Mae's POV
Umaga na nakabalik si Daylan at umepekto naman kaagad yung gamot na binigay niya. Dati kasi nagkaganto rin ako e, tapos ilang araw akong nagkasakit minsan linggo pa nga e. Kaya buti na lang maagang nakadating si Daylan dahil napakasakit na talaga ng ulo ko at parang di ko kakayanin.
Bumaba na ang temperatura ko at naging normal na kaya ayos na ako.
Si Daylan ay pinauwi kaagad ni Mama pagkabigay pa lang ng mga gamot.
Bakit ganun? Si Mama ang nagsimula pero parang ayaw niya na, ayaw niya ng ituloy. Akala ko ba ayos na sila ni Kuya Clint? Pero bakit inilalayo niya pa rin sakin si Daylan?Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko naramdaman na nasa tabi ko pala si kuya Clint.
"Daylan nanaman ba yang iniisip mo? Nako ha. Hindi ako pumayag sa inyo para lang mabaliw ka kaiisip sa kanya." humalakhak si kuya Clint at hindi ko naman maitanggi na tungkol nga kay Daylan ang iniisip ko."Kasi nagtataka na ako kay Mama e. Dati, gustong gusto niya kami para sa isa't isa pero ngayon ipinagtutulakan niya pa si Daylan palayo. Maayos na ba talaga kayo kuya?" tanong ko. Biglang sumeryoso ang mukha ni kuya Clint at pinagmasdan akong mabuti.
"Hindi naman sa ayaw niya sa inyo. Natatakot lang siya at naguguluhan Mae." sabi ni kuya Clint. Hinaplos haplos niya ang aking buhok. "At yes. Okay na kami ni Mama." pahabol niyang sabi.
"Haay. Nakakaloka. Kasi nagtext sakin si Daylan na pagkauwing pagkauwi niya galit na galit si tita Daniellah sa kanya." nagaalala kong sabi.
"Mae, if it meant to be, it will be. Haha di ko alam kung ganyan ba yung nabasa ko na quote sa facebook. Hahaha! Sige na alis na ko. Puntahan ko si Aqua, nagpunta pa ang loko rito para ipaalam na nagwawala na ang fans namin." pamamaalam ni kuya Clint. Yinakap ko siya at ngumiti, hinalkan niya naman ako sa aking pisngi at muling namaalam.
Hanggang ngayon at nasa kama pa rin ako. Nakakatamad tumayo e kagigising ko pa lang kasi. Ganto ako tuwing umaga bago pa ako makabangon hihiga muna ako saglit at titingin sa kisame tapos tutulog ulit. Hahaha!
Dahil gutom na gutom na ako tumayo na ako dahil naaamoy ko na ang luto ni kuya Clint.
Nakita ko naman sa kusina na may nakahandang pagkain. Fried rice, fried chicken. O sige fried ng lahat.Kumain na ako at saka lang sila kumain ng umupo ako. Talagang hinintay pa ko e. Alam naman nilang magmumunimuni muna ako bagk bumangon.
"Bakit di kayo kumain kanina? Bakit ngayon lang?"
"Hinihintay ka namin syempre." sagot naman ni kuya Adam. Umalis na si kuya Clint para nga pumunta kila Aqua Waters haha. Nasa kanya na lahat ng tubig e.
Tumango na lang ako at ngumiti. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Tahimik ang hapag kainan. Walang nagtangkang magsalita hanggang sa nagsalita si Papa at ngiting ngiti.
"Babalik na tayo sa bahay natin! Babalik na tayo sa Manila mamaya! Hindi ba masaya?" masayang sabi niya.
Nakita ko namang lumungkot ang mukha ni kuya Adam at wala namang ekspresyon si kuya Blaze sa sinabi ni Papa.
Si Mama naman ay suminghot singhot pa wala namang luha."Huhuhu! Mamamaalam na ako sa aking mga kumare rito. Sige na aalis muna ako." umalis na si Mama. At parang umalis lang siya para umiwas sa usapan.
Nagtaka naman ako sa mga kinikilos nila dahil parang sobra nilang tahimik na para bang may itinatago sila sa akin.
"May nalalaman ba kayo na hindi ko alam?" diretsahang tanong ko.
Kunwaring nagulat pa si Papa. "Kami? May itatago sayo? HA-HA-HA! Wala no," saka nagiwas ng tingin. Umupo na lang siya sa sofa at nanood ng TV.
Sumunod ang dalawa sa kanya. Umupo ako sa tabi ni kuya Blaze nagbabakaling magsabi siya ng totoo.
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...