23

28.3K 1.5K 228
                                        

23

CHRIS

KINABUKASAN

"Mag iingat ka sa pagmamaneho ah." bilin sa kanya ni August habang inaayos nito ang kanyang kurbata. Nakangiti lamang siya sa harap nito at hinihintay na matapos ito sa ginagawa. Misis na misis na talaga ang dating nito. Ito ang gumising sa kanya kanina, naghanda ng kanilang almusal, pumili ng kanyang damit at may inihanda rin itong pabaon sa kanya. Apelyido na lamang niya sa pangalan nito ang kulang at legal na sila. "Umuwi ka mamaya ng alas kwatro ah. Pag lumagpas ka nang ala-singko sa sala ka matutulog."

"Yes, babe." natatawa niyang pag sang ayon. Inayos muna nito ang kanyang kwelyo at itinuwid ang tela sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng paglapat nito ng palad. Hindi nakalagpas sa kanya ang pamumula ng mukha nito habang dinadama ang kanyang dibdib. His babe looks adorable. Last night, August cheered him up and boy, he cheered him up real good. Pansin siguro nito ang kanyang disgusto sa ginawa ng kanyang ina. All his credit lines were frozen.

Inismidan siya nito. "Sigurado ako sa banta ko, damuho ka." anito at kinuha ang palad sa kanyang dibdib. Umatras rin ito at pinagmasdan siya. Napangiti siya nang mapangiti ito.

"Do I look like a handsome husband and a daddy already?" tanong niya dito.

"Hindi." pagsisinungaling nito.

Napatawa na lamang siya at hinalikan ito sa noo. Saglit niya rin itong niyakap at sinamyo ang mabango nitong buhok. He found it so calming. If there's a word to describe August's smell it would be "home." He found a home to him. Someone he can run into whenever he is feeling down. August really turned his world upside down for the better and he was glad about it.

"I'll be going now, babe. See you later." paalam niya at kinuha ang briefcase at ang pabaon nitong pananghalian sa kanya. Muli niya itong hinalikan sa labi. "I love you."

"I love you rin, Damuho ko." namumula ang pisngi nitong tugon.

Habang lulan ng elevator pababa ng condominium building, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Marion. Ilang saglit na tanging pag-ring lamang mula sa kabilang linya ang kanyang narinig bago nito sagutin ang tawag.

"Handle all our business meetings. I can't report for my duty today." bungad niya dito.

"Again? You were already absent yesterday, fucker!" bulalas nito. Naiintindihan niya ang inis nito para sa kanya pero may kailangan lamang talaga siyang gawin ngayong araw at hindi niya iyon kayang ipagpaliban pa sa mga susunod na araw.

"Yeah, I'll be attending some personal matters between me and my mom. If everything doesn't go according to my plan, I am entrusting you with the company. I don't have any trust on those sharks around us. I am asking you this as a friend, Marion. Do you understand me?" sinsero niyang tanong dito.

Rinig niya ang malalim nitong paghinga. Sigurado siyang napatango ito. Tumikhim muna ito bago sumagot. "Naiintindihan ko. I will always have your back, bro."

"Thanks, bro. I'll call you again later." iyon lamang at pinutol na niya ang tawag. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa at tahimik na hinintay na makarating ang elevator sa level ng parking lot bago lumabas at tumungo sa kanyang sasakyan. Pagkapasok doon ay mabilis niya iyong pinaandar at nagmaneho patungo sa tinitirhan ng kanyang mga magulang.

Wala talaga siyang planong pumasok ngayong araw dahil balak niyang komprontahin ang kanyang ina sa ginagawa nitong pansisikil. Itinago niya iyon kay August dahil ayaw niyang pigilan siya nito. He saw how hurt August was yesterday when he found out that his credit line was frozen by his mom. Alam niyang sinisisi nito ang sarili sa pangyayari. Marahil ay iniisip nito na ginagawa iyon ng kanyang ina dahil hindi ito boto para sa kanya.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon