26
AUGUST
"Let's talk about you and my son, August. And the little secret you two have." Makahulugan nitong ani na saglit na nagpahigit sa kanyang paghinga. Napalunok siya at nanginginig ang kamay napahawak sa kanyang milkshake. Nanlamig siya at naramdaman ang pamamawis sa noo at palad.
"Ano po?" nauutal pa niyang tanong dito habang ang dibdib ay punong-puno ng hindi maipaliwanag na kaba.
"That you two are living under the same roof now." anito na nagpahinga sa kanya ng maluwag. Akala niya ay may alam na ito sa kanyang pagbubuntis. "I am so happy to see my son starting to settle now. I always ask him before to stop fucking around women and find someone to marry and start a life with."
Napangiti siya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin sa ama ng damuho. Pero kung may isa man siyang maikokomento patungkol sa ama nito ay iyon ang mapang imbita nitong presensya. Mukha itong masayahin noong kabataan nito at pruweba roon ang mga linya sa gilid ng mata nito at labi.
"I can't believe it will only take a small man like you to put him in his place." anito at tumawa pa. Maging siya ay hindi na rin naiwasang makisabay rito. Hindi niya rin naman inaakala na mapapaamo niya ang damuho. Asar na asar siya kay Chris noon, maging ngayon rin naman ang ipinagkaiba lang ay mahal na niya ang damuho. "I am happy that you know how to stand up to that bastard."
"Ay opo. Hindi ko po kukunsintihin ang mga paandar ng damuho." hindi na niya naiwasang pagtugon. Hindi niya maipaliwanag pero parang nakikita niya si Chris sa ama nito. Mukha itong maloko at kwela ring tao kagaya ng kanyang damuho.
"It's a good thing that you don't buy his shit."
Sumipsip siya sa kanyang milkshake. "Hindi po ba kayo o-order?" tanong niya dito. Napansin niya kasing wala itong iniinom o di kaya naman ay kinakain.
"I am full." anito at umiling. Do you love my son, August?" diretsa nitong tanong sa kanya.
Muntik na niyang maibuga ang iniinom. Namumula ang mukha niyang napatingin sa tatay ni Chris. Nakangiti ito sa kanya hanbang hinihintay ang kanyang sagot. Pakiramdam niya ay para siyang nasa hot seat.
"Opo." tipid niyang tugon. "Mahal ko po ang damuho niyong anak." pagbibiro niya.
Mas lumapad ang ngiti nito. "I am glad to hear that because I know my son loves you too. When are you planning to tie the knot? I can wait to be your father-in-law."
Nasamid siya at mabilis na kinuha ang milkshake at uminom doon. Nag hintay muna siya ng ilang sandali bago tumikhim. "Wala pa ho kaming plano, mayroon pa po kasi kaming inuunang mga bagay." kagaya na lamang po ng pagbubuntis ko. Surprise! Magiging lolo ka na po. Anas niya pero isinaisip na lamang niya ang mga sumunod na linya.
"Oh, I see..." anito at napataas ang kilay. "My son still haven't proposed at you?"
Napakagat siya ng labi. Maraming beses na siyang inaya ng damuho pero tinanggihan niya ang lahat ng iyon dahil sa biglaang desisyon lamang iyon. "Hindi pa po."
"That bastard!" usal nito. "Don't worry I will talk to him to marry you already even if it requires me holding a shotgun to his head, I will do."
Natawa siya. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ang ama ng damuho o hindi. Sobrang gaan ng pakiramdam niya habang kausap ito. Sigurado siyang ito ang tipo ng byenan na lalaki na kanyang makakasundo.
"Huwag na po. Ako na lang po hahawak ng shotgun."
Ito naman ang napatawa ng malakas. "Much better. I can see it. You will be a great husband or wife to him. I don't know what you prefer."
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]
RomanceONE NIGHT STAND [MPREG] Nagising na lamang isang araw si Chris na may kumakatok sa kanyang private office. Masakit pa ang kanyang ulo mula sa magdamag na party at maging ang ulo ng alaga nya ay masakit rin sa walang tigil na pakikipagtalik. Pag buka...