Sumisinghot singhot pa rin si Mama at ginawa ko ang makakaya ko upang patahanin siya.
"Dapat pala hindi na ako lumaban. Para hindi na niya inilayo si Daylan.. Hindi ka na sana ganyan Mae.."
Hinagod ko ang likod ni Mama para tumigil na siya sa pagiyak niya. "Okay lang Ma. Wala kang kasalanan, tama lang ang lumaban paminsan minsan Mama dahil mali naman talaga yung ginawa niya. Okay lang ako." mahinahon kong sabi.
Para bang niloloko nila ang mga sarili nila. Akala ko pa naman matalik na magkaibigan silang dalawa, may lamat din pala.
Ang mga ngiti at tawa na pinagsaluhan nila ay may kasamang galit at inis pala. Akalain mo yun? Akala ko tunay siyang kaibigan ni Mama. Hindi ko man lang napansin na may ganun siya kagaling magpanggap. Ayaw ko talagang nakikita si Mama na umiiyak dahil araw araw siya lagi ang nagpapasaya sa amin, nagpapatawa at siya lagi ang may ngiti tuwing umaga. Hindi siya nawawalan ng kwento, joke at love quotes, hindi ko nga alam kung san niya napupulot yun e.
Siya yung taong maasahan mo palagi, kasa-kasama mo kapag may malaking problema, at isang tunay na kaibigan. Para bang kaya niyang saluhin ang lahat ng problema wag lang madamay ang mahal niya.
Magtatago siya ng luha sa palaging pagtawa at pagiging masaya..Ngayon naiintindihan ko na si Papa. Kung gaano na lang niya pahalagahan si Mama, ni dulo ng buhok, kuko, pilikmata ayaw niyang ipahawak sa iba.
"Hindi e. Hindi ka okay. Basta gagawin ko--"
"Wala ka ng gagawin Ma. Sapat na lahat ng ginawa mo para sakin at para sa amin. Hayaan.mo naman kami ang gumawa ng paraan dahil lahat na ata ng paraan ay nagawa mo na." tumawa ako ng konti para mapagaan ang paligid.
Ngumiti si Mama at yinakap ako. "Salamat. Pero hayaan mo na rin ako gumawa--"
"Hindi na Ma. Kaya ko ito. Kaya namin ni Daylan malutasan ito. Kaya ko siyang ipaglaban at alam kong kaya niya rin ako ipaglaban. Laban sa Nanay niyang may tinatagong sungay." kumalas ako sa pagkakayap at ngumiti kay Mama.
"Wag ka naman agad manghusga anak. Hindi naman siya demonyo para magkasungay. Alam kong mabuting tao siya. Kilala ko si Daniellah simula pagkabata kaya alam kong mabuti siya." may nilabas ulit na isang pendant si Mama at nakita kong sira na iyon at halatang sinadyang sirain.
"Ano yan Ma?" usisa ko naman.
"Eto yung isa pa naming ginawa ni Daniellah na pendant nung bata pa rin kami. Sabi namin sa isa't isa pangangalagaan namin ito at itatago pero heto yung kanya, sira at ako pa ang mangangalaga. Hahaha.." mapait na tawa ang lumabas sa bibig niya imbis na masaya. "Itinapon niya sakin ito nung isang araw at sinara sa harapan ko ang sabi niya hindi naman talaga niya ako tinuring na kaibigan."
"Tama na Ma. Hindi lang siya ang nagiisang kaibigan mo! Marami sila, naghihintay lang na mapansin mo. Kung ayaw niya edi wag niya! Edi wow kamo! Paki sabi yan ha? Kung sakasakaling magkita kayo."
"Loka ka talagang bata ka! Tara na nga punta tayong ice cream shop! Libre kita cookies 'n cream! HAHAHA!" tumawa si Mama at ramdam.kong totoo na yun.
"Yan ang gusto ko. Tara na. Ano pa bang tinutunganga natin dito?" hinila ko na agad siya at natatawa tawa pa siya sa sinabi ko.
"Ang takaw mo talaga sa cookies 'n cream ice cream! Hahaha!"
Napangiti na lang ulit ako ng bumalik na siya sa pagtawa at pagngiti.
---
Kumain nga kami sa ice cream shop at feeling ko sasabog na ako sa sobrang kabusugan. Huhu. Nagsisi tuloy ako, feeling ko ang taba taba ko na! Ang laking fats nun!
Pagkatapos kumain ay naggala gala kami sa mall. Dapat ay window shopping lang ang gagawin namin nauwi rin sa shopping. Bumili kami ng maraming damit, sapatos, bags at kung ano ano pa.
Pumunta pa kami ng national bookstore para bumili ng kung ano anong libro, may mga manga pa. Gustong gusto kasi ni Mama na gawing stress reliever ang pagbabasa ng libro at manga. Mahilig din siyang magdrawing, at masasabi ko namang maganda ang ginagawa niya. Minsan pa nga ay tinutulungan niya si kuya Adam sa pagdodrawing ng mga structures.
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
UmorismoWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...