Dahil nairita ako sa pagsisigawan nila sa harap ko ay pinalayas ko silang pareho sa tabi ko. Binantaan ko sila na kapag hindi sila umalis ay isasalaksak ko sa lalamunan nila itong mga tokens ko. Natakot naman sila kaya umalis din kaya napayapa na ang pagiisip ko.
Matapos kong maglaro ay hindi ko kayang buhatin lahat ng tickets na napalanunan ko sa laro at hindi ko alam kung paano dadalhin iyon sa counter."Hay. Iisa isahin ko na nga lang," pagdedesisyon ko.
Magsisimula na sana akong magayos ng tickets ay bigla na lang sumulpot si Daylan.
"Ako na Babe." aniya habang may matamis na ngiti sa labi. Napataas naman ako ng kilay dahil sa tinawag niya sakin.
"May pababe babe ka pa dyan! Tse! Ayoko nun."
Napanguso na lang siya at tinanong ulit ako. "Eh ano bang gusto mong endearment natin?"
"Ang korny kasi e. Mas okay na yung mga pangalan na lang natin." nakokornihan kasi talaga ako e. Ayoko talaga sa mga ganung bagay feeling ko baduy pakinggan.
Ngumisi na lang siya na parang may iniisip na hindi maganda.
"Tutulungan na kita Mae." si One naman ang sumulpot sa tabi ko at nagaayos din ng tickets.
"Hoy Uno. Hindi na namin kailangan ng katulong dito kaya ko na ito! Wag ka ng makisingit dahil hindi ka nanaman kasya sa madaling salita balakid ka sa amin." tiningnan ni Daylan si One na parang gusto nilang magpatayan sa harap ko.
"Hindi kita kinakausap dyan." simpleng sabi ni One habang inaayos pa rin ang tickets. Nainis nanaman ako kaya tumayo ako at pumunta sa counter bumili ulit ako ng tokens.
"O sige kayong dalawa na ang magayos niyan tinatamad na ako. Kapag may na punit kahit isang ticket dyan alam niyo na." sabi ko habang pinapakita ang tokens na hawak ko. Sumaludo pa silang dalawa sa akin at nagtino na sa pagaayos ng tickets.
Hinagis ko sa kanila ang card ko at sinadya kong dalawa iyon dahil baka mabali lang dahil alam kong pagaagawan nila kapag isa lang.Naglaro ako ng toy catcher at unang laro ko pa lang ay dalawang laruan na agad ang nakuha ko. Nagngingiti ako at proud na proud sa sarili ko.
May narinig naman akong mga batang nanonood sa akin.
"Ma gusto ko rin nun." pagmamaktol ng bata habang tinuturo yung machine."Anak di naman ako marunong niyan e madaya yan." sabi naman ng nanay niya. Haha ganyan lagi ang sinasabi nila na mas langis daw yun pangkuha kulang daw sa turnilyo kaya magalaw.
"E bakit si Ateng maganda nakakuha dalawa pa?" haha thanks. Ganda ko daw oh haha.
Lumapit ako sa bata at yumuko ako ng konti para magkapantay kami ng konti.
"Haha. O sige nga ituro mo sa akin yung gusto mo dyan. Ako na ang kukuha sayo." ngumiti ako.
Nagtatatalon yung batang lalaki at napayakap pa sakin. "Salamat po ateng Ganda!" haha ano ba yan masyado na akong maganda ha.
Tinuro niya yung gusto niyang kunin at agad ko naman iyong nakuha. Mayamaya ay nagpasalamat ulit siya saka sila umalis ng nanay niyang nagpapasalamat din sa akin.
"Ate ako rin po. Gusto ko po yun." may batang humigit sa akin at tinuro yung laruang kulay pink. Pumayag ako hanggang sa naging pila na yung nagpapakuha sa akin ng laruan. Okay lang naman sakin dahil at least nakakatulong ako sa iba haha ewan ko nga lang kung paano yung tulong na sinasabi ko.
Hanggang sa maubos na lahat ng laruan sa toy catcher ay mahaba pa rin ang pila.
"Oy sorry guys. Ubos na lahat ng laruan." paghingi ko ng tawad. Kahit kasi dun sa malalaki eh nakuha ko na. Pati nga yung dun sa push something na makakakuha ka ng gamit.
Dismayado naman silang umalis at nagpasalamat sa akin. Ubos na rin ang tokens ko kakakuha ng laruan para sa mga bata.
Tiningnan ko sila Daylan kung tapos na ba sila sa pagaayos at natuwa naman ako at nagtutulungan na sila.
Si Daylan yung nagsusuksok dun sa machine ng tickets at si One naman yung nagbibigay sa kanya."Ayan mas maganda kung ganyan kayo lagi." puna ko.
"Saglit lang to bubugbugin ko siya pagkatapos. Ayoko lang talagang may mapunit kahit isang ticket kasi pinaghirapan mo ito." sabi ni Daylan.
"Ikaw ang bubugbugin ko dyan Daylan." banta ko.
"Haha. Kawawang Daylan." umiling iling pa si One at feeling niya naman ay panalo siya.
"Ikaw naman isa ka pa. Paguuntugin ko kayong dalawa diyan e makita niyong hinahanap niyo." napatahimik naman silang dalawa at nagtrabaho na ulit.
Ng matapos na sila ay halos hindi na magkasya sa machine yung number ng tickets ko.
Nahiya naman ako sa mga tao dahil lahat sila ay nakatingin sa akin at pinupuri ang galing ko pagdating sa mga gantong bagay.
Namumula naman ako dahil sa hiya at flattered sa mga papuri nila.
Whoo. Famous na ako. Hahahah!"Hmm ano kayang pwede." lumingon lingon ako at wala talaga akong maisip kung anong bagay ba ang pwede kong iredeem.
"Mam. Eto po ang pinaka mahal namin dito. Pwede po kayong pumili sa isa sa mga ito." may lumabas na staff at may ipinakita sa akin ng iba't ibang bagay. Madalas ay anime stuff at nakucutan ako sa totoo lang.
May isang kwintas dun na kakaiba sa lahat. Nagiisa lang ata ito.
"Ito gusto ko nito." sabay turo ko dun sa kwintas na kakaiba.
"Mam ang galing niyong pumili." may kakaiba sa ngiti ng staff na yun at feeling ko ay kilala ko siya.
Kinuha ko na yung kwintas at pinagmasdan yun. Napansin kong may nakaukit na pangalan at nabigla ako sa nakita ko para bang tadhana pa ang pumunta sa akin upang makuha ito.
Princess Mae Sanderson.Yan ang nakaukit ang buong pangalan ko. Nanlamig ako dahil feeling ko may kakaiba. Bakit naman alam ng toms world na ito ang buong pangalan ko?
Binaliwala ko muna iyon at hinila si Daylan upang isuot sa kanya."O ayan na ang patunay ko na sayo ako." namula ako sa sinabi ko at ngumiti naman si Daylan.
Si One ay nawala na lang bigla.
"Salamat. Pinapangako ko sa iyong mamahalin kita ng buong puso Mae." medyo nangingilid na ang luha ko dahil sa nararamdaman kong saya.
***
"Kung saan saan mo kasi siya dinadala! Ayan tuloy nagkasakit!"
Ang sakit ng ulo ko at puro sigawan pa ang naririnig ko. Naiinitan din ako kahit na nakabukas ang aircon.
"Daylan kung gusto niyong lumabas ay pwede naman pero magpaalam ka muna sa amin!" rinig kong sigaw ni Mama.
Kahit na gusto kong bumangon ay hindi kaya ng mahina kong katawan. Nung nasa mall kasi kami sobrang init ko pala nun hindi ko lang pinansin dahil akala ko masyado lang crowded kaya ganun. Kaya ayun nahilo ako. At eto nakahiga na nga sa kama at hindi ko masyado maigalaw ang katawan ko.
"Mae is awake ma!" pagtawag ni kuya B kay Mama. Nagaalala namang lumapit sa akin si Mama.
"Hindi ako si Awake ako si Mae. Haha. Korni ba.." nanghihina kong sabi. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang panghihina ng katawan. UGH. Gusto ko na lang matulog magdamag dahil napakasakit ng ulo ko.
"Oo korni ka anak kaya wag ka na ulit magjojoke."
"O ano pano na to Daylan? Walang gamot na mabibili rito sa Manila pa." napataas ng kilay si Mama at nagtaray kay Daylan.
"Ma meron naman dyan e.."
"Ayoko. Gusto ko yung sa Manila para malayo."
Tumango naman si Daylan at lumapit sa akin. Niyapos niya ako ng mahigpit.
"Be a good girl Mae. I'll come back with your medicine."
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...