8

48.7K 1.9K 615
                                        

8

CHRIS

"Don't wait for me to intervene in whatever reason why you are neglecting your duties and responsibilities in our company, my son." banta ng kanyang ina sa tawag.

"I know," tipid niya na lamang na sagot.

"It seems you do not know. I am glad that the company is doing great, but overconfidence precedes carelessness, my son." anito sa walang emosyong boses.

Hindi na siya umimik. Saglit ngunit nakabibingi ang katahimikang namagitan sa kanila ng kanyang ina.

Ito ang bumasag sa katahimikan. "I will leave you now to whatever you are doing. Goodbye, my son."

Mariin siyang napapikit at naikuyom ang kamao na hawak ang kanyang cellphone. Normal na sa kanya ang ganoong usapan kasama ang kanyang ina. When your parents are more concerned in their business, they tend to become cold to their own child.

Alam niyang isa sa mga board members ng kanilang kompanya ang nagsumbong sa kanya. Nasa kanyang mga magulang pa rin ang loyalty ng mga ito. Malayong ang kanyang kaibigang si Marion ang magsumbong sa kanya. Kung may pinagkakatiwalaan man siya sa kompanya, iyon ay ang kanyang kaibigan.

Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso. Napamura pa siya nang maubos na ang laman niyon at halos kalahati lang ng kanyang baso ang napupuno niyon. Tinungga niya ang alak na nag iwan ng mapait na lasa sa kanyang dila at humiwa ng init sa kanyang lalamunan.

Itinabi niya ang walang lamang bote sa dalawa pa. Kanina pa siya umiinom dahil sa walang tigil na pagtawag sa kanya ng kanyang ama at ina. Saglit siyang mariin na pumikit bago nagtungo sa kanyang higaan at nahiga. Hindi pa siya nakapagbihis ng damit. Dahil pagkarating niya sa kanyang penthouse unit ay sa kanyang mini bar kaagad siya dumiretso upang lunurin ang sarili sa alak.

Nasira ang kanyang araw dahil sa sermon ng kanyang ama at pagbabanta ng kanyang ina. Nasa kolehiyo pa lamang siya ay ramdam na niya ang bigat na nakaatang sa kanyang balikat na pamahalaan ang kompanyang itinayo at pinalaki ng kanyang great-grandfather pa.

Nahihilo na siya sa dami ng nainom na alak at parang mababaliw pa siya sa kanyang mga magulang.

Mabilis siyang bumangon at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. He needs to see August or he will surely lose his mind at hindi rin niya kayang isipin na mag isa lamang ito sa kwarto nito. Sa liit nitong iyon ay sigurado siyang wala itong laban kapag may nagtangkang manloob sa kwarto nito.

Halos lumipad na ang kanyang sasakyan nang paharurutin niya iyon sa desertong daan. Alas diyes na ng gabi at wala ng masyadong sasakyan. Ilang sandali lamang ay huminto na siya sa isang maliit na apartment. Nakapatay ang mga ilaw sa labas at loob ng apartment.

Nagmamadali siyang lumabas ng ng kanyang sasakyan. Nang masigurong nakasarado na iyon ay pumasok na siya sa gate na hindi man lamang naka-lock at dumiretso sa harap ng kwarto ni August at kumatok doon.

Napangiti siya nang pagbuksan siya nito ng pinto. He can't help but admire the simple beauty in front of him. Nakataas na naman ang kilay nito sa kanya pero iyon nga ang nagugustuhan niya dito. Hindi ito humahalik sa kanyang mga pakulo at kalokohan.

"Hey, babe. I miss you." bati niya dito.

"Anong ginagawa mo dito at lasing na lasing kang damuho ka!?" tanong nito sa kanya.

"Can I come in, babe?" tanong niya dito pabalik. He needed his company right now. Hindi niya alam kung anong ipinainom nito sa kanya o baka ginayuma ba siya nito pero gusto niyang laging nakikita ang maamo nitong mukha. And if it is too much to ask, he also wants August to be beside him all the time.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon