Kinaumagahan ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakahintay kila kuya. Agad akong naghilamos ng mukha at nagbabakasakaling mahanap ang dalawa kong kuya na hindi umuwi kagabi.
Hind ko alam kung bakit malakas ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako sa mangyayari.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakarinig agad ako ng mga hikbi na galing kay Mama.
Nagaalala naman akong lumingon kay Mama at dinaluhan siya.
"Ma? Anong nangyari bakit ka naiyak?" tanong kong may halong kaba.
Tinuro lang ni Mama ang tv at kumunot lang ang noo ko. "O? Anong meron sa TV?" nagtataka kong tanong. Sa utak ko kasi ay baka naaksidente ang dalawang kuya ko kaya hindi nakauwi at binalita ito sa TV o kaya naman ay baka kinuha sila ng masasamang loob at kailangan ng ransom kaya naiiyak si Mama dahil wala kaming pambayad. De joke lang.
"Huhuhu! Nakakaiyak kasi yung teleseryeng inaabangan ko e!" sabi niya habang patuloy pa rin sa pagpunas ng luha na tumutulo sa mata niya gamit ang puting panyo.
Nanood naman ako saglit sa TV kung nakakaiyak nga.
Lalo lang kumunot ang noo ko kay Mama at tumingin ulit sa kanya.
"Ma anong sinasabi mong nakakaiyak e Sofia the first yang pinapanood niyo?" naniningkit na talaga ang mata ko dahil sa sobrang pagtataka.
"Ha? Ganun ba?" tumigil siya sa pagpupunas at tumingin sa TV. "Oo nga no cartoons. Mamaya pa pala yung teleseryeng inaabangan ko, o sige mamaya na lang ulit ako iiyak." sabi ni Mama saka lumabas ng bahay. Narinig ko pa siyang bumulong ng...
"Nalugi ako dun ah. Tae. Makwento nga kay Mareng cora."
Tsismis nanaman ang habol ng ina ko. Pero hayaan na yan lang ang kasiyahan niya, sa mansion kasi namin e mga katulong lang namin kakwentuhan niya hindi kasi siya makalabas ng magisa dahil delikado raw sabi ni Papa.
Pero minsan mapilit talaga siya at sawa na raw siyang kakwentuhan ang mga katulong namin kaya pumupuslit siya sa bahay ang hindi niya alam pinapasundan siya ni Papa ng patago.
"Goodmorning!" nakangiting bati sakin ni Lola. Dito pala siya natulog?
"Oo dito ako natulog. Wala kasi akong bahay dito." napanganga na lang ako bakit niya nalalaman ang nasa utak ko.
"Hay nako Mae halata naman kasi sa mukha mo." nagulat nanaman ako sa pangalawang pagkakataon. Haha. Kelan kaya ang pangatlo? Joke.
"Ngayon gusto mo? HAHAHA!"
"Waaaah! Lola ang creepy mo na!" halos habol hinga ang ginawa ko dahil sa sobrang kabado sa kanya.
"Oo na hindi na ko magbabasa ng isip mo. Mamaya tanungin mo pa sakin kung patay na ba ako." seryoso niyang sabi.
"Kinakabahan na ako sayo, La. Nabasa mo yata ang dapat kong iisipin!" totoo yun. Ngayon ko nga lang natanong sa utak ko kung patay na ba si Lola kaya siya nagkakaganyan.
"O sige na Bye muna for now. Aalis pa ang Lola!" lumapit si Lola sakin at pinakiramdaman ko ang temperatura ng katawan niya.
Nakipagbeso-beso siya sakin at natiyak kong hindi siya patay ng maramdaman kong mainit pa ang pisngi niya at hindi ako nananaginip.
"Whoo. Buti na lang. Di ka pa dedo La." lumuwang na ang hininga ko.
Pinanlisikan lang ako ni Lola ng mata. "Pasalamat ka Mae at importante itong pupuntahan ko kundi ay nako paparusahan ko kayong pamilya. Tandaan mong gumalang bata ka!" piningot pa ako ni Lola at pinaikot ito.
"ARAY! OUCH! MASAKIT! LOLAAA~! HINDI NA PO MAUULIT!" sigaw ko. Halos mangiyak ngiyak ako ng bitawan ni Lola ang tenga kong namumula mula dahil sa pigot niya.
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...