo ng mata ng ama ni Chris sa kanyang tiyan at napangiti ito, pero bukod sa saya, nakita niyang may rumehistrong sakit sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]
Lãng mạnONE NIGHT STAND [MPREG] Nagising na lamang isang araw si Chris na may kumakatok sa kanyang private office. Masakit pa ang kanyang ulo mula sa magdamag na party at maging ang ulo ng alaga nya ay masakit rin sa walang tigil na pakikipagtalik. Pag buka...