15

30.9K 1.5K 766
                                    

15

AUGUST

KINABUKASAN...

Siya naman ang naunang gumising. Nakayakap sa kanya ang damuho habang siya naman ay komportableng nakadikit sa katawan nito. Kapwa sila hubad dahil may nangyari na naman sa kanila kagabi. Nalasing kasi ito ng kanyang itay at ang damuho naman ay parang hindi marunong tumanggi. Nang simulan siya nitong halikan sa batok kagabi, wala na siyang nagawa kung hindi magpatianod sa mga halik at haplos nito.

Hindi na siya magpapanggap na hindi niya iyon nagustuhan. Sobrang napapaligaya siya nito. Bawat galaw nito ay kakaibang init ang hatid. Ang pinoproblema niya na lamang ay baka narinig sila ng kanyang inay at itay. Maingay pa naman sila kapag nagtatalik.

Napailing na lamang siya.

Bumangon na siya at kinuha ang hinubad na mga damit at isinuot iyon. Tinanggal na rin niya ang kulambo at inayos ang kumot ng damuho na mahimbing ang tulog. Panakaw siyang humalik sa pisngi ni Chris. Nagagwapuhan talaga siya dito nitong mga nakalipas na araw. Parang gusto niya na laging nakikita ang mukha nito kahit na kung minsan ay naiinis siya sa mga hirit nito.

Bumaba na siya sa kanilang hapag kung saan naabutan niya ang kanyang inay at inay na nagkakape. Hindi makatingin ng diretso ang mga ito sa kanya. Mariin siyang napapikit at napailing sa kanyang isip. Pinamulahan siya ng mukha sa sobrang hiya. Alam na niya ang rason at gusto na lamang niya na lamunin siya ng lupa. Naiinis tuloy siya sa damuho.

"Magandang umaga, inay at itay." bati niya na lamang sa dalawa. Hindi rin siya makatingin ng maayos sa dalawa. Kahit sino naman siguro na nasa katayuan niya ay iyon ang mararamdaman.

"May mainit pa diyang tubig, anak. Baka gusto mong magkape." usal ng kanyang inay.

Umiling siya. Umiiwas na siya sa kape lalo na at nagbubuntis siya. "Si Chris na lang ho ang ipagtitimpla ko ng kape, inay." aniya at para mahimasmasan rin ang damuho.

Kumuha na siya ng barakong kape at kaunting asukal. Sarap na sarap damuho sa kape sa kanilang lugar dahil gawa talaga iyon sa purong kape. Muli niyang isinalang ang takure at hinintay iyong kumulo. Saktong naitimpla niya ang kape nang bumaba si Chris.

Lihim siyang nagpapasalamat at nagsuot ito ng t-shirt at shorts. Medyo hubadero rin kasi ito kung minsan lalo na sa kanilang kwarto. "Good morning, babe." bati nito sa kanya bago humarap sa kanyang inay at itay. "Good morning, itay and inay."

"Magandang umaga rin, Chris. Inom ulit tayo mamayang gabi." bungad kaagad ng kanyang itay dito.

Napangiti naman ang damuho. "Sure itay. I slept well last night. August took really good care of me." natutuwa na usal ng damuho. Alam niya ang ibig sabihin ng damuho at gusto niya talaga itong kurutin ngayon

"Rinig nga namin- este, mukha nga." ani ng kanyang itay na nagpalaki ng kanyang mata at nagpapula sa kanyang pisngi.

"Hindi na iinom iyang si Chris mamayang gabi, itay." pagsingit niya. Nakuha kasi talaga ng damuho ang kiliti ng kanyang inay at itay. Tuwang tuwa ang mga ito sa hilaw na bisita lalo na kapag kinakausap nila ito. Hindi niya alam kung dahil ba sa iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama siya ng lalaki sa pagbisita sa mga ito o talagang makarisma lang ang damuho. Binalingan niya si Chris. "Maupo ka na at magkape. Tutulungan mo pa akong maglaba mamaya."

"But I don't know how, babe." anito at naupo na rin at sumabay sa kanyang mga magulang na magkape. Abala ang kanyang inay sa paghihiwa ng mga gulay nitong lulutuin.

"Ipagbobomba mo lang naman ako ng poso at tutulungang magsampay." aniya. Kumuha rin siya ng isang supot ng tinapay at ibinigay kay Chris. "Ito lang muna ang almusal mo."

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon