33

25.4K 1.2K 143
                                    

33

AUGUST

Hindi niya napigilang mapangiti nang magising na nakakulong sa bisig ng kanyang damuho. Dama niya ang mainit nitong katawan kaya mas isiniksik niya ang sarili sa tabi nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap. Wala ito ni isang saplot at hindi inda ang lamig na mula sa aircon habang siya naman ay balot na balot na, giniginaw pa rin. Itinaas niya ang paningin at mula sa kanyang anggulo sy kitang-kita niya ang nakapikit nitong mata, ang matangos nitong ilong at ang labi nito na bahagyang nakaawang.

Hindi pa rin siya makapaniwalang fiance na niya ang gwapong damuho na nasa kanyang tabi. Bukod sa mapapangasawa na niya ito, ipinagdadalang tao niya rin ang kanilang panganay at lahat nang iyon ay nangyari sa loob lamang ng limang buwan. Simula nang magtagpo ang landas nila isang gabi sa kanyang pinagtatrabahuang coffee shop ay nagulo na ang kanyang mundo at nagulo iyon sa magandang paraan.

Hindi niya napigilan ang sarili na pisilin ang tungki ng ilong nito kaya nagusot ang gwapo nitong mukha. "Unggghhh..." pag ungot nito at kinamot ang ilong bago muling bumalik sa pagkakatulog. Napangiti siya bago iyon inulit.

"Gising na hon. May pasok ka pa." panggigising niya rito at muling pinisil ang matangos nitong ilong na ikinaungot lamang muli ng kanyang damuho. Kada umaga na lamang na ganoon lagi ang kanilang sitwasyon. Para itong batang ang hirap gisingin para papasukin sa eskwelahan.

"Arghhh... I don't wanna go to work today, babe. I just want to stay here with you." anito sa magaspang na bagong gising na boses at may kakaiba iyong dala sa kanyang katawan lalong lalo na sa kanyang kaselanan. "Let's go back to sleep and I will take you out on a date later."

Napatawa siya at napailing. Medyo natutukso siya sa alok nito pero alam niyang hindi ito pwedeng lumiban sa trabaho ngayon lalo na at nagmamadali ang mga ito na muling pataasin ang sales ng Carter Motors at naghahanda rin ang buong kompanya nito ayon na rin sa kanyang damuho para sa anniversary. "Pag uwi mo na lang sa hapon tayo mag date kaya bumangon ka na diyan."

"Ughhhh. But okay." parang napipilitan nitong usal kalaunan. Mabilis siyang pinamulahan ng pisngi nang umikot ito ng higa at hinalikan siya sa noo habang hinihimas ang kanyang malaking tiyan. "Good morning to my babe and my little pancake." nakangiti nitong usal bago muling yumuko at sa pagkakataong iyon ay ang labi naman niya ang hinalikan.

"Good morning din damuho ko." aniya at gumanti ng halik sa labi nito. Inunahan na niya itong bumangon sa kanilang higaan. Kailangan niya pa kasing timplahan ito ng kape at lutuan ng babauning pananghalian.

Kaswal ring tumayo ang damuho dahilan para tumambad sa kanya ang morning wood nito na nagpapula sa kanyang pisngi kaya iniwas niya ang tingin sa galit nitong alaga. Binati siya nang nakangiti nitong mukha at kinindatan pa siya. "Are you game for some morning sex, babe?"

Mas namula ang kanyang mukha. "Magdamit ka nga!" aniya at mabilis na lumabas ng kanilang kwarto. Rinig pa niya ang pagtawa nito na mas nagpainis sa kanya. Paglabas niya ay dumiretso siya kaagad sa kusina ng unit nito at pinaandar ang coffee maker. Habang hinihintay ang kape nito ay kumuha na siya ng manok sa freezer at pinalambot iyon sa pamamagitan ng pagbababad sa tubig.

Hindi na siya nabigla nang may yumakap sa kanya mula sa likod at humalik sa kanyang bunbunan. "What's for my lunch, babe?"

"Adobo, hon. Ilang araw mo na iyong nire-request di ba?" medyo napapangiti siya dahil ilang araw na rin siya nitong kinukulit na magluto ng adobo. Sinisiraan pa nga nito sa kanya ang adobo na itinitinda ng cafeteria sa kompanya nito.

"Yeah. I miss your sweet chicken adobo, babe." anito at hinimas ang kanyang tiyan. "I think we should call our next baby 'adowbow'"

"Baliw. Wala pa nga tayong sure na pangalan para kay Pancake eh tapos gusto mo na kaagad paglaruan ang pangalan ng susunod nating anak." aniya at kumuha ng cup at sinalinan iyon ng kape. "Ito na ang kape mo oh. Anong gusto mong almusal?"

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon