Special Chapter 1: The Four Year Leap
AUGUST
"Mommy, me too." ani ng dalawang taong gulang na si Aurius, o si Waffle kapag nasa bahay lamang nila ito. Hawak nito ang isang light blue na polo shirt at ang kakulay ring short na may larawan ni Stitch.
"Wait lang, baby ah. Si kuya Pancake muna." aniya at mabilis na itinali ang sintas ng sapatos ng apat na taong gulang na anak na si Crius o si Pancake. Nginitian niya ang panganay matapos maayos sintas ng sapatos nito bago hinarap ang ikalawang anak at dinamitan ito at sinuotan rin ng sapatos. "Ang gwapo na ng dalawang mga baby ko." nakangiti niyang usal at binigyan ng tig-iisang halik sa noo ang dalawa.
Hindi niya maiwasang mapangiti. Kuhang-kuha ni Pancake at Waffle ang hitsura ng kanyang mister na si Chris. Mula sa maputing balat ng mga ito, matangkad na pigura, matangos na mga ilong, naghahalong itim at kulay gintong mga buhok, at syempre ang kulay asul na mga mata. Hindi lang rin pisikal na katangian ng kanyang mister ang ipinamana nito, maging ang kakulitan nito ay naipasa rin sa kanilang mga bulilit.
"I smell good na, mommy." anas ni Waffle.
"Yes, mabango ka na kaya huwag na kayo mag kulit ng kuya Pancake mo ah para hindi na kayo pagpawisan. Aalis na tayo mamaya ng papa nyo." paalala niya sa dalawa. Tumango ang mga ito at tumatakbong lumabas ng kwarto ng mga ito patungo sa sala. Napailing na lamang siya at napangiti, kakahabilin niya pa lamang sa dalawa.
Iniligpit niya muna ang higaan ng mga ito at inilagay sa mga basket ang mga nagkalat na mga laruan bago siya lumabas at tumungo sa kwarto nila ng kanyang mister. Naabutan niyang karga ni Chris ang kanilang ikatlong anak na si Gustavius o Cheesecake. 8 month old na ang baby boy nilang iyon at sa tatlo nilang anak, ito lang ang may namana sa kanya at ang itim na buhok niya lamang iyon. Hindi na nga siya umaasa na magkakaroon sila ng anak na babae o kahit na lalaki na magmamana sa kanya. Sobrang lakas kasi ng genes ng kanyang mister.
"Hey, babe." nakangiti nitong usal habang hawak sa kabilang kamay ang maliit na bote ng gatas na dinedede ng kanilang baby.
"Nagising si Cheesecake, hon?" tanong niya bago nilapitan ang mag ama.
"Yes, babe. But don't worry, I got your back. I made him a bottle of formula and feed our baby." proud nitong usal at hinalikan siya sa noo. Hindi niya naiwasang kiligin. Dama niya ang pag iinit ng kanyang pisngi sa ginawa nito pero ngayon, hindi na niya iyon ikinukubli. Tiningala niya ito kaya naman ang kanyang labi naman ang hinalikan nito. "Advance happy anniversary, babe."
"Sa iyo rin, hon." ganti niya. "Akin na muna si Cheesecake, hon at para makaligo ka na at susunod ako. Nagkukulit na naman si Pancake at Waffle sa sala."
"Why don't we take a shower together, babe? Let me give you my advance anniversary gift." nakangiti nitong usal at kinindatan pa siya.
"Tumigil ka, damuho." pagsaway niya rito at hindi na itinago kung papaano namula ang kanyang mukha. "Advance anniversary gift eh gabi-gabi na nga natin iyong ginagawa." natatawa niyang pahabol bago kinuha sa bisig ng kanyang mister ang kanilang baby.
"But this is special because we will do it in the shower." natatawa na rin nitong usal. Tuwang-tuwa sa kalibugang naiisip. "Just kidding, babe. I love you. I'll shower now and if you change your mind. You know where to find me." pahabol nito at kumindat pa bago pumasok sa kanilang paliguan.
Napailing na lamang siya pero hindi mawala sa kanyang labi ang ngiti. Ni sa hinagap ay hindi niya inaakalang magkakaroon siya ng ganito kalaki at kasayang pamilya kasama ang isang gwapo at napakamapagmahal na damuho na kanyang nakilala. Oo, napapagod siya kung minsan lalo na at tatlong makukulit na mga bulilit ang kanilang pinapalaki at inaalagaan ni Chris pero nawawala ang lahat nang iyon kapag nakikita niya ang produkto ng kanilang pagmamahalan at iyon ang pamilya nilang mas nagiging masaya, magulo at maingay sa bawat araw na dumaraan.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]
RomantizmONE NIGHT STAND [MPREG] Nagising na lamang isang araw si Chris na may kumakatok sa kanyang private office. Masakit pa ang kanyang ulo mula sa magdamag na party at maging ang ulo ng alaga nya ay masakit rin sa walang tigil na pakikipagtalik. Pag buka...
![ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/267560964-64-k182359.jpg)