18

26.5K 1.3K 289
                                    

18

AUGUST

"I love you, babe."

Tigagal siyang napatitig sa gwapong mukha ni Chris nang marinig ang inusal nito. Nablangko ang kanyang isip at halos wala na siyang marinig kung hindi ang malakas na pag pintig ng kanyang dibdib. Malakas iyong tinatambol sa malakas na emosyong nadarama. Paulit ulit rin na umaalingawngaw ang mga salita nito.

Hindi niya mawari kung dala ba iyon ng kalasingan at naisambit iyon sa kanya ng damuho o talagang iyon ang nadarama nito para sa kanya. Hindi pa siya nakakabalik mula sa pagkabigla nang muli nitong hinagkan ang kanyang mga labi.

"I'm in love with you." pag uulit nito.

Napalunok na lamang siya at naluluhang napatingin sa gwapo nitong mukha. Hindi lamang ang kanyang labi na hinalikan nito ang nag iinit. Maging ang kanyang dibdib ay nakararamdam ng init sa mga salita nito.

"I don't know what you did, babe. I just found myself loving every damn minute I spent with you. You're always running in my mind that a single day will not be complete without me thinking about you ever since the night we shared." pag amin nito sa kanya. Amoy niya ang alak sa mainit nitong hininga. Nalalasing siya sa amoy at maging sa mga inuusal nito.

"I'm convinced that I love you, babe. This strong attraction that I have towards you ain't no damn lust or just a mere sexual desire! I love you. I fucking love you, August, my babe."

Sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili at naluha sa sobra-sobrang saya na nadarama. Para siyang nasa ulap. Hinawakan niya ito sa batok at hinila ito paibaba sa kanya upang siya naman ang humalik sa labi nito.

"Damuho ko–" naputol ang kanyang sasabihin nang halikan siya nito sa labi.

"I'm so happy that I got you pregnant, babe. I already have our little pancake to use against you if you don't love me back." natatawa nitong usal.

Natawa na rin siya pero kinurot niya ito sa tagiliran. Hindi siya makapaniwalang gagamitin pa nito laban sa kanya ang kanilang magiging anak. Masaya siya at hindi na nila kailangang humantong pa sa ganoong punto. Mahal niya rin naman ang damuho. Nahulog na siya sa kakulitan nito, sa mga hirit nito na kung minsan ay nagpapakulo ng kanyang dugo, sa mga mabubulaklak nitong pambobola, sa mga halik nito, sa mga maiinit na yakap. Mahal na niya ito kahit hindi siya umamin.

"Damuho ka talaga. Huwag mong idadamay dito ang magiging baby natin." natatawa niyang usal. "Atsaka bakit pancake?"

"Because you love pancakes and it reminds me of you. Sweet, warm and fluffy. The three things that I love about you." anito.

"Bolero!" aniya at kinurot itong muli. Pulang-pula na ang kanyang pisngi sa mga salita nito.

"I love you."

"I love you, too." ganti niya.

Ito naman ang nagulat. Nanlaki ang mata nito bago napangiti. "Really, babe?" hindi nito makapaniwalang tanong sa kanya.

Napataas ang kanyang kilay. Ano ba ang tingin nito sa kanya? Na hindi siya mahuhulog dito? Hindi siya bulag at mas lalong hindi siya manhid para hindi mahalin ang damuhong kagaya nito.

"Oo, mahal rin kita." aniya at hindi na siya muling nakasalita nang halikan na naman siya nito sa labi.

"Let's have sex to celebr–" mabilis itong umalis sa kanyang ibabaw at nagmamadaling tumungo sa bintana. Itinulak nito iyon at sumuka.

Napailing na lamang siya sa damuho. Ang ayos na ng kanilang eksena pero sumingit pa talaga ang epekto ng pagiging lasinggero nito. Naisip niyang kailangan na talaga niya itong pagbawalan sa pag inom ng alak.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon